Chapter Five : Bashers

106 3 0
                                    

Celest's POV:

 Naka halumbaba lang ako sa desk ko sa room namin. Konti palang ang tao sa room namin, wala pa rin si Sab. Maaga kase akong pumasok, di ako nakatulog kagabe. Masyadong ginugulo ang isip ko nung sinabi ni Parrot Girl. Hindi naman siguro si Rex and lalake niya, 'no? Kahit masama ang ugali non at may pagkabastos alam kong hindi niya magagawa 'yon sa kaibigan niya. Sana talaga hindi siya 'yon.

Bakit ko nga ba masyadong inaalala kung siya nga ang kabit ni Maddie o hindi? Hindi ba dapat matuwa pa ako dahil mababawasan na ang karibal ko kay Kaloy? Pero alam ko kaseng pag nalaman ni Kaloy na pinagtaksilan siya ng babaeng mahal niya at ng isa sa mga kateam mates niya masasaktan siya. At ayokong makitang nasasaktan si Kaloy.

"JIMENEZ!!" agad akong napalingon sa lalaking tumawag sa'kin at nanlaki nalang ang mata ko sa gulat nang makita kong nakatayo sa may pintuan si Rex. Anong ginagawa niya dito?

Dali dali siyang lumapit sa may upuan ko at hinawakan ang pala-pulsuhan ko. "Ano ba! Nasasaktan ako!" Tiningnan niya lang ako ng matalim "Wala akong pake." madiin niyang sabi at hinigit na niya ako palabas ng room. "Bitawan mo ako Rex!" pinagtitinginan kame ng mga kaklase ko pero walang naglakas loob na tumulong sa'kin.

Nasa labas na kame ng room nang makasalubong namin si Sab. Nagulat siya sa nadatnan niya. "Anong ginagawa mo sa best friend ko?! Bitawan mo nga siya!" Lalapit na sana si Sab sa'min pero sinamaan siya ng tingin ni Rex at sinigawan. "Subukan mong makielam dito tatamaan ka sa'kin!" parang nabato naman si Sab sa kinatatayuan niya kaya tinulak siya ni Rex pagilid.

"Ano bang problema mo ha?!" tanong ko sa kanya. Sinusubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa pulso ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya. "Hoy! Tinatanong kita! Ano bang problema mo?!" bigla siyang tumigil kaya napatigil na rin ako. Binitawan na rin niya ang pagkakahawak sa'kin. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" nanggagalaiti niyang sagot.

"Ako?!" sabi ko habang tinuturo ang sarili ko.

"Oo! Ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Ano ba sa tingin mong ginagawa mo ha?!"

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Nagmamaang-maangan ka pa?! Tigilan mo ako, Jimenez. Pano mo maipapaliwanag ang mga litratong nakapost sa bulletin board ha?!" sabi niya habang tinuturo ang bulletin board pinagkakaguluhan ng mga ibang students. Tiningnan ko muna siya bago nagpunta sa bulletin.

Agad naman nagsitabi ang mga tao nang nakitang papalapit ako. Pansin ko ding pinagbubulungan nila ako. Nagulat nalang ako nang makitang nakapost ang mga picture namin ni Rex nung araw na sinusundan namin sila Kaloy. Picture namin sa bilihan ng damit habang sinusuotan niya ako ng kwintas sa harap ng salamin at picture namin na naglalaro ng shooting game sa arcade. Sino naman kayang kumuha ng mga ito?

"Ngayon alam mo na?" napatingin ako kay Rex na kasalukuyang nasa tabi ko na. Kalmado na siya ngayon pero bakas pa rin ang galit sa boses niya. Iniisip ba niyang ako ang may pakana ng mga 'to? "Hindi ako ang may gawa niyan ..." nagulantang ako ng bigla niyang suntukin ng malakas ang bulletin board.

"SHIT NAMAN, JIMENEZ! TIGIL TIGILAN MO NGA AKO DYAN SA PAGSISINUNGALING MO! PAKULO MONG LAHAT 'TO EH! PINLANO MO SIGURO LAHAT 'TO NO?! KAYA BA PUMASOK BILANG MANAGER NG TEAM?! PARA LANDIIN LAHAT NG MEMBERS?! AT AKO PA TALAGA ANG NAPILI MONG UNAHIN 'NO?! WELL, SORRY KA NALANG KASE KAHIT KELAN HINDI KO IISIPING PATULAN ANG ISANG BABAENG KATULAD MO!" hindi ko namalayan nasampal ko na pala si Rex, nagsimula na rin mag unahan sa pag agos ang mga luha ko. Mukhang nagulat rin naman siya sa pagkakasampal ko sa kanya kase hindi agad siya nakapag react. Tahimik lang rin na nanunuod ang mga tao sa paligid namin. Walang nagbalak makisali. "Walang kang alam kaya wala kang karapatan sabihin ako ng ganyan!"

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon