Celest’s POV:
Nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa isang bench malapit sa field. I’ve never seen her around campus before. Nakapikit lamang ito. Hindi kaya manika ‘yon? Ang ganda niya kasi.
I approached her. Nung akmang hahawakan ko na ito biglang nagbukas ang mga mata niya. Napaatras ako. Nakakagulat na gumalaw ito dahil mukha talaga siyang manikin sa unang tingin.
We stared into each other’s eyes for a while. She was looking at me confused then she cocked her head to the side. “Why?” she asked me with the sweetest voice. Wait. She looks kind of ... familiar? San ko nga ba siya nakita? I’m sure hindi sa loob ng campus ‘yon. Hindi ko lang ma point out.
She was intently waiting for me to answer her question but I don’t know what to say. Ano ba kasing sasabihin ko? Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya nilapitan. Para bang may kung anong force na nagtulak sa’kin para i-approach siya. I was about to make an excuse when a familiar voice called out.
“Yumi?” pareho kaming napatingin sa nagsalita. “Rex?”sabi nung babae. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo. Magkakilala sila? Agad naman siyang nilapitan ni Rex na para bang hindi napansin na nandon din ako. A smile was like permanently glued into his face as he held her in both shoulders. He never smiled at me like that. “How are you?” he said with excitement evident in his voice. The girl genuinely smiled at him saying “I’m fine.”
Biglang kumirot ang puso ko nang marealize kung sino yung babaeng ‘yon. Siya yung babaeng wallpaper ng cellphone ni Mr. Yabang. Yung babae sa picture na lagi niyang tinititigan. Muli kong nilingon si Rex at nakita kong sobrang saya niya na makausap yung girl. Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Inilapag ko yung mga stuff toy na bitbit ko at nagsimula nang maglakad palayo.
Azetrex’s POV:
Asang lupalop na ba si Jimenez?! Kanina pa natapos yung game naming ni Garcia kaso bigla naman siyang nawala. Akala ko pa naman kasunod lang naming siya. “Mabuti pa maghiwalay tayo para hanapin siya.” Kasama ko pa nga pala ‘tong ugok na ‘to. “Sino ka ba para utusan ako? Nanay ba kita?” tiningnan niya ako ng masama. Tama yan, mapikon ka! Bwahahaha!
“Pwede ba? Kung ayaw mo, edi bahala ka. Hahanapin ko si Celest.” At umalis na nga siya. Anong akala niya? Syempre, hahanapin ko din si Jimenez! Mahirap na, baka maunahan pa ako ni Garcia. San ba naman kasi pumunta ‘yong babaeng malaki ang bunganga? Hindi man lang nagpapaalam na aalis siya. Psh!
Tiningnan ko yung hawak hawak kong rabbit na stuff toy. Nagpatalo ako kay Garcia kanina para lang makuha ‘tong bugwit na ‘to. Nakita ko kasing tinitingnan ‘to ni Jimenez kanina. “Asan ka ba kasi babaeng malaki ang bunganga?”
Kung saan saan na ako nakarating pero hindi ko pa rin siya mahagilap. Tumakbo ako papuntang field nagbabaka sakaling ‘don siya nagpunta. Pero imbis na si Jimenez ang natagpuan ko, ibang tao ang nakita ko ... siya na nga ba ‘yon? “Yumi?” paninigurado ko.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...