Maria Eleonor's POV
"Goodmorning Darling halika tuloy ka" sabi ni Peter sa akin nang dumating ako sa kanyang opisina.
"Goodmorning" matipid na sabi ko
"Buti na lang at pumayag ka sa offer ko Miss M.E" sabi niya saka tinulungan akong umupo sa sofa ng kanyang opisina
"Bakit ko naman tatanggihan ang offer mo?" sabi ko, tumayo ako at saka lumapit sa kanya.
"Pero mayroon din akong mga kundisyon" sabi ko pa
"Sure, ano ang mga iyon?" tanong niya
"Ito" sabi ko sabay labas ng papel mula sa bag ko, pinagawa ko iyon sa bago kong office secretary na pumalit kay Sam bago pa ako makarating ng Pilipinas.
"Andito na ang lahat ng kundisyon ko" sabi ko pa.
Kinuha naman ni Peter ang papel na binigay ko saka niya binasa ito.
"Ok, ito lang naman pala eh" sabi niya nang matapos niyang basahin saka kumuha ng ballpen at pinirmahan ito.
"Wala na ba?" tanong pa niya
"Wala na" sabi ko
"Ok, ito naman kuntrata mo dito sa opisina" sabi nito saka naman ito nagbigay ng papel
Kinuha ko ang papel saka binasa ang nakasaad dito.
"Ok" sabi ko matapos kong mabasa ang nilalaman nito, kumuha ako ng ballpen sa aking bag at pinirmahan ito.
"Well, welcome to the company Miss M.E" sabi ni Peter saka ako kinamayan.
"Thank you" sabi ko
"Mag uumpisa na tayo bukas sa shoot" sabi niya
"Ok, sige i have to go, see you tomorrow" sabi ko
"Wait, may ipapakilala pa ako saiyo" sabi niya,
Tok Tok Tok Tok
"Sir, andito na po siya" sabi ng secretary ni Peter,
"Great! Papasukin mo na siya" sabi niya, bigla na lng ko kinabahan, sino kaya papakilala niya sa akin.
Dug Dug Dug Dug
Ang bilis ng tibok ng puso ko samantalang pakiramdam ko bumagal ang takbo ng oras.
"Ikaw?" sabay na sabi naming dalawa ng bagong dating na bisita ni Peter
"Oh magkakilala na kayo?" tanong ni Peter sa amin.
"Medyo" sagot naman niya
"Nagkakilala lang kami kahapon" sabi ko
"Well Good, hindi ko na kayo dapat iintroduce sa isa't isa" sabi ni Peter
"Teka anu ba kinalaman ni Matt sa pagpirma ko ng kontrata?" tanong ko
"Siya ang magiging partner mo" sabi ni Peter
"what?" sabi ko
"wow" sabi niya, tinignan ko naman siya sa kanyang reaksyon
"Andoon naman sa pinirmahan mo diba na may kapartner ka?" tanong niya sakin
"Oo"
"Then that is great! Si Matt naman ngayon ang pipirma" sabi ni Peter
"Gusto ba niya?" tanong ko
"Kung ikaw magiging partner ko, why not diba? Atleast makikilala pa kita ng maigi" sabi niya saka kumindat sakin, bigla na lang nag init ang pisngi ko sa ginawa niya
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...