Nang gabing iyon hindi makatulog si M.E, hindi niya maisip kung ano ba talaga ang kanyang gagawin hanggang sa nakabuo na siya ng desisyon.
"Leila, sorry! kailangan ko muna tapusin ang aking nasimulan para sa ating pamilya, kunting tiis na lang, malalaman mo din ang lahat" sabi ni M.E sa kanyang isip
Hindi na namalayan ni Maria Eleonor na nakatulog na siya, pero ilang minuto lang ay naalimpungatan siya.
Nakaramdam siya ng paghaplos sa kanyang kaliwang pisngi.
Nang maidilat niya ang kanyang mata, napaupo siya bigla nang makita ang kanyang ina na nakaupo sa tabi niya sa bandang gilid ng kama.
"Anak" sabi nito, maayos ang mukha ng kanyang ina sa oras na iyon pero halatang malungkot ang mukha nito.
"Anak"
Nabigla ulit siya nang makita ang kanyang ama na nakatayo sa tabi ng kanyang ina, malungkot din ito.
"Ma, Pa! Miss ko na po kayo! sabi ni Maria saka niyakap ang kanyang mga magulang, hindi na nito mapigilan lumuha.
Para bang totoo ang lahat, ramdam na ramdam niya ang init ng mga yakap ng kanyang magulang.
"Anak, tama na" sabi ng kanyang ina nang kumalas siya sa pagkayakap sa mga magulang niya.
"Anak, gusto na namin mamahinga" sabi naman ng kanyang ama.
"Ano po ang ibig sabihin niyo?" sabi niya
"Matuto ka magpatawad anak" sabi ng kanyang Ama
"Nang dahil sa galit saiyong puso, hindi mo na alam ang tama at mali, anak hindi ka namin pinalaking ganyan" sabi ng kanyan ina
"Pero ma, Pa! kung hindi dahil sa kanila, sana. . . sana andito pa kayo, sana magkakasama pa tayo, na sana masaya pa tayo ngayon" umiiyak na sabi nito
"Halika" sabi ng kanyang ina, tumayo ito mula sa kanyang pagkaupo at nilahad ang kanang kamay sa harap ni M.E
Humawak naman si M.E sa ina at tumayo ito at sinundan ang kanyang magulang.
Nakarating sila sa sala ng resthouse nila, nagtaka siya nang tumigil sila sa isang lamesa na nakadikit sa my pader, may mga picture doon.
"Anak, bakit hindi mo isipin na may dahilan kung bakit nangyari sa atin ito? Bakit hindi mo isipin si Leila? Isa siya sa mga dahilan bakit nangyari iyon sa atin" sabi ng kanyang ina na nakatingin sa picture nilang dalawa ni Leila.
Bata pa sila doon, masayang magkayakap.
Napaisip si M.E.
"Anak, makinig ka," sabi ng ina na pinaharap siya
"Ang galit diyan sa puso mo ay unti unting tumutunaw sa pagkatao mo, sa totoong ikaw, huwag mo sana hayaang matalo ka ng galit" sabi pa ng kanyang ina.
"Anak, walang patutunguhan ang paghihiganti mo dahil sa bandang huli ikaw lang din ang matatalo" sabi naman ng kanyang ama na kasalukuyang nasa likod ng kanyang ama.
"Tama ang iyong ama, anak" sabi ng kanyang ina
Lumapit pa ang kanyang ina at hinawakan ang dibdib nito kung saan ang kanyang puso.
"Anak, iwaglit mo ang galit dito sa puso mo. Isipin mo ang kabutihan ng lahat mas lalo na sainyo ni Leila. Ibalik mo ang loob mo sa Diyos, anak para makita mo at maramdaman mo ang kapatawaran na dapat mamayani sa iyong puso" sabi pa nito
"Ma" sabi ni M.E, hindi na talaga niya mapigilan mapahagulgul, napayuko siya.
Napaisip siya, tama ang kanyang mga magulang. Mismong ang sarili niya na makakapag sabing ibang iba na siya sa dating Jenny.
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
حركة (أكشن)RATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...