MARIA ELEONOR's POV
Ilang araw din akong hindi umuwi sa bahay, hindi nagpakita kay Peter o kahit kanino, hindi din ako nakontak ng kahit na sino dahil pinatay ko ang cellphone ko.
Lagi naman pumupunta si Doctora kaya walang problema.
Inalagaan kong mabuti si Jill, tinuring ko siyang parang anak.
Kahit mahirap dahil nga sa trauma na pinagdadaanan niyan, lagi itong nawawala sa sarili pero nung tumagal tagal nakikita kong nag iimprove siya.
Nalaman ko na din ang lahat lahat tungkol doon sa lumang bahay na iyon.
Sindikato sila Peter at Norman mga bata ang puntirya, kung ang ibang sindikato ginagamit nila sa palilimos ang mga bata, sila Peter ginagamit nila ang mga bata para sa pansariling kaligayahan at sa pornographiya.
Sinabi sa amin ni Jill kung paano sila pagsamantalahan habang sila ay nasa harap ng camera.
Madami din siyang nakilalang mga bata doon, babae man o lalaki. May mga dalaga din daw siyang nakita pero sa ibang kuwarto sila dinadala.
Paano niya nalaman? May nakasabay siyang dalaga noon, parehas silang pinapasok sa kuwarto pero magkaibang kuwarto nga lang, pero dahil sa kalumaan ng bahay na iyon rinig na rinig niya ang iyak ng dalagang nakasabay niya at tawanan ng mga lalaki n ksama nito.
Napapansin niyang lahat ng mga batang nilalabas nila mula sa kanilang tulugan ay hindi na bumabalik, noonh una hindi niya alam kung saan sila pinupunta pero kalaunan nalaman na din niya, doon sila pinupunta sa lugar kung saan siya pinunta nung akala nilang patay na siya.
Tinanong ko sakanya bakit siya ay nakakabalik sa kuwarto na kanilang tinutulugan pero ang kanyang mga kasama ay hindi na.
"Ako daw kasi ang paborito" umiiyak na tugon niya
Mas gusto pa niyang mamatay na lang o patayin na nila kesa paulit ulit nilang ginagawa iyon sakanya.
May isang beses pang muntikan na siyang nagpakamatay pero naagapan ko kaagad.
Masasabi ko na talagang sobrang hirap ng kanyang pinagdaanan kumpara sa akin, mas bata pa siya sa akin pero pinatunayan ko sakanya na magiging maayos din ang lahat basta ako ang kanyang kasama.
Nagulat na lang ako nang tanungin niya sa akin kung nasaa ang kanyang mga damit noong nakita ko siya sa aking sasakyan. Naalala daw niya na bago siya pagsamantalahan may nilagay daw sakanyang bulsa iyong lalaki na tingin ko ay si Peter. Sinabi sa kanya na ito ay isang "Remembrance".
Hindi daw niya alam kung andoon pa iyon o kinuha din ng lalaki nung siya ay nawalan ng malay.
Hinanap agad namin ni Doctora ang damit niya at nakuha namin ang isang memory card sa bulsa ng kanyang pang ibaba.
Nagkatinginan kami ni Doctora, pinatulog na muna namin si Jill bago namin tinignan kung gumagana pa ang memory card.
Nang maisalpak namin ito sa laptop ko, nagulat na lang kami na ang nilalaman ng memory card ay ang actual na sinsabi samin ni Jill.
Ang video nila ni Peter habang pinagsasamantalahan siya.
Hindi ko lubos inaakala na sobrang tanga pala ni Peter, sinong tao ang nambababoy habang vinivideohan at ibibigay sa kanyang biktima ang copy ng proof para madiin siya.
Kailangan na talagang may magawa ako!
***************
Isang araw, naisipan kong i-on ang cellphone ko, nagulat na lang ako nang tumunog ito.
Krrriiinnngg Krrriiinnngg Krrriiinnngg
Sa kamamadali kong sagutin ang tawag, hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag basta sinagot ko na lang ito.
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActieRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...