“Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Jenny!” kanta ng kaniyang pamilya, ito ang pinakamasayang kaarawan ni Jenny dahil kumpleto ang kanilang pamilya.
Siya, ang kanyang ina, ang isa niyang kapatid at ang kanyang ama, dumating kasi ang kanyang ama galing ibang bansa, kaya naman sobrang saya ni Jenny. Kahit sila lang at walang bisita masaya parin ito, dahil ang makumpleto sila sa araw ng kanyang kaarawan ang pinakahihiling nito. Hindi na sila nakapagtawag ng bisita dahil medyo my kalayuan ang mga ibang bahay sa kanilang bahay.
Ika labing limang kaarawan ni Jenny sa araw na iyon.
“Blow your candle na anak” sabi ng kanyang ama
“opps! Teka make a wish muna” sabi naman ng kanyang ina
Pumikit ng ilang segundo si Jenny saka hinipan ang apoy ng kandila saka nagpalakpakan ang tatlo.
“Ate, ano po ang wish mo?” tanong ni Leila, ang nag iisang kapatid ni Jenny
“Wala, nagpasalamat lang ako sa Diyos dahil kumpleto tayo ngayon” sabi ni Jenny sa kapatid na nakangiti. Nagkatinginan naman ang mag asawa sa narinig mula sa panganay na anak.
“Payakap nga sa mga anak ko” sabi naman ng padre de pamilya saka nag unahan ang dalawang babae na yumakap sa ama.
“Bakit sila lang?” pagtatampo kunwari ng kanilang ina
“Syempre pati ikaw” sabi ng kanyang ama saka hinila palapit sa kanilang tatlo, saka sila nagtawanan.
“Kain na nga tayo” sabi ng kanilang ina.
Masayang nagkwekwentuhan ang pamilya habang kumakain nang bigla na lang . . .
Boooog!
My nagbukas ng kanilang pintuan na pabalagbag.
“Ano iyon?” tanong ng kanilang ama
Lumapit ang magkapatid sa kanilang ina at yumakap ang mga ito sakanya.
“Teka at titignan ko lang” sabi ng kanyang ama
“Huwag na! Baka kung ano pa yan” sabi naman ng kanyang asawa
“Pa huwag na!” sabi naman ni Jenny
“Huwag na huwag kayong aalis dito ah” sabi ng padre de pamilya saka pumunta sa kanilang sala.
“Ma, si papa” iyak na sabi ni Jenny sa kanyang ina
“sssshhhh! tahan na, walang mangyayaring –“
Bang! Bang! Bang!
Nabigla na lang ang tatlo nang makarinig ng sunod sunod na pagputok ng baril.
“Maaa huhuhu” umiiyak na sigaw ng dalawa
Tak! Tak! Tak! Tak!
“shhhh! Huwag kayong maingay” sabi nang kanilang ina ng makarinig siya ng mga yapak.
Hinila niya ang dalawa saka itinago sa baba ng lababo, tig isa sila ng kanyang kapatid dahil hindi sila kasya sa isa lang.
“Huwag na huwag kayong gagawa ng ingay! Isipin niyo nagtatagu-taguan tayo” sabi ni Mama
“Ma, magtago ka din” sabi ni Jenny
“Huwag kang mag alala sa akin anak” sabi naman ng kanyang ina
Hinalikan niya muna sa noo ang dalawa saka sinara ang pintuan ng cabinet ng kanilang lababo.
Dumilim ang paligid ni Jenny nang maisara ng kanyang ina ang pintuan, pero my kaunting ilaw na nagmumula sa butas ng pintuan ng cabinet na iyon.
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...