Chapter 2

161 4 0
                                    

“I’m ok!” sabi niya sa kapatid sabay yakap dito

“Leila, ito na iyong tubig” biglang lapit ng babaeng katulong nila

"M.E.? ok ka lang?" tanong naman nito sakanya

“ate inom ka muna” sabi naman ni Leila, sabay bigay ng tubig sa kapatid niya

Inabot nito ang tubig saka uminom ng kaunti,

“Anong oras na ba?” tanong nito sa kapatid

"Alas tres pa lang po ng madaling araw ate"

"Madaling araw pa lang pala, bakit gising ka na?" tanong ulit niya sa kapatid niya

"Nagising ako po ako para uminom ng tubig ate, nung natapat kasi ako sa pintuan mo bigla ka sumigaw buti na lang at nakabukas pintuan mo nakalimutan mo ata ilock, sigaw ka ng sigaw akala ko ano na nangyayari saiyo ate, lagi ka na lang binabangungot ate, my problema ba?" sabi ni Leila

"Wala, sige na iwan niyo na ako mag isa" sabi na lang niya

Lalabas na sana sila Leila nang matigilan siya

"ate, one more thing"

"Yes?"

"what is your plan for your upcoming Birthday? diba sa isang araw na iyon? ilang taon ka na ulit?" tanong nito sakanya

"30" tipid na sagot niya

"Mukhang inaantok ka pa nga ate, sige iwan ka na muna namin at matulog ka muna, huwag mo po ilock ang pintuan ah" sabi nito, pinatay muna nila ang ilaw bago tuluyang umalis.

Marie Eleonor's POV

Naiwan ako sa kwarto kong binabalot ng dilim, nahiga ako at tinitigan ang aming kisame.

15 years na ang lumilipas pero parang sariwa pa sakin ang lahat, sa 15 taon na iyon lagi akong binabangungot para bang humihingi ng hustisya ang aking pamilya.

Hustisya?

Nasaan na nga ba ang hustisya?

Hanggang ngayon hindi pa namin nakakamit ang hustisya. Hanggang ngayon nababalot parin ako ng poot sa mga taong nanloob sa aming bahay sa araw na iyon.

Nakatakas, at ilang araw din naging palaboy hanggang sa my kumupkop.

Isang mayamang mag asawa na walang anak. Buti na lang at tinanggap nila kami ni Leila kahit na hindi maganda ang aming nakaraan.

Sinabi ko sakanila ang lahat, pero hindi na kay Leila.

Pinapalitan ko ang pangalan at apelyido ko.

Siguro nga my dahilan bakit ako nabuhay. ito ay para MAGHIGANTI.

Babalikan ko ang mga taong iyong, hahanapin ko sila kahit saang impyerno man sila nagtatago!

Hahanapin ko ang mga hayop na sumira ng pangarap namin ng aking mga pamilya.

Si Leila na lang ang naiwan sakin, siya na lang ang aking Pamilya kaya dapat hindi niya malaman ang aking gagawin. Gusto ko siya mamuhay ng normal.

Dahil sa pag iisip, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

***********************
"Ate"

Yugyog mula sa aking kapatid ang gumising sakin

"Ate! Ate!" sabi pa ni Leila habang niyuyogyog ako

"Oh?" sabi ko, nakatalikod ako sakanya

"Gising ka na, umaga na" sabi pa nito habang niyuyugyog ako

Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon