Chapter Eleven : The Muse

102 3 0
                                    

Celest's POV:

Natapos na ang exams namin. Things were still the same. Hindi pa rin in good terms sina Kaloy at Rex at iniiwasan pa rin ako ni Mr. Yabang. Si Rain naman hindi na ulit ako kinausap after nung scene sa movie theater. But the good thing is ...nagiging close na ulit kami ni Kaloy. Simula nung nawala si Maddie sa buhay niya, nagkaroon na ulit siya ng oras para sa'kin. Pero tuwing magkasama kami, hindi na niya nababanggit ang tungkol sa nangyari kaya iniiwasan ko na rin magtanong. Alam kong ayaw niya na muna yung pag-usapan.

Speaking of Maddie, pumasok na ulit siya. Pero hindi ko sila nakikitang nag-uusap ni Rex. Kung kailan huli na ang lahat, kung kailan may nasaktan na, tsaka pa nila naisipan iwasan ang isa't isa.

Biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi sa'kin ni Rain. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating. Ibig sabihin ba niya wala talagang relasyon si Maddie at Rex? Pero sa kanya na mismo nagmula na meron talagang namamagitan sa kanila. Ah! Ewan ko! Gulung gulo na ako!

"Celest, ang lalim ng iniisip natin dyan ha?" napatingin ako sa nagsalita. Si Kaloy pala. Nakangiti lang siya sa'kin. Naka jersey siya kaya malamang sa gym ang punta nito. Buong araw nanaman kasi ang training nila ngayon dahil bukas na ang second game nila. "Hindi ka pa ba pupunta sa gym?"

"Ah ...oo." nakalimutan kong sa gym nga pala ako pupunta. Madaming kasi akong iniisip kaya nakaligtaan ko na. Hindi ko na namalayan na nakaupo na pala ako dito sa may stairs. Agad kong inayos ang mga gamit ko at tumayo na. "Sabay na tayo." sabi ni Kaloy.

Ginantihan ko na lamang siya ng ngiti at sumang-ayon. "Sige." kinuha niya sa'kin ang dala kong bag at siya na ang nagdala. Lihim akong kinilig. Ganito kami lagi nitong mga nakaraang araw. Kahit alam kong hindi pa rin niya nakakalimutan si Maddie, yung feeling na nagkakalapit na ulit kami ng ganito sapat na para sa'kin.

Nung nasa gym kami nagkukumpulan ang mga players don na parang may pinagkakaguluhan. "Anong meron?" tanong ko Kaloy na nag shrug lang naman. "Hindi ko din alam. Tara, tingnan natin." lumapit nga kami sa kanila. Pero wala naman akong makita kasi ang tatangkad kaya nila! Sabay sabay din silang nagsasalita kaya wala akong maintindihan. Si Kaloy naman kinulbit si Eric (kateam mate niya din) at nagtanong. "Anong meron, tol?"

Imbis na sagutin siya ni Eric ay sumigaw ito. "Mga tol, nandito na si Captain!" agad namang nagsitinginan ang mga ito sa'min. "Dude, kinakausap lang namin ang bago nating muse." sabi ni Dex na may nakakalokong ngiti sa mukha. Teka, muse daw?

"Ni hao, Captain!" biglang may lumitaw na isang babae mula sa nagkukumpulan na mga lalaki. Sobrang ganda niya. Namimilog ang mga mata nito at namumula ang pisngi niya. Brown na brown ang buhok niyang mahaba. Hindi siya katangkaran pero maganda ang tindig niya. Para siyang manika sa sobrang ganda.

"Ah, ikaw pala. Nice to meet you." sabi ni Kaloy tapos inabot ang kamay sa magandang babae. Inabot naman nito ang kamay niya at nag shake hands sila.

Bigla namang niyakap ni Jake sa leeg si Kaloy (yung parang sinasakal) "Wag ganon, Captain. Dumadamoves ka na eh." napailing nalang siya sa sinabi nito. "Ulol. Gaya mo pa ako sa'yo." tapos nagtawanan na sila, pati si ateng maganda ay nakitawa na din.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon