Celest's POV:
Kasalukuyan kong nilalantakan ang fries na inorder ko sa cafeteria. Ganito talaga ako pag naiistress, dinadaan ko nalang sa pagkain. Ang dami ko kaseng problema ngayon na hindi ko naman dapat problemahin; una yung kabit ni Maddie tapos ngayon naman yung kahibangan na ginawa ni Mr. Yabang kanina. Hays! Bakit kase may classes kame ngayon eh Saturday naman!
"Ew, sis. You're so baboy." I just glared at Sab. Kanina pa siya direng dire sa way ko ng pagkain pero patuloy pa rin naman siya sa panunuod sa akin. Health conscious kase yan si Sab. "Wala akong pake." sabi ko kahit punung puno pa ng fries ang bibig ko. "Wag ka magsalita! Your mouth is full pa kaya, hello?! Tumatalksik yung fries!" siniringan ko nalang ulit siya at tumalikod sa kanya.
"Yo, Miss Manager!"
"Ay anak ng pitumput pitong puting tupa! Ano ba Dex!" nagulat ako nung bigla akong kinulbit ni Dex kaya nakatanggap siya ng batok sa'kin. "Aray naman." sabi niya habang nakahawak sa batok niya at ngumunguso nguso pa. "Masyado ka namang hot, manager."
"I know right?" napatawa nalang kame sa sinabi ko. Kumuha siya ng upuan at umupo sa pagitan namin ni Sab. "Hey, alam mo bang birthday namin ni bro sa Monday?" saglit akong natigilan sa pagkain ng fries sa sinabi ni Dex. "Nagbibirthday din pala kayo."
Tumawa ulit si Dex. "Syempre kailangan magbirthday ng mga gwapo." my eyes automatically rolled heavenwards upon hearing what he said. May inilapag siyang dalawang envelope sa table namin. "Ano yan?"
"Pagkain yan, Celest, pagkain." jusme! Confirmed! Kambal nga talaga sila ni Mr. Yabang! "Joke! Eto naman. Invitation 'yan para sa birthday party namin ni bro. I hope makapunta kayong dalawa ng maganda mong bestrfiend." sabi niya sabay kinday kay Sab. At ang bruha naman, kilig na kilig! "See you!" nag salute muna siya samin bago tuluyang umalis.
"Oh em gee! We need to shop na, sis!"
"I'm not going."
"What?!"
"I said I'm not going. Kung gusto mo ikaw nalang."
Padabog na tumayo si Sab sa upuan niya. "Then, fine! Don't go!" paalis na sana siya kaso tumigil pa siya at humarap ulit sa'kin. "Ano nanaman?" mataray kong tanong. "Nothing. I-reremind ko lang sa'yo na Azetrex saved your face from being slapped yesterday and saved you from being bullied by the entire school kanina lang. Show some appreciation naman, Margaux Celeste!" and after saying that, she catwalked her way out of the cafeteria.
Bakit ang galing mangonsensya ni Sab? Ano ba yan! Di pa nga pala ako nakakapag thankyou kay Mr. Yabang. So kailangan ko pala talagang umattend ng party niya? May ibang paraan pa ba?
-
[Sunday] I decided na ibabake ko nalang si Rex ng cake instead na pumunta sa party niya. Mas madaming effort ang ineexert sa pagbabake kesa sa pagpunta sa party 'no! Bumili ako ng mga kakailanganin kong ingredients after yesterday's classes.
Paulit ulit kong binasa yung nakalagay sa cook book ni mama pero wala talaga akong maintindihan. "Ano ba 'to?" napasapo nalang ako sa noo ko.
"Anak, magluluto ka?" JUSME! May lahing kabute pa ang nanay ko at bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan? "Ma! Nakakagulat ka naman po!"
"So, magluluto ka nga, anak?"
"Ah, eh ...opo."
"Tutulungan kita!" sabi ni mama with matching hawak pa sa mga kamay ko. "Talaga, ma?" nagkokorteng star na ang mga mata niya. "Oo, anak! Natutuwa ako kase ngayon ka lang nagkaroon ng interes sa pagluluto! Nagdadalaga na ang baby ko!" may nagbabadyang tumulong luha sa mata ni mama kaya pinunasan niya ito. "Salamat, ma!" napayakap nalang ako kay mama sa sobrang tuwa. "Ma! Kahit ang OA mo po thank you parin! Wala kase talaga akong maintindihan sa nakalagay diyan sa cook book mo!"
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...