Chapter Four : Who's That Boy?

116 3 0
                                    

Celest's POV:

"Whaaaat?! Nagdate kayo ni Rex?! As in Azetrex Mendoza?!!!!" tinakpan ko agad ang bibig ni Sab bago pa may makarinig. Ang ingay talaga ng babaitang ito kahit kelan!!

"Wag kang maingay, loka! Patapusin mo muna ako! Tumahimik ka na dyan, okay?" tumungu tungo naman si Sab kaya binitawan ko na siya. "Hindi kame nagdate, fake date lang 'yon. Kailangan ko kaseng mag-isip ng palusot para hindi makahalata si Kaloy na sinusundan ko sila."

"Gaga! Date parin 'yon! Nilagyan mo lang ng 'fake' pero may date parin!" I just rolled my eyes sa sinabi niya.

"Whatever, Sab."

"Whatever whatever ka dyan?! Hindi mo ba alam kung ilang babae ang gugustuhing makasama si Rex sa isang date? Kahit sa isang fake date lang!"

"Oh edi isaksak nila sa ngalangala nila yung Mr. Yabang na 'yon!" sa sobrang inis ko, kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng cafeteria.

Basta talaga si Mr. Yabang ang topic, naaasar na agad ako! So what kung madaming gustong makipag date sa kanya? Wala kaya 'yong manners kasama! Mayabang pa! Ugh.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa rooftop. Masyado kaseng napuno ni Mr. Yabang ang utak ko kaya napollute. I can't think straight na tuloy.

I've decided to stay muna kaso nakarinig ako ng nag-uusap kaya dahan dahan akong sumilip.

"Masyado naman kaseng pa demure si Carlo. Akala niya natutuwa ako sa kanya. Nakakasuka kaya siya!" Lalong nag init ang ulo kong kanina pang nag iinit sa nakikita at naririnig ko. Si Parrot Girl may kayapusan na lalaki! Paano niya nagawang sabihan na nakakasuka si Kaloy my loves eh obviously mas nakakasuka naman siya! Pero ang mas nakakagulat pa eh nakasuot ng varsity jacket ng basketball team yung guy. Pero nakatalikod siya kaya hindi ko maaninag ang muka niya. Ang tanging clue ko lang ay ang jacket niya at yung kulay green nyang rubber shoes. "Ikaw talaga ang gusto ko ..." nag smirk pa si Parrot Girl at nagsimula na silang maghalikan.

Napatakip nalang ako ng bibig. Dali dali akong tumakbo pababa at tumigil sa may hagdanan.

"Miss Manager! Bakit namumutla ka dyan? May problema ba?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Dex, yung kakambal ni Mr. Yabang. Nakausot din siya ng varsity jacket na katulad na katulad nang don sa kabit ni Parrot Girl. So, hindi pala ako nagkakamali. Isang ka-team mate nga ni Kaloy ang tumatraydor sa kanya.

"Ah, wala ..." nakaramdam ako ng awa kay Kaloy. Kitang kita ko sa double date namin kahapon kung gaano niya asikasuhin at pahalagahan si Maddie. Pero pinagtataksilan lang pala siya nito. Yung lalaking matagal ko nang mahal niloloko lang ng ibang babae.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Dex ang noo ko. "Sure ka? Mukang may sakit ka eh?" umiling iling lang ako. "Okay lang talaga ako, Dex. Papunta ka na ba sa gym? Sabay na tayo." tinanggal ko ang kamay niya sa noo ko at nagsimula nang maglakad patungo sa gym.

Maya maya kasabay ko na maglakad si Dex. "Akala ko ba sabay tayo? Iniwanan mo naman ako eh." di ko nalang pinansin si Dex. Masyado akong nadidisturb sa nakita ko kanina. Sino kaya yung lalaking 'yon? Ang sabi ni Sab si Dexter daw ang babaero sa team, pero mukang imposible naman na siya ang nakita kong kasama ni Parrot Girl kase hindi naman siya nanggaling sa roof top kanina. Napatingin naman ako sa sapatos niya pero hindi din naman iyon yung sapatos na nakita kong suot suot kanina nung lalaki sa roof top.

"Interesado ka ba sa sapatos ko?" natatawa tawang tanong ni Dex. Ngumiti nalang ako sa kanya para hindi siya magtaka. "Tinitingnan ko lang kung may kaparehas."

-

Pagkadating namin sa gym agad na bumungad sa amin si Kaloy at yung ibang team mates nila. Chineck ko agad kung sinong kulang. Madami dami pa ang wala. Pati si Rex, wala pa. Nakaramdam ako ng kaba.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon