Celest's POV:
"Sis, mukha kang zombie!" siniringan ko nalang si Sab. Ang ganda naman kasi ng salubong niya sa'kin di ba? Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Binabagabag ako ng mga nangyari kahapon. Hindi ko pa rin matanggap na si Rex ang kabit ni Maddie. Hindi ko naman kasi inaasahan na magagawa niya talaga 'yon. Ang dami ko nang clues na siya nga talaga 'yon pero mas pinili kong huwag 'yon paniwalaan dahil sa paniniwala kong mabuting tao talaga si Rex. Pero sa bandang huli, mas nangibabaw pa rin ang pagiging loko loko niya.
Nagtungo ako sa locker room nang walang paalam kay Sab. Wala kasi talaga ako sa mood para makipag usap tsaka baka magtanong siya kung anong nangyari, hindi pa ako handang magkwento sa ngayon. Hindi ko na kasi nakuha yung mga naiwanan ko kahapon dahil nga sa unexpected na nangyari.
Habang kinukuha ko ang mga gamit ko biglang may nagbukas ng locker malapit sa akin kaya napatingin ako. Nanlaki ang mata ko nung makitang si Rex pala 'yon. Magkalapit nga lang pala kami ng locker. Nagkatinginan kami sandali pero umiwas na agad ako ng tingin. Nagmadali ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa bag. Paalis na sana ako nang magsalita siya. "Celest, sandali ..." tumigil ako sa paglalakad at dahan dahang lumingon sa kanya. Lumapit siya sa'kin. Mukha siyang napuyat, nagkaroon kasi ng dark shadows below his eyes.
"Yung kahapon hindi naman talaga ..." hahawakan niya sana ako kaso inilayo ko agad ang kamay ko inilagay sa likod. Natigilan siya sa pagsasalita. Nakatingin lang siya sa kamay na inalayo ko sa kanya. "A-ano yung sasabihin mo?" nag-angat siya ng tingin sa'kin. Nag-iba na ang tingin niya akin. Hindi na katulad ng mga tingin niya noong mga nakaraang araw. Parang nagbalik yung tingin niya sa akin nung una niya akong nakita. Ang cold. "Kalimutan mo na 'yon." nagpamulsa siya at naglakad na paalis. Tinabig niya pa nga ako sa balikat. Napakagat nalang ako sa labi at tumingin sa taas.
"Huwag kang iiyak, Celest." tama, hindi capat ako umiyak. Wala namang rason, di ba? Niloko nila si Kaloy. Niloko nila kami.
-
Nandito kami ngayon sa gym. Tuloy tuloy pa rin ang practice ng team dahil may susunod pa silang laban next week. Sa susunod na linggo din may exams kami kaya busy-busyhan kaming lahat ngayon. Pero hindi katulad ng mga nakaraang mga practice nila, matamlay ang team ngayon. Siguro alam na rin ng iba ang nangyari kay Kaloy at Rex.
Iwas si Kaloy kay Rex. Maging ang kakamabal nitong si Dexter hindi siya pinapansin. Si Rain lang kasa kasama nito pero pareho naman silang walang kibo. Maging si Maddie ay wala sa practice ng cheerleading team. Pero ang mukhang pinaka apektado sa kanilang lahat ay si Kaloy. Nawala ang dati kong kilalang masigla at palangiting si Kaloy. Namumugto ang mga mata niya ngayon at parang wala sa sarili. Siguro hindi pa siya komportableng makasama si Rex sa training.
Umupo si Kaloy sa bench at ibinaon ang mukha sa mga palad. Lumapit ako at umupo sa kanyang tabi. "Kaloy ..." napaangat siya ng tingin sa'kin at nakita kong nangingilid nanaman ang luha niya. "May mali ba sa'kin Celest? May kulang pa ba?" tuluyan nang tumulo ang luha ni Kaloy kaya napayakap ako sa kanya. "Walang mali. Wala ding kulang, Kaloy. May mga tao lang talaga na hindi marunong makuntento."
"Bakit sa kaibigan ko pa?" hindi ko rin alam, Kaloy. Hindi ko rin alam. Naramdaman kong gumanti ng yakap sa'kin si Kaloy. Kung nasa ibang sitwasyon siguro kami natuwa ako, pero sa nangyayari ngayon, hindi ko magawang maging masaya. Lalo na't alam kong sobrang nasasaktan ang taong mahal ko.
"Salamat, Celest." kumalas na siya mula sa pagkakayakap namin tapos nagpunas ng luha gamit ang likod ng palad niya. "Pasensya ka na kasi nakita mo pa akong nagkakaganito." ngumiti siya ng pilit. "Wala 'yon, Kaloy." sagot at binigyan siya ng ngiti. "Paki sabi nalang kay coach masama ang pakiramdam ko." kinuha na niya ang mga gamit niya at umalis na ng gym.
Nakaupo lang ako sa bench at nakayuko sa lapag nang may nakita akong green na sapatos sa harapan ko. Ito din yung green na sapatos na nakita ko sa rooftop. Si Rex ba 'to? "Inuupuan mo ang t-shirt ko." napaangat ako ng tingin nang hindi ang boses ni Mr. Yabang ang marinig ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Rain Cristobal pala 'yon. "Ha?"
"Yung t-shirt ko inuupuan mo." sabi niya sabay turo sa puting t-shirt na nauupuan ko nga. "Ay, sorry." agad akong napatayo sa bench. Kinuha niya ang t-shirt niya at isinukbit sa kanyang balikat. Binalik ko ang tingin sa sapatos na suot suot niya. Hindi ba't kay Rex 'yon? Nakita kong suot suot niya iyon nung araw na nakita kong may kasama si Maddie sa rooftop.
Sinusundan ko lamang ng tingin si Rain habang ako'y naglalakad nang hindi namalayang napauopo na pala ako sa isa pa sa mga benches. Paglingon ko nakaupo rin pala sa kabilang dulo ng bench si Rex na kasalukuyang may tinitingnan nanaman sa kanyang cellphone. Nagtama ang mga mata namin. Natigilan siya sandali pero agad din namang bumalik ang cold niyang facial expression. Agad niyang kinuha ang gamit niya at tumayo. Lumipat siya sa kabilang bench.
Iniiwasan niya ba ako? Bakit parang ...ang sakit?
-
Wala ako sa sariling naglalakad sa hallway. Hindi ako sumabay kay Sab pauwi. Kamusta na kaya si Kaloy? Hindi na kasi siya bumalik kanina sa practice eh.
Lakad lang ako ng lakad papunta sa di ko malaman nang nakasalubong ko si Rex. Nagkatinginan nanaman kami sandali pero hindi niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako kakilala. Nilampasan niya lang ako. Walang lingun-lingon. Walang kahit ano.
Bigla kong namiss yung mga oras na binabara niya ako at inaasar. Yung oras na magkasama kami sa kotse habang kumukulog. Yung gabing magkasama kami sa gym at sabay na umuwi. Namimis ko lahat yon. Namimiss ko siya.
Nitong mga nakaraang araw unti unti nang nagkakalapit ang mga loob namin, unti unti na kaming nagiging magkaibigan, pero bakit kung kelan nagiging okay na ang lahat sa'ming dalawa tsaka ko pa nararamdamang he's drifting apart? That we're drifting apart?
Itutuloy ...
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...