Chapter Seventeen : School Festival (NIXON)

108 2 0
                                    

 

 

 

 

Celest's POV:

 

Ang ganda ng mood ko ngayon. Ang himbing kasi ng tulog ko kagabi eh. May hang over pa nga ako sa nangyari kahapon. Ganito kasi 'yon ...

 

Flashback ...

 

"Will you help me be happy again?"

 

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni Rex. "Rex, aminin mo nga sa'kin. Hindi naman mag-iiba tingin ko sa'yo eh." matagal ko na kasi talagang gusto itanong sa kanya 'to. Siguro ngayon na ang tamang pagkakataon. Nakatingin lang siya sa'kin habang inaantay ang susunod kong sasabihin.

 

"May bipolar disorder ka ba?"

 

"H-ha?" nagtataka niyang tanong.

 

"Tinatanong kita kung may bipolar disorder ka ba? Kasi naman eh napaka unpredictable ng ugali mo. Isang araw, close tayo, tapos biglang parang stranger ang turing mo sa'kin. Mabait ka tapos bigla kang magsusungit. Kanina wa kiber ka sa'kin tapos biglang ang bait bait mo na! Gulong gulo na ako! So, tell me. May bipolar disorder ka ba?" mahaba kong litanya sa kanya.

 

Napahilamos lang siya sa mukha niya habang nakapikit at nakakagat sa labi niya. Yung parang naiistress? Siya pa may ganang mastress ha! "Nevermind. Get inside the cab."

 

"Rex, okay lang talaga kahit may bipolar disorder ka. Tatanggapin pa rin naman kita eh kahit may sakit ka sa pag-iisip." bakit kasi nahihiya pa siyang umamin sa'kin.

 

Nagulat ako nang bigla niyang ilapit yung mukha niya sa mukha ko. As in super lapit lang talaga. Parang gumalaw lang ako ng konti magkikiss na kami! "Shut up or I'll kiss you?"

 

"He he. Sabi ko nga papasok na ko sa taxi." bubuksan ko na sana ang pinto ng taxi sa likod ko nang biglang sinara ni Rex 'yon. "Papasok na nga ako ..." naputol ang sasabihin ko nang bigla nito akong hilahin at halikan ...sa noo. Wag kayong ano!

 

Lumayo na ito sa'kin at nagpamulsa. "Ingat." sandali akong natulala 'don. Nang matauhan ako natataranta akong pumasok sa cab. Nakita ko pa mula sa window na tumatawa si Rex. Hayop talaga 'yon!

 

Napahawak ako sa noo ko kung saan niya ako hinalikan at lihim na napangiti.

 

[End of Flashback]

 

Tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Naputol naman ang pagdeday dream ko nang biglang may sumigaw. "SINASABI KO SAINYO PAG AKO NAGMUKHANG BAKLA DITO LAHAT KAYO TATAMAAN SA'KIN!" si Rex 'yon. Kasalukuyan kasi siyang minemake-upan para magmukhang bampira. Di ba nga kasi horror house ang naka assign sa'min? Ngayong umaga ang shift namin ni Rex.

 

"BAKA MAMAYA MAGING KAMUKHA KO SI EDGAR CULLEN HA!!!"

 

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon