Maria Eleonor's POV
"Huh!" bigla na lang ako naalimpungatan.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang pamilyar na tao sa harap ko.
"Anak"
"Ma" sabi ko
"Itigil mo na ito"
"Pa" sabi ko nang biglang nagpakita si Papa
"Ikaw lang din ang mahihirapan at masasaktan sa ginagawa mo ate"
"Leila" sabi ko sa huling nagsalita
"Anak, huwag mo na gawin ito please, huwag mo ipahamak ang sarili mo"
"Ma mas maganda na iyon, mas magandang mawala na din ako para magkakasama tayo" sabi ko, naiiyak na ako
"Paano si Leila ate? Paano ang anak mo?" sabi ni Leila sakin, napaisip ako...
Paano nga si Leila kung may nangyaring masama sakin?
Paano siya kung wala na ako?
Nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko, napatingin ako dito.
"Aaaaaaahhhhh!!!"
Napabangon ako mula sa masamang panaginip na iyon, akala ko si Papa ang humawak sakin pero hindi, kundi si Arjo at kasama niya mga barkada niyang demonyo. Nakangisi ang mga ito.
Nang mawala ang kaba sa aking dibdib. Napatingin ako sa orasan sa aking tabi.
"6:00 na pala ng umaga" sabi ko saka tumayo at pumunta ng banyo para mag ayos ng sarili.
Pagkatapos ko mag ayos, lumabas ako ng kuwarto at sinilip ang bata sa kabila. Tulog na tulog pa ito. Sana pagkagising niya ok na siya at hindi na sya magwala.
Dumiretso ako ng kusina at nagluto ng almusal naming dalawa.
habang nagluluto ako ng hotdog bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba.
Para bang may kung sinong nagmamasid sa akin.
Napatingin ako sa likod ko pero walang tao.
Kinabahan ako, pero bigla nawala ito nang makita ko kung sino ang nakatingin sa akin.
"Goodmorning" ngiti ko sa batang nakatayo sa aking likuran, nakakubli ang kalahating katawan nito sa kabinet na pinaglalagyan ng mga tasa at plato na ginagamit lang pag may bisita..
"Kamusta ka na? Gutom ka na ba? Halika na kain na tayo" sunod sunod na sabi ko sakanya pero nakatingin lang ito sa akin.
Tinapos ko muna ang aking niluluto saka inayos ang lamesa.
Nang hindi pa ito lumalapit sakin, ako na amg lumapit sa kanya.
"Halika na" sabi ko habang papalapit sakanya, mas lalo siya nagsumiksik sa kabinet.
"Huwag ka mag alala hindi kita sasaktan" sabi ko sakanya sabay lahad ng aking kanang kamay.
Napangiti ako sakanya nang hawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumapit sa lamesa.
Pagkaupo niya, tinignan niya ako na para bang nagtatanong o nahihiya.
"Sige na, kumain ka na" sabi ko
Nang marinig niya ang sinabi ko saka ito kumuha ng kakainin niya at sunod sunod ang pagsubo niya. Gutom na gutom ang bata.
"Oh dahan dahan lang baka mabilaukan ka" sabi ko saka kumuha ng inumin sa refrigerator.
Nang makakuha ako ng inumin, umupo ulit ako sa aking upuan at binigay ang inumin sakanya.
"Salamat po" sabi niya
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...