Maria Eleonor's POV
Krrriiiinnnnngggg
Krrriiiinnnnngggg
Krrriiiinnnnngggg
Isang tawag mula kay Leila.
"Hello Leila, kamusta-"
"Totoo ba na hindi mo ako tunay na kapatid?"
Nagulat na lang ako sa sinabi ni Leila, hindi ko alam ano sasabihin. Hindi ako makapagsalita.
"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong pa niya
"Paano mo nalaman?" iyon na lang ang nasabi ko
"Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ngayon ang malaman ko ang katotohanan" Madiin na sabi niya
"Pasensya ka na Leila, hindi pa ito ang panahon, kailangan ko muna ng kaunting panahon para msabi ko saiyo lahat" sabi ko
"Kailan pa? Kailan? Pag huli na ang lahat?" sabi niya
"Sorry" iyon na lang nasabi ko
Toot Toot Toot
Pinatayan ako ng tawag ni Leila.
"Hayaan mo, matapos lang ang mga ito maipapaliwanag ko din saiyo ang lahat" sabi ko
Krrriiiinnnnngggg
Krrriiiinnnnngggg
Krrriiiinnnnngggg
"Hello Leila?" sabi ko, sinagot ko agad ang tawag na hindi tinitignan kung sino ito.
"M.E, ako ito si Aaron" sabi ng kabilang linya, napatingin ako sa screen ng aking cp, si Aaron nga ang kausap ko, akala ko ang kapatid ko.
"Ikaw pala" matipid na sabi ko
"Ok ka lang?" sabi niya na para bang nararamdaman ang nararamdaman ko sa oras na iyon.
"Oo" sabi ko
"Pumunta ka pala sa kasiyahan na naganap sa bahay ni Ninong Peter"
Dugdug dugdug, biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa narinig ko mula kay Aaron
Ninong Peter?
dugdug dugdug, hindi ko mapigilan ang kabahan.
Ninong niya si Peter ibig sabihin ang papa niya ang pang walong lalaki?
Hindi! hindi maaari!
"M.E andiyan ka pa ba?" ang boses niya ang nagpalik sa akin sa kasalukuyan
"Ah Oo, pasensya na my iniisip lang, bakit ka pala napatawag?" tanong ko
"Ah eh kasi gusto sana kita yayain lumabas bukas" walang kagatol gatol na sabi niya
Saka naman ako nakaisip ng plano. Kailangan ko siya gamitin para makilala ko ang papa niya, para mapatunayan ko na hindi siya ang pang walo.
Pero nagdadalawang isip ako, ayaw ko gamitin si Aaron laban sa kanyang Ama.
Pero kung hindi ko iyon gagawin? Paano na ang nasimulan ko.?
Paano kung siya nga iyon? Ano gagawin ko?
"Ok" sabi ko
"Talaga?" sabi niya
"Oo, ayaw mo ata eh" sabi ko
"Gusto ko noh, bukas mga 6:00 PM, saan mo gusto?"
"Ikaw, kung saan mo gusto"
"Ok lang ba kung sa bahay?" sabi niya
"Sure, ok lang" sabi ko
"Yes! thank you!" sabi niya
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
AcciónRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...