Chapter 9

78 3 0
                                    

MARIA ELEONOR's POV

Kriiiiinnngggg Kriiinnnngggg Kriiinnnggg

Ang pagtunog ng aking cellphone ang nanggising sa akin nang araw na iyon.

Inaantok pa akong bumangon sa aking kama at tinginan kung sino ang tumatawag.

Si Maan.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello BFF, kamusta?" masiglang bungad ni Maan

"Ok lang medyo nagising mo lang naman ako" sabi ko sabay tawa ng kaunti

"Ay sorry best, sige maya na-"

"Hahaha biro lang ikaw naman" sabat ko

"alam ko, ako pa ba? hahahaha" sabi niya

Saka sabay kaming nagtawanan.

"BFF, my sasabihin ako" sabi niya na sumeryoso na ang boses.

"Ano iyon?" sabi ko

"Ano kasi, ano"

"Ano nga?"

"I think I'm in Love" sabi niya

"Talaga! Wow! sino ang mapalad o masuwerte na lalaki bes?" sabi ko, masaya ako para kay Maan pero parang kinakabahan ako.

Please sana hindi siya!

"Si Aaron"

"What!? I mean sinong Aaron?" sabi ko na umaasang hindi sana si Aaron na . . .

"Iyong kapatid ni Penelope na kaibigan ni Leila na nakabanggaan mo noon" sunod sunod na sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, bakit parang hindi ako makahinga sa narinig ko.

"Andiyan ka pa bes?" tanong niya

"Oo bes, pasensya na inaalala ko kasi kung sino iyon hehe" palusot ko

"Naaalala mo na?" tanong niya

"Oo, iyong pumunta noon sa birthday ko at party ni Leila tama?" sabi ko

"Oo bes, alam mo kung magkasama kami ang saya saya ko bes" sabi niya.

Bakit parang my kumirot sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi ni Maan na "Kung magkasama kami".

Madami pa siyang sinasabi pero hindi ko na inintindi!

Grrrr! bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang nagseselos ako? Bakit nasasaktan ako? May gusto na ba ako kay Aaron?

Gusto?

Wala akong panahon sa mga ganyan!

Sagabal lang iyan! Ipapaubaya ko na lang siya kay Maan.

Pero kaya ko ba? Kaya ko bang makita na magkasama sila? Na masaya sila?

Parang nakikita ko na ang mangyayari.

"Bes? Hoy!"

"Ay pusang gala!" sabi ko nang magulat ako sa boses ni Maan

"Hindi ka naman na ata nakikinig sa akin" pagtatampong sabi niya

"Nakikinig ako ano? My nakita lang akong pusa dito, meow! Oh ayan narinig mo?" sabi ko, nagtunog pusa pa talaga ako makalusot lang 😂

"Saan ka ba at my pusa diyan?"

"Andito ako sa resthouse hindi ko lang alam kung bakit my pusa, pusang gala siguro, sige mamaya na lang bes paalisin ko lang itong pusa" sabi ko

"Ok bes, bye! Pagdasal mo na sana maging kami ni Aaron huh? Cross Fingers" sabi niya

Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon