Celest's POV:
“Hoy, loka! Ano tong naririnig kong manager ka na daw ng basketball team ngayon?” ang ganda ng salubong sakin ni Sab ha? Isang malutong na batok lang naman.
“Totoo yon, Sab.” Kasalukuyan akong busy sa pag aayos ng schedule ng mga practice ng basketball team ngayon. Hanggang after recess lang kase ang binigay sakin ni coach para tapusin ‘to.
“So, kaya pala iniwanan mo ako kahapon? Alam mo ba kung ilang calories ang nadagdag sa weight ko ha?”
“Ano naman kinalaman ko sa pagtaba mo?”
“Hello? Ano bang inorder mo? Burger and fries! Samantalang ako salad at diet coke lang! Alangan naman hayaan ko nalang na mabulok yon don diba? Sayang! Nasira tuloy ang diet ko!” at siniringan pa ako ng bruha. Pagkatapos niyang magdadakdak doon, umupo na rin siya sa tabi ko at sinimulang inumin ang diet coke niya.
“So, kaclose mo na ang team?” umiling lang ako.
“May mga number ka na nila?” umiling lang ulit ako.
“Alam mo ba mga pangalan nila?”
“Si Kaloy lang.” I plainly said.
“Ano ba yan! Anong klaseng manager ka, Jimenez!!”
“Si Kaloy lang naman ang dahilan kung bakit ako pumasok bilang manager. Pakielam ko ba sa ibang members ng team.”
“Of course kelangan mo ding makilala ang friends niya! Speaking of the devils! Look there!” itinuro sakin ni Sab ang mga grupo ng basketball players na umupo malapit sa table namin. Isa sa kanila si Kaloy my loves!
“Kita mo yung guy na makapal ang kilay? Yung black ang buhok!” ah, oo. Siya yung unang bumati sa’kin kanina.
“Siya si Dexter Mendoza. Siya ang power forward ng team. With him on the court, halos wala nang makalapit sa net! He is a good player indeed. And I mean that! Player talaga siya! Ex ng campus! Kahit yung mga good and modest girls napapa suko niya sa kanya! Kaya sis, wag kang lalapit masyado dyan ha! He’s dangerous!”
Ah so he was trying to flirt with me pala kanina. Akala ko naman nagiging friendly lang sya. How disappointing. What do I expect? Ganon naman usually ang mga lalaking biniyayaan ng good looks. Buti nalang hindi kabilang don si Kaloy my loves!
“Then yung katabi naman niya, yung mukang seryoso pero gwapo. Siya si Rainier Cristobal. Almost everyone here is familiar with him too. Siya lang naman ang top 1 sa batch natin for 3 consecutive years! At hindi lang yon, siya rin ang shooting guard ng team. He can be pretty inconspicuous kaya hindi napapansin ng kalaban na naagawan na pala niya sila ng bola. Never pa siyang nalilink sa kahit kaninong babae. Other details about him are unknown. Himala nalang kung maging friendly sayo si Rain.”
Siya pala yung katabi ni Mr. Yabang kanina. Bagay sa kanya ang pangalan niya. Rain; gloomy, nakakalungkot.
“I bet kilalang kilala mo tong isang ‘to. Carlo Rivera, ang point guard ng team. Mabilis, maliksi. Siya ang ‘coach on the floor’. Sa kanya nakadepende ang laro ng team sa loob ng court. He is very happy go lucky and optimistic. Laging nakangiti, laging nakatawa. In short, nakakabwisit.”
“Hindi kaya! Nakaka-GV kaya si Kaloy!”
“Whatever, sis. Oh! Eto pa palang isa.” Napatingin ako sa tinutukoy ni Sab at agad nag init ang ulo ko.
“Azetrex Mendoza. Kakambal ni Dex. Pinaka matangkad sa team and Center. Pinaka magaling sa kanilang mag rebound at pinaka magaling na perimeter shooter. Though hindi sila ang nag Champion last year si Rex parin ang naging MVP. Ayaw niyang pinag uusapan siya pero nagcocontradict naman yon sa mga ginagawa niya. Siya ang suki ng guidance office dahil mahilig siya sa mga pranks kahit medyo below na belt na ang iba. Hindi rin siya mahilig sumunod sa school rules kung ibabase natin sa itsura niya; papalit palit siya ng kulay ng buhok niya, may hikaw siya, and hindi pa proper ang uniform niya. Madami na din siyang na reject na naggagandahang mga babae and I think isang beses pa lang siyang may dinate pero unknown sakin yung identity ni Girl. Pero kahit ang daming issue sa kanya nakakagulat pa din kung bakit siya kinikeep ng basketball team. Isa lang ang sagot dyan; section A kase siya which means his grades are pretty much impressive.”
BINABASA MO ANG
It Started With A Game
RomanceMeet Celest, no mali ang iniisip niyo hindi sya yung nasa commercial ng dove, isa s'yang normal na studyante na Belizaire Academy na may super duper ultra mega crush sa kanyang childhood friend na isang hot na hot na point guard ng kanilang school b...