Celest's POV:
Nandito kame sa school at nagtetraining pa rin sila para sa upcoming game mamayang hapon. Game na game sila ngayon at pursigidong ipanalo ang first game nila mamaya. Si Rex naman ganon pa rin kadeterminado sa pagtetraining pero hindi na katulad kahapon na halos hindi na sila mapaghiwalay ng bola. Siguro sinusubukan niyang hindi i-drain lahat ng energy niya para sa game nila mamaya.
Nasabi ko na ba sainyo na naging super clingy na din sa'kin ni Mr. Yabang ngayon? Every time na magwawater break sila tatabi agad siya sa'kin. Katulad kanina, kakatapos ko lang gawin ang mga finishing touches para sa game mamaya, umupo ako sa isa sa mga bleachers at iinom na sana ng tubig kaso bigla siyang tumabi sa'kin at inagaw ang iniinom ko. Wala na akong nagawa, inubos na niya eh. Nako, pag ako talaga nadehydrate at namatay, mumultuhin ko siya!
Well, hindi lang naman si Mr. Yabang ang super clingy ngayon. Pati na rin si Parrot Girl Maddie na grabe kung makadikit kay Kaloy my loves! Kasabay kase nila ng practice ang cheerleading team ngayon. Kailangan din daw nila mag ready para sa game mamaya. Jusmiyo, eh mukhang professional nanaman ang mga 'yon sa pagpapacute at si Parrot Girl ang president nila!
Katulad ngayon, kulang nalang magkapalit sila ng mukha ni Kaloy my loves! Ayoko non! Ayokong maging mukha niya ang mukha ni Kaloy my loves! Tinataga ko pa ng paulit ulit si Parrot Girl sa utak ko nang bigla kong naramdaman na may tumabi sa'kin.
"Ano bang tinitingnan mo dyan ha, Jimenez?" si Mr. Yabang nanaman pala.
"Wala!" mataray kong sagot sa kanya. Sorry nalang siya. Bad mood ako ngayon eh.
"Sungit naman neto." hindi ko na siya sinagot at tinuloy nalang ang pagsasalvage ko kay Parrot Girl sa aking utak. This time dinudukot ko naman ang mata niya, ibabalik, tapos dudukutin ulit.
Maya maya, may kumulbit sa'kin. "Oy." si Mr. Yabang malamang 'yon. Hindi ko nalang siya pinansin kase nga di ba bad mood nga ako!! Kaso walang pang isang minuto ang nakakalipas nung kinulbit nanaman niya ako. "Oy." sinubukan ko namang huwag siyang pansinin kaso sinunod sunod na niya ang pagkulbit sa'kin at ang pagsasabi ng nakakainis na 'OY' kaya tuluyan nang napuno ang pasensya ko.
"Ano ba ha?!"
"Cheer mo ako mamaya." napatigil naman ako sa sinabi niya at parang nablangko bigla ang isip ko. Napakurap kurap ako ng mata. "Ha?"
"Cheer mo ko mamaya." nakapoker face niyang sabi.
"Ha?"
"Ginagago mo ba ako, Jimenez?"
"Ano ba kasi yang pinagsasasabi mo?"
Bigla naman silang tinawag ni coach kaya tumayo na agad si Mr. Yabang, pero bago siya tuluyang umalis dinuro duro muna niya ako sa noo. "Basta, icheer mo ako mamaya, Jimenez. Kung hindi mo 'yon gagawin sinasabi ko sayo, wala akong ipapasok na tira kahit isa." bago pa man ako nakapag react kumaripas na agad siya ng takbo papalapit kela coach.
Naiwanan lang akong nakanganga don. "Cheer?"
Azetrex's POV:
"Bro, lalabas na kami." paalam sa'kin ng kakambal kong si Dex. Kasalukuyan na kaming naghahanda para sa game namin mamaya. "Sige."
Nagsusuot ako ng sapatos nang maramdaman kong may tumabi sa'kin. Nilingon ko ng konti kung sino 'yon at nakita ko si Rivera na nagtatali din ng sintas ng sapatos niya. Hindi pa kami in good terms nitong mokong na 'to kaya mas minabuti ko pang huwag na lang siyang pansinin kasi baka mainit pa dugo nito sa'kin hanggang ngayon.
Kinuha ko na ang bag ko at akmang tatayo na nang biglang magsalita si Rivera. "Tol ..." nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano?"
Hindi ko inaasahang ilalahad niya ang kamay niya sa'kin. "Anong gagawin ko dyan?" sarkastiko kong tanong habang nakasmirk. Siya din pala ang unang bibigay eh.
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...