Chapter Seven : Closer

110 3 0
                                    

Sabrina's POV:

Super saya ng birthday party ng Kambal. I mean, yes, madami na akong napuntahan na mga parties and such pero the best talaga ito. Hindi ko ineexpect na enjoy palang kasama ang basketball and cheerleading team. Akala ko kase puro kaartehan at kahanginan lang ang meron sila sa katawan eh. Meron din pala silang sense of fun!

Kanina ko pa nga hinahanap si best friend pero I can't find her anywhere na. Pati din yung maarteng girl na kasama ni Carlo kanina? Waley din. Nalunod na siguro sa toilet. Haha! Oops, mean girl alert!

"Asan si Manager, Sabrina baby?" malanding tanong sa'kin ni Dex. Well, flirt naman talaga 'to eh. "I don't know nga eh. Baka nagpapahangin sa labas. Hindi kase sanay sa mga ganitong party si sis eh." tumungu-tungo lang siya.

"What about Maddie? Kanina pa 'yon nagpaalam pumunta sa powder room ha." tanong niya kay Carlo na hindi mapakali at tingin ng tingin sa cellphone niya. "Kaya nga eh." binalik na niya sa pocket niya yung phone niya at tumayo. "Tol, hanapin ko lang siya."

"Sinong hahanapin mo?" sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita. Napaismid nalang ako when I saw that maarteng girl's yucky face. Sana nalock nalang siya sa CR kesa bumalik dito. Ugh!

Etong si Carlo naman, pumunta agad sa kanya at yumakap. "San ka galing, babe? Pinag alala mo ako." malanding tumawa naman si girl at gumanti ng yakap kay Carlo. "Nagkaron kase ng emergency, babe eh. I miss you too!" Napairap nalang ako. Masyado naman silang PDA huh? "Look who I found sa labas, guys!" napatingin naman kame sa taong tinutukoy ni girly and gosh! Muntikan nang mahulog ang panty ko. Joke! Andon yung ultimate crush ko sa basketball team! Si Rain! He's looking so striking as always! Waaa!

"Tol! Akala ko nambababae ka nanaman eh!" nilapitan ni Dex si Rain at pinat sa likod. Napailing naman si Rain sa sinabe niya. "Ulol. Gaya mo pa ako sa'yo." sabay sabay silang nagtawanan. Maya maya bumalik na rin kaming lahat sa table at nagsimula na ulit silang magkwentuhan at mag-asaran. Nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa. Katulad ko, tahimik lang din si Rain at pangiti-ngiti lang. Katapat niya sa upuan sila Carlo na nakaakbay pa kay Maddie. Buti nalang wala dito si sis kundi mahuhurt lang siya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'to or what pero I swear panay ang nakaw ng tingin ni Maddie kay Rain. Pero si Rain naman parang wala lang, he's acting normal. His usual self kumbaga.

After a while hindi pa rin bumabalik si Celest. Hindi ko pa rin nakikita anywhere si Azetrex. Are they together kaya? Or umuwi na kaya si sis? Tumitingin tingin ako sa paligid nang biglang mahagip ng beautiful eyes ko si Azetrex na may buhat buhat na girl! And I think si sis yon! Agad akong napatayo sa upuan ko kaya napatingin silang lahat sa tinitingnan ko. "Si Rex yon ah? Kasama si Manager?" tanong ng isa sa mga team mates nila.

Nung nasa may table na namin sila hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. "What happened?!"

"Nakatulog." I sighed as a sign of relief. Buti naman. I thought something bad happened to my best friend na eh.

"Magkasama kayo?" lahat napatingin sa nagtanong na si Maddie. Obviously, magkasama sila. Hello? Buhat buhat na nga siya ni Azetrex oh! What a dumb question coming from a dumb girl! Tsaka so what kung magkasama sila? Ano care niya? "What?! Bakit kayo nakatingin?! Nagtatanong lang namang ako ah?!" Defensive much. Kung hindi ko lang alam na si Carlo ang jowa neto I would think na nagseselos siya.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon