Dalawa na ang namamatay, may anim pa.
"Anton Fuentabella" basa niya
X
Nilagyan nito ng markang X ang larawan ni Anton
"Archie Estolas" basa niya ulit
X
Nilagyan niya din ng marka ang larawan ni Archie
"Arjo Dela Fuente, susunod ka na" sabi nito sabay ngiti na nakakatakot.
"Kung ang batas ay namaniobra niyo, pwes ang batas ko ang tikman niyo hahahahaha" sabi pa niya
Krrriiiiinnnnggggg
Naudlot ang pagtawa ni Maria Eleonor naman bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Ibiniba muna niya ang hawak na folder saka kinuha ang kanyang cellphone.
Napakunot noo siya nang makita niyang hindi nakaregister ang number na tumatawag sakanya
"Sino naman kaya ito" sabi niya sa sarili saka sinagot ang tawag
"Hello? is this Maria Eleonor?" tanong ng lalaki sa kabilang linya
"Yes speaking" maikling sagot nito
toot toot toot
Nagtaka na lang si M.E. nang pinatay ng caller ang tawag.
"Baliw ata iyon, pero pamilyar ang boses niya" sabi nito sa sarili
Totoot Totoot Totoot
Nagulat ulit siya nang tumunog ang cellphone niya at nakita niyang sa lalaking tumawag kanina ang nagmessage.
"Hello M.E., its me Aaron. Do you remember?" basa niya sa message
"Ano iyon tumawag na nga kanina tapos pinatay saka naman magmemessage? So sinigurado niya muna na ako ang my ari ng number" sabi ni M.E saka tumawa
"Hello, bakit mo pinatay ang tawag?" reply ni M.E kay Aaron
Totoot Totoot Totoot
Babasahin na sana ni M.E ang message pero bigla na lang my tumawag sakanya. International Call
"Hello ate!" sabi ni Leila
"Hi, kamusta na ang kapatid ko" sabi ni M.E
"Ito, namimiss ka na" sabi niya na nagpalungkot kay M.E.
"Naku, miss na miss na din kita hayaan mo magkakasama din tayo diyan, teka kamusta pag aaral mo?" pag iiba niya ng usapan
"Fine ate, nag aaral akong mabuti para maging proud ka sakin at para pag nakagraduate ako at nakapagtrabaho ikaw naman ang pagsisilbihan ko, lahat ng mga ginawa mo sa akin ay gagawin ko din saiyo. I Love you ate!" sabi ni Leila, hindi mapigilan ni M.E maluha sa sinabi ng kapatid.
"Ano ka ba magkapatid tayo kaya dapat lagi tayo magtulungan" sabi nito
"Ate, alam ko kung ano ang mga sakripisyo mo para sa akin kaya proud na proud akong ikaw ang naging ate ko" sabi pa nito
"Naku! Magbolahan pa tayo!" natatawang sabi ni M.E.
"Hindi po kita binobola ah" -Leila
"Oo na, sige na, I love you, Mamaya na lang ulit at my gagawin pa ako huh?" paalam ni M.E
"Ok ate!"
Papatayin na sana ni M.E ang tawag nang biglang my pahabol pang sasabihin ang kapatid.
"By the way ate, binigay ko kay Kuya Aaron number mo" sabi ni Leila
"Oo nga eh, nagtext siya sa akin"
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
AcciónRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...