"Maan?"
"Ate Maan?"
Halos sabay na sambit ng magkapatid.
"Hello" sabi ni Maan na nakangiti.
"Magkakilala kayo?" sabi ng ama ni Aaron
"Thats good! Mukhang wala na tayong proproblemahin balae" sabi ni Bert
"Teka! Pakana mo lahat ng ito?" tanong ni Aaron hindi niya mapigilan ang pagkuyom ng kanyang mga kamay.
"Huh? Ano ang ibig mong sabihin?" sabi ni Maan
"Huwag ka na magmaang maangan pa ate Maan, alam namin pakana mo ito" sabi ni Penelope na naiinis na din
"Hindi ko alam ang ibig niyong-"
"Hindi mo kami mapapaniwala sa mga sinasabi mo!" sabi ni Aaron, hindi na niya maitago ang kanyang galit
"Enough!" sabi ni Bert at tumingin ito sa Ama ni Aaron
"Pare, kausapin mo ang anak mo" sabi nito
"Wala na kaming dapat pag usapan ni Papa, dahil kahit anong mangyari hinding hindi ako magpapakasal sa babaeng iyan. Kung talagang gusto niyong tumulong hindi kayo hihingi ng kapalit" sabi ni Aaron at saka nagdadadabog na umalis sa kuwartong iyon.
Bigla naman sumunod si Penelope sa kapatid pero bago pa siya makaalis, huminto muna ito sa harap ni Maan. Tinignan niya ito nang masama.
"Desperada" sabi niya saka tuluyang umalis.
"Pasensya na, hayaan niyo at kausapin ko ang mga anak ko" sabi naman ng ama ni Aaron at sumunod ito sa mga anak.
Lumabas na din si Bert at iniwan ang anak na galit na galit.
Nagwala ito at nag iiyak! Lahat ng nakikitang bagay ay tinatapon o hinahagis niya.
"WALANGHIYA KA AARON! MAPAPASA AKIN KA DIN HUWAG KANG MAG ALALA MAPAPASAAKIN KA!!!!" sigaw ni Maan habang umiiyak at tumatawa saka nagbabasag ng mga bagay na nakikita niya.
Natigilan si Maan nang may makitang folder na para bang kakaiba, nakaipit ito sa mga librong nandoon na para bang tinatago.
Kinuha niya ito at saka binasa. . .
Samantala . . .
Walang gustong unang magsalita sa mag aama na lulan ng kotse hanggang sila ay makauwi.
Sunod sunod silang bumaba sa kanilang sasakyan na wala man lang imikan.
"Teka, mag usap nga tayo Aaron" sa wakas nagsalita na din ang kanyang ama
"Dad please, huwag mong pilitin si Kuya na ikasal sa bruhang iyon" sabi ni Penelope
"Penelope! Watch your words, kahit papaano mas matanda sa iyo si Maan" sabi ng kanilang ama na ikinasimangot ni Penelope
"Dad, ayaw kong maikasal kay Maan" malumanay na sabi ni Aaron
"Pero paano ang kumpanya na ipinundar pa namin ng inyong ina?" malungkot na tanong ng kanilang ama
"Dad gagawa ako ng paraan para maisalba natin ang kumpanya, kahit magbanat ako ng buto para diyan huwag mo lang ipilit na maikasal ako sa babaeng iyon" sabi ni Aaron
"Tutulong din ako dad, hahanap ako ng paraan" sabi ni Penelope.
"Ok sige, hayaan niyo at hahanap din ako ng paraan para maisalba natin ang kumpanya" sabi ng kanilang ama
"Salamat dad" sabi ni Aaron at niyakap ang ama, lumapit na din si Penelope at niyakap ang dalawa.
"Para sa inyong ina" sabi pa ng Daddy nila.
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...