Chapter Fourteen : Lost Together

96 3 0
                                    

 

 

 

3rd Person's POV:

 

"Lumalakas na ang ulan." pabulong na sabi ni Bree habang nakamasid sa bintana ng cabin. Biglang umambon kanina kaya dito muna sila sa loob ng cabin nag stay.

 

"Sht, hindi pa ba bumabalik si Celest?" natatarantang sabi ni Carlo. Hindi mapakali ang binata dahil isang oras na ang lumipas hindi pa rin bumabalik sa camp site si Celest. "Kasalanan mo 'to eh!" galit na duro nito kay Rex na kasulukuyang nakaupo sa sofa at pinipisil ang tungki ng ilong nito.

 

"Carlo, calm down. Wag mo kalimutan ang sinabi sainyo ni coach." muling nagbalik kay Carlo ang pagbabanta sa kanila ni coach Andrew kaya kinalma nito ang sarili. "Bad joke, bro." sabi ni Dexter sa kakambal. Sabihin na nating playboy nga si Dex pero mas mature at reasonable naman ito mag-isip sa kanyang kapatid.

 

Maya maya pa'y nakarinig sila ng sunod sunod na pagkulog kaya lahat ay napatahimik. "Thunder storm nanaman?" bulong ni Eric sa sarili.

 

Tumayo agad si Rex mula sa pagkakaupo sa sofa, kinuha ang jacket at isinuot. "San ka pupunta?" tanong ng kakambal nito sa kanya pero dire diretso lamang ito sa pintuan. "Hoy, san ka pupunta?" this time, si Carlo naman ang nagtanong.

 

Pinihit nito ang door knob ng pintuan. Pero bago pa ito tuluyang makalabas nilingon muna nito ang mga kateam mates niya. "This is my fault, I'll resolve it on my own. Hahanapin ko si Celest." sabi nito bago tuluyan nang lumabas ng cabin.

 

Malakas ang buhos ng ulan pero sumugod pa rin ito. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi ang mahanap si Celest. Tumakbo siya papunta sa direksyon na pinanggalingan ni Celest kanina. Takbo lang siya ng takbo habang tinatawag ang pangalan ng dalaga.

 

Malayo layo na ang kanyang nararating pero wala pa rin itong ideya kung saan napunta si Celest. Idagdag pa ang malakas na ulan kaya nahirapan siyang maghagilap. Palinga linga siya sa paligid umaasang makikita si Celest, hindi niya namalayan na may parang cliff pala don. Dumulas ang paa pero buti na lang nabalanse nito ang sarili at hindi tuluyang nahulog sa baba. "Sht." kabadong mura nito. "Hindi kaya?" tumingin siya sa baba at may nakitang babaeng nakabulagta sa damuhan. "Celest!" dahan dahan itong bumaba at tumakbo papalapit sa dalaga.

 

Chineck muna nito ang pulso at para naman siyang nabunutan ng tinik ng maramdamang may tumitibok pa dito. Tiningnan niya din kung may dugo at laking pasasalamat niya na mga galos lamang ang natamo nito. "Celest, gising." inalog alog niya ang dalaga. Hindi naman nagtagal dumilat na ang mga mata nito. Mukha pang nagulat ito nung una nang mukha niya ang agad nasilayan. "Rex?" hindi makapaniwalang tanong nito.

 

Agad naman napayakap sa kanya si Rex. Wala na itong pake kung ano pang isipin nito. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay ang ligtas si Celest.

 

Bigla namang kumulog ng malakas kaya lalong inilapit ni Celest ang sarili sa kanya. Nangangatog ito. "Wag kang matakot." tatlong salita. Tatlong salita lamang ang binitawan sa kanya ng binata pero ang laking impact nito sa kanya. Para bang nawala lahat ng takot. She felt safe for a moment.

 

 

Celest's POV:

 

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon