Celest's POV:
Nandito kami ngayon sa bus na pinahiram ng school. Papunta na kami sa venue ng second game. Nakapwesto ako sa bandang harapan at bakante pa ang upuan sa tabi ko. Nahuli na kasi ako ng dating kaya no choice ako kung hindi dito umupo. Biglang pumasok si Redd sa loob at nagkatinginan nanaman kami. Pero katulad ng lagi niyang ginagawa hindi niya ako pinansin. Una din siyang nag-iwas ng tingin.
Tumitingin tingin siya sa paligid na parang may hinahanap tapos napatingin siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tapos inilipat niya ang tingin niya kay Jake na nakaupo sa row na katapat ko. "Hoy Velasquez, ako dyan." sabi niya kay Jake na kasalukuyan natutulog. Nagulat naman ito sa ginawang pagkalog sa kanya ni Rex kaya agad itong napadilat at napatingin sa kanya. "Pambihira naman, tol. Natutulog yung gwapong tao eh."
"Asan ang tao at san banda ang gwapo?" nakangising pang-aasar niya kay Jake. "Don ka sa tabi nung babae don." Ako ba ang tinutukoy niya? "Bakit hindi ikaw ang umupo don?"
"Ayoko don." may biglang kumirot sa puso ko nung narinig kong sinabi niya 'yon. "Oo na, lilipat na. Hindi matatapos 'to eh." pag sang-ayon ni Jake habang inaayos ang mga gamit. "Madali ka lang naman palang kausap eh."
Umupo na sa tabi ko si Jake bago sagutin si Rex. "Ikaw lang naman hindi eh. Pfft." nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Rex pero hindi na nito ito pinansin. "Manager, patabi muna dito ha?"
"Sige." sabi ko at ngumiti ng pilit.
Buong byahe namin papunta sa venue tulog lang ang katabi kong si Jake. Puyat siguro? Sinubukan ko ding matulog pero hindi talaga ako makatulog eh. Kaya nakatunganga lang ako don. "Hoy, gumising na kayo! Andito na tayo." sigaw ni coach bago bumaba ng bus. Nagsitayuan nadin naman ang team.
Mukha namang naalimpungatan na ang katabi ko ang nagsimula nang magkusot ng mata. "5 minutes pa, ma!" sabi ni Jake na nagsstretching pa.
"Ulol!" sabi sa kanya ni Eric sabay batok ng malakas. "Walang pisikalan, pre!" sigaw ni Jake. Napatawa nalang ako sa kanila. "Una na ako, manager." masiglang paalam sakin ni Jake bago tuluyang tumayo at humabol sa pababa pa lamang na bus na si Eric.
"Hindi ka pa ba bababa, Celest?" napatingin ako kay Kaloy na kasama si Rain at Dexter na bababa pa lamang ng bus. "Mauna na kayo. Aayusin ko lang ang mga gamit ko tsaka ichecheck ko pa kung may naiwanan pang gamit dito sa bus." nakangiti kong pagpapaliwanag sa kanya. "Sige, intayin ka nalang namin sa loob." Bumaba na rin si Kaloy kasama si Rain sa bus.
Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko nang marinig kong magsalita si Dex. "Bro, gising na. Nandito na tayo." ginigising nito si Mr. Yabang na tulog pa rin hanggang ngayon. Pero mukhang wala pang balak gumising nung isang 'yon. "Ayst! Bahala ka nga dyan!" napakamot nalang si Dex sa kanyang ulo tapos bumaba na rin sa bus.
Oh no. Kaming dalawa nalang ni Mr. Yabang dito. Binilisan ko na ang pag-aayos ng gamit ko. Bago ako tuluyang bumaba chineck ko muna bawat upuan kung meron pang naiwanan na gamit. Nung sure na akong walang naiwanan bababa na sana ako kaso nahagip ng mata ko ang natutulog na si Rex.
Napaka kalmado ng mukha nito ngayon. Ang haba ng mga pilik mata nito na bumagay sa makapal niyang kilay. Ang tangos tangos pati ng ilong niya. Pati ang labi niya ang pula pula. Ang kinis din ng balat niya na wala man lang marks ng pimples o black heads. Ang payapa ng mukha niya. Para siyang anghel. Talaga palang gwapo si Mr. Yabang.
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang hawakan. Hindi ko namalayan unti unti na palang lumalapit ang kamay ko sa mukha niya hanggang sa dumampi na ito sa pisngi niya. Nagulat ako nang biglang dumilat ang mata nito at agad na nahawakan ang kamay ko. "Aray, Rex. Nasasaktan ako." daing ko sa kanya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinawi niya palayo ang kamay ko. "Huwag na huwag mo na ulit akong hahawakan." madiin na sabi nito sa'kin.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...