GINA's POV
"Hello Friend" nabigla ako nang bigla akong tapikin ni M.E
"oh ikaw pala M.E" Si M.E. ay isang kaibigan na kamakailan ko lang nakilala, tinulungan niya ako noon nung muntikan na akong pagtripan ng mga nakainom na lalaki.
"Okey ka lang ba? Bakit nakatayo ka diyan? Sino tinitignan mo at sino kasama mo?” sunod sunod na sabi niya
“Ah wala, tara, hanap tayo ng puwesto” sabi ko
“Teka nasaan na iyong ipapakilala mo sa akin?” sabi niya na nakangiti
Ipapakilala ko sana si Archie pero walanjo iniwan ako nang lalaking iyon
“Naku, hindi daw siya makakarating eh” sabi ko na lang
“Sayang naman akala ko makikilala ko na ang kasintahan mo” sabi niya
“Oo nga eh” sabi ko na lang na medyo lumungkot
“Naku, okey lang meron pa naman ibang pagkakataon, ano gusto mong kainin, treat ko” sabi niya
Pagkatapos kami nag order, nagkwentuhan kaming dalawa, bagong salta lang pala siya dito sa amin, at madami pa ako nalaman tungkol sakanya.
Umabot din kami sa dalawang oras sa Café na iyon bago naghiwalay ang aming mga landas. Masarap kausap si M.E pero parang mayroon siyang tinatago sa kanyang pagkatao.
Kriiinggg Kriiiiinggg Kriiiiinggg
Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang aking Cellphone, kinuha ko ito mula sa aking bulsa saka sinagot.
“Hello babe? Sorry Sorry Sorry kung bigla akong nawala” sabi ni Archie sa kabilang linya
“SORRY??? Lagi na lang ganyan! Pagkasama mo ako ang tapang tapang mong sabihin na hihiwalayan mo na iyang asawa mo pero pagnakikita mo siya nagiging duwag ka! LAGI MO AKO INIIWAN SA ERE!” sabi ko, hindi ko na mapigilan ang sumigaw, naglalakad pa man din ako pauwi sa aking bahay!
Paano naman kasi sinundo niya lang ako kanina kaya hindi ako nakapagdala ng sasakyan, wala pa man din akong masyadong nadalang pera! My Gosh Archie pag nakita kita kakalbuhin talaga kita!
“Sorry talaga babe! Hayaan mo babawi ako, bukas! Promise!”
“Babawi yang mukha mo!” I said then I ended the call.
Kriiiinnngggg Kriiiinnngggg Kriiiinnngggg
Pinatay ko na muna iyong cellphone ko, naririndi ako sa pagtunog nito! Nakakasawa na din ang laging ganito, parang gusto ko na din sumuko pero paano? mahal ko si Archie at marami na din akong naipundar dito.
Nang mailagay ko ang aking cellphone sa aking bulsa nagpatuloy ako sa aking paglalakad pero bigla na lang ako nakaramdam ng kakaiba, napatingin ako sa aking likod pero wala akong nakitang kakaiba kaya nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad.
Nang umpisahan ko ulit ang paglalakad, pakiramdam ko may sumusunod sakin. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad.
Ano ba iyan may araw pa naman ah pero bakit parang may sumusunod na sakin?
Lakad takbo na ang ginawa ko para makalayo kahit papaano sa sumusunod sakin.
Nakahinga ako nang maluwag ng matanaw ko ang aking bahay.
Walang lingon lingon kong tinahak ang daan patungo sa aking bahay.
Nang makapasok ako, agad kong sinara ang pintuan ng aking bahay saka sumilip sa bintana kung mayroon mang tao sa labas pero ilang minuto ko nang sinisilip pero wala parin.
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...