Chapter 27 (Last Chapter)

92 1 0
                                    

"Umupo ka muna diyan" sabi ni Maan kay Aaron, pabalibag na itinulak ni Maan si Aaron paupo sa kama niya.

Nang umalis sila sa bahay nila Aaron, dumiretso sila sa bahay nila Maan. Nakatali parin si Aaron kaya naman kahit anong gawin sakanya ni Maan ay wala siyang magawa.

Wala parin sa tamang pag iisip si Aaron sa oras na iyon dahil na din sa kanyang mga nalaman, halos isumpa niya ang kanyang sarili dahil sa ginawa niya 15 years ago.

Mas lalo pa siyang nainis sa sarili dahil ang taong pinakamamahal niya ang siya palang nagawan niya ng masama, ni hindi man lang niya naitama ang mali, nagging mahina siya kaya siya nabaliw.

"Ano ba iniisip mo diyan?" tanong ni Maan

Tinignan niya ang kasama sa kuwarto, hindi ito nagkakaundagaga sa pag ayos ng kaniyang gamit.

"Huwag mo na isipin lahat ng nangyari, ako na bahala saiyo, aalis tayo dito at mamumuhay ng masaya" sabi pa ni Maan, lumapit ito sakanya, umupo ito sa kanyang harapan, napatiim-bagang si Aaron sa narinig mula kay Maan.

Gusto niya ito suntukin o murahin pero huwag muna, kukuha siya ng tiyempo at dapat gumawa siya ng plano.

"Maan, what is-"

Nagulat ang dalawa nang bigla na lang pumasok ang ama ni Maan. Napatayo agad si Maan at bumalik sa ginagawa.

"Wala kang pakialam!" sagot nito sa kanyang ama.

"Anong ginawa mo kay Aaron?" sabi ng Ama ni Maan saka lumapit kay Aaron.

Malapit n asana ito nang bigla na lang humarang si Maan sa kanyang ama.

"Huwag kang lumapit sa kanya! Huwag mo kami lapitan at mas lalong huwag mo kaming pakilaman!" sabi ni Maan saka tinignan ang ama ng masama. Natakot ng bahagya ang ama ni Maan sakanya. Ibang iba na ang kanyang anak at alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Anak, huwag mo na gawin ito" sabi nito

"Huwag mo akong tawaging anak dahil simula ngayon wala ka nang anak at wala na akong ama, besides si darating mamaya dito ang babaeng ginahasa niyo at siguradong papatayin ka niya, huwag niyo lang dalhin dito ang asawa niyo na pinalit niyo kay mama dahil baka pati siya madamay" sabi ni Maan

"ano ang pinagsasabi mo?"

"Darating na ang karma mo, darating na ang oras mo. Kahit matagal ko nang gustong tapusin ang buhay mo hindi ko ginawa dahil alam kong darating ang araw na ito. Magdasal ka na, ay kahit huwag na pala kasi kahit hindi ka pa patay sinusunog na ang kaluluwa mo sa impiyerno!" bulyaw niya saka bumalik ulit sa pag aayos ng mga gamit.

"A-anak, patawarin mo na ako, diba nagbago naman ako para saiyo?"

"Nagbago???????Nagbago ka noong huli na ang lahat, nasira mo na ang buhay ko!!!! Sinira mo ang kinabukasan ko!!!! Sinira mo pagkatao ko!!!! UMALIS KA NA DITO AT NAKAKAISTORBO KA!!!" sigaw nito saka pinagtulakan ang kanyang ama palabas ng kuwarto

Tok! Tok! Tok!

"Maan! Anak! Buksan mo ito, mag usap tayo! Pakawalan mo si Aaron! Tama na ito!" sigaw ng kanyang ama pero nagbingibingian lang ito.

"Huh? M.E? ano ginagawa mo dito?" nagulat na lang si Maan nang marinig ang turan ng kanyang ama mula sa labas.

Tinignan niya agad si Aaron, si Aaron man ay nagulat at medyo nagkaroon ng pag asa. Pag asa nga ba?

"Tumayo ka diyan!" sabi nito kay Aaron habang hinihila ito. Dinala nito ang kanyang cellphone at saka baril.

Nakipag tigasan naman si Aaron kay Maan.

Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon