Chapter Twenty : Breakdown

99 3 0
                                    

Celest's POV:

The school festival ended successfully and back to reality nanaman ang mga studyante ng Belizaire. Hindi ko na din nakita si Rex after nung festival. Magkasama pa rin kaya sila? "Ugh! May hangover pa rin ako sa school festival! Bitin kasi!" Pagmamaktol ni Sab. Miski ako din naman nabitin. Hindi ko kasi masyadong na-enjoy. Nauunang maglakad sakin si Sab sa hallway nang bigla akong may nabunggo kaya tumapon yung mga dala niyang libro. "I'm sorry!" sabi ko tapos tinulungan ko siyang damputin ang mga nahulog niyang gamit. "Eto oh." Nung iaabot ko na sa kanya ang gamit niya nagulat ako nang marealize na ito pala yung girl na kasama ni Rex sa school festival. Nakasuot siya ng school uniform namin. Don't tell me dito din siya napasok? Hindi ko naman siya nakikita around campus.

Mukhang nakilala din naman niya ako. "Oh, it's you again." She said while flashing her perfectly aligned white teeth. Nginitian ko nalang siya because I find this very awkward. "Bigla ka nalang nawala last time. Hindi ko tuloy na-ask ang name mo." She sweetly said. "May pinuntahan kasi ako." I lied. I can't tell her the real reason. "Can I ask you your name?"

"Celest." I said with an awkward smile. She held my hand and shook it. "Nice to meet you, Celest. I'm Megumi. Transfer student ako dito." Transfer student? Kaya pala. Her phone suddenly beeped that's why she checked it. "I have to go already, Celest. See you around." She waved good bye and left. "Sis, san ka ba galing?" Naglalakad palapit sa'kin si Sab. "I bumped into someone I know." She just rolled her eyes heavenwards tapos nagsimula na ulit kaming maglakad ng sabay.

"Sis, look. Parang may commotion over there oh." Tiningnan ko yung direksyon na tinuturo ni Sab. Oo nga no? Ang daming tao 'don. Parang may pinagkakaguluhan. "Ano kayang meron? Baka may announcement sa bulletin?" Nag shrug lang naman siya. "Tara, let's take a look!"

"Sab, wait!" Bago pa man ako maka-angal, nagtatakbo na si Sab papunta 'don sa kumpulan ng tao. Kaya sumunod na din ako. "Excuse me." Sabi ko sa mga tao at pinilit sumiksik, dito kasi pumunta si Sab.

"Pwede ba, Carlo?! Tumayo ka na nga dyan!" Napahawak ako sa bibig ko sa nakita ko. Si Kaloy ...nakaluhod sa harap ni Maddie sa harap ng madaming tao. "Maddie, please. Bigyan mo pa ako ng isang chance." He sounded so broken. I thought he was okay already kasi hindi naman siya nagpapakita na malungkot siya these past few days. I never thought that behind those smiles he was this desperate to the point that he would kneel in front of her and all these people.

"We're over, Carlo! Alin ba 'don ang mahirap intindihin?!" Bakit siya ang humihingi ng second chance? Hindi naman siya ang tumraydor, di ba? Hindi naman siya ang may kasalanan! "Please, reconsider. Magbabago ako! Sabihin mo lang, magbabago ako para sa'yo!" he said in between his sobs.

"Move on, Carlo. I don't like you anymore." she coldy said na nagpaangat kay Kaloy ng tingin. His face was tear stained. This whole scenario is tearing into pieces. I may not love him anymore but he is still my best friend. "Bakit, Maddie? Dahil ba sa kanya?!" sabi niya nang nanggagalaiti tapos tinuro si Rex na nakatayo din pala sa isang sulok kasama si Megumi. Parang may kumurot sa puso ko.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon