Maria Eleonor's POV
Gusto akong ihatid ni Matt pauwi pero tinanggihan ko dahil may pupuntahan ako.
Nakita ko kasi si Peter na para bang may pupuntahan na importante, nagmamadali ito paalis sakay ng kanyang sasakyan.
Sinundan ko ito, naging maingat ako sa pagsunod sakanya para hindi niya ako mapansin.
Pero sa kasamaang palad nawala ang sasakyan niya sa paningin ko.
Buti na lang naalala ko na nung maghiwalay kami ng landas ni Matt kanina nilagyan ko ng tracker ang sasakyan ni Peter kaya naman dali dali kong kinuha ang laptop na lagi kong dala at hinanap ang lokasyon ni Peter.
Tinahak ko ang daan na papunta sa lokasyon ni Peter, ayon sa tracker kasalukuyan paring gumagalaw ang sasakyan ni Peter.
Nagtataka ako bakit ang daan na aking tinatahak ay liblib na lugar, wala man lang makikitang bahay, halos puno ang nakikita ko.
Napansin ko na lang na hindi na gumagalaw ang pulang bilog sa monitor ng aking laptop, mukhang tumigil na si Peter.
Pinuntahan ko kaagad ang pinagtigilan ng kanyang sasakyan ayon sa aking tracker, pero bago pa ako tuluyang makarating doon, itinigil at pinark ko ang aking sasakyan sa tagong lugar na walang makakakita.
"Kailangan ko maglakad para hindi niya o nila, kung may kasama man siya, mapansin na may paparating" sabi ko sa aking sarili.
Pinatay ko ang aking laptop at sa aking cellphone ko na lang tinignan ang location ni Peter.
Nang malapit na ako sa lugar ng pulang bilog, nagkubli muna ako sa isang puno.
Isang malaki ngunit lumang bahay ang aking nakita, dalawang palapag ito, nakita ko din doon ang sasakyan ni Peter at may iba pang sasakyan.
Madami din ang bantay doon.
"Ano kaya ang tinatago mo?" tanong ko sa aking sarili.
Maingat akong lumapit sa lumang bahay.
Lumapit ako sa bintana at saktong andoon si Peter may kasama ito na aking namumukhaan.
Nakabukas ang bintanang kahoy na kung nasaan ako kaya naman rinig na rinig ako ang pag uusap ng dalawa.
"Bakit? Anong nangyari? Hindi puwedeng mangyari ito!? Kung may makakita sakanya at nagsumbong siya malalagot tayo" paghyhysterical na sabi ni Peter.
"Relax ka lang, paano tayo malalagot eh hindi naman niya tayo kilala" sabi ng kausap niya
"Relax? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Norman? Alam mong nakita na niya ang mukha natin mas lalo na nung-"
"Enough! Maghunos dili ka Peter, akong bahala doon ok?"
Sabi ko na nga ba siya si Norman, Norman Laurel, tignan mo nga naman kung sinisuwerte ang tao.
"Ano gagawin mo?" sabi ni Peter
"Hahanapin siya at -" sabi ni Norman sabay umasta na para bang may gigilitan na leeg.
"Siguraduhin mo lang Norman, ayaw kong masira ang aking pangalan at mas lalong ayaw ko masira" sabi ni Peter
"Abba ano na lang ang gusto mo, ang puro pasarap walang hirap?" sabi ni Norman
"Hindi naman sa ganoon, basta ayusin mo ito agad!" sabi ni Peter
"Huwag kang mag alala, hindi pa iyon nakakalayo dito, hindi pa iyon nakakaalis dito, unang una may mga sugat iyon sa katawan, nanghihina iyon" sabi ni Norman
"Basta ayusin mo iyan agad, pag naayos mo iyan may premyo ka sakin" sabi ni Peter na ngumisi
"Hoy! Hindi tayo talo!" sabi ni Norman
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...