Chapter 16

76 3 0
                                    

Leila's POV

Anak? Anak pala ako ng taong kinikilala kong kapatid. Anak pala ako ng taong pinagkakatiwalaan ko. Bakit? Bakit ginawa niya iyon? Bakit siya nagsinungaling sa akin?

Tok Tok Tok

Hindi ako nagsalita, tuloy parin ako sa pag iyak.

"Leila" sabi ni Yaya Kirby

Hindi ako sumagot, narinig ko na lang na pinihit ni Yaya Kirby ang seradura ng pintuan ng kuwarto ko.

"Anak, pwede ba ako pumasok?" tanong ni Yaya

"Sige po" sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi

Lumapit siya sakin at ako ay kanyang niyakap.

"Yaya, bakit niya kailangan magsinungaling sa akin?"

"Dahil may dahilan, at alam kong maiintindihan mo siya. Siguro gamitin mo ang pagmamahal mo sakanya para maunawaan mo ang lahat lahat" sabi nito sakin.

"parang hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko yaya" sabi ko

"Huwag mong sabihin iyan, alam ko na mahal na mahal mo si M.E, nasasabi mo lang ngayon iyan dahil galit ka sakanya. Anak, alisin mo ang galit sa iyong puso" sabi ni Yaya

"Hindi ko alam yaya" sabi ko saka umiyak ng umiyak

"Huwag ka na umiyak, alam mo ba noon, papunta kami ng inyong Mommy Karen sa palengke, naglalakad kami nun nang bigla na lang tapikin ako ng Mommy Karen mo"

Nakikinig lang ako sakanya habang umiiyak.

"(Yaya, tignan mo iyon) sabi ng iyong ina habang may tinuturo, Napatingin ako at doon nakita ko ang batang babae na walang malay sa gilid ng kalsada, gula gulanit ang damit at puro duguan pa" sabi pa niya

"Nilapitan namin siya ng iyong Mommy Karen mo at ginising ang bata pero wala talaga siyang malay kaya naman itinakbo namin ito sa hospital"

"Mga ilang minuto lang na nasa hospital kami at nasa E.R. ang bata bigla.na lang ito nagsisigaw, (Sino kayo? huwag niyo akong hahawakan? Umalis kayo? aaaahhhh? asan si Leila? asan siya?) sunod sunod na sigaw ng batang babaeng dinala namin sa hospital"

Napatigil ako sa pag iyak nang marinig ang sinabi ni Yaya, napatingin ako sakanya.

"Mga ilang minuto ulit ang lumipas nawala na iyong pagsigaw mula sa loob saka lumabas ang doctor at kinausap kami, sinabi niya na mukhang may pangyayaring hindi maganda ang nangyari sa bata at ito ay natruma, magiging maayos din naman ito pag dumaan siya sa mahaba habang gamutan" dagdag pa ni Yaya

"Alam mo ba, nung unang pagkikita pa lang ng iyong Mommy Karen at nung bata ay sinabi na ng iyong Mommy Karen na aampunin niya ito pag nalaman niyang wala na itong pamilya"

"Eh na ano pong nangyari yaya?" tanong ko

"Nang naging kalmado na ito, kinausap namin siya at pinilit magsalita at kwinento niya ang lahat ng nangyari sakanila ng kanilang pamilya. Ang pangalan niya ay Jenny, ilang araw bago namin siya natagpuan ay araw ng kanyang kaarawan, at sa araw na iyon may hindi magandang nangyari sakanila ng kanyang pamilya"

"Ano iyon yaya?" tanong ko ulit, bigla na lang akong kinabahan.

"Mayroon daw nanloob sa kanilang bahay at sa araw na iyon, walang awang pinagpapatay ang kanyang ama, ginahasa at pinatay ang kanyang ina at sabi niya pinilit niyang iligtas ang kanyang kapatid pero wala na ito, nakaligtas siya at nagpalaboy laboy ng ilang araw, wala man lang tumulong sakanya, nandidiri daw sila sakanya, iyak siya ng iyak habang sinasabi niya sa amin ang lahat, awang awa kami ng iyong Mommy Karen sakanya" hindi na din mapigilan ni Yaya Kirby ang pagluha.

Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon