Doctora Maybi's POV
"Doc, hindi ba magigisng pa si ate M.E?" umiiyak na tanong sakin ni Jill
"Paano ako? Paano na ako?" sabi nito
Ilang araw na din kaming andito sa hospital, hanggang ngayon wala parin malay si Maria Eleonor, Paano ko ba sasabihin ito sa pamilya niya?
"Masasama talaga sila" iyak parin ni Jill
Naaalala ko nanaman ang nangyari.
Tiiiit Tiiiit Tiiiit
Napatingin ako sa cellphone na binigay ni M. E sakin bago siya umalis, ang sabi niya pag tutunog ito nasa panganib siya.
Iniwan ko na si Jill na mag isa sa bahay, tulog naman ito.
Agad akong dumiresto sa tanggapan ng mga pulis, humingi ng tulong na hindi naman ipinagkait sakin.
Naging guide naming ang cellphone na iyon, noong una gumagalaw ang radar nito pero nang kalaunan biglang nagtumigil, tingin ko nasa lugar na sila kung saan nakita ni M.E si Jill.
Nang makarating kami doon, sa lugar na kung saan tumigil ang radar o iyong red na bilog sa cellphone ni M.E, nagplano kami ng maigi para naman walang makapansin samin dahil madami ang bantay doon.
Pinapaiwan na ako ng mga pulis pero ayaw ko, sumama parin ako kahit mapanganib.
Noong una, tahimik ang pagpasok namin, hindi kami nagpahalata, dahil na din siguro sa gabi na ay hindi kami nakita ng mga kalaban.
Nakapasok kami sa loob ng walang nakapansin samin, humiwalay ako sa mga kasama ko, hanggang sa makapunta ako sa pangalawang palapag ng bahay.
May napansin akong isang pintuan na medyo nakaawang, lumapit ako at sumilip.
May nakita akong lalaki, nakatali ito, nakahiga sa kama.
Pumasok ako at nabigla nang magising ang lalaki.
"si-sino ka?Anong gagawin mo sa akin?" tanong niya
"andito ako para kay Maria Eleonor" sabi ko at lumapit sakanya.
"Kalagan mo ako at hanapin natin si Maria Eleonor" sabi niya
Kinalagan ko siya, buti na lang talaga at nagdala ako ng sandata. Kutsilyo.
Nakalabas kami ng kuwarto na maingat.
Nang makakita ulit kami ng isang kuwarto, lumapit kami agad doon at sinubukan buksan ito.
Pinihit ko ang seradura pero nakalock.
Tumingin ako sa lalaki.
"nakalock" sabi ko
Tak Tak Tak Tak
"Sssshhhhh" sabi niya bigla nang may marinig kaming mga yapak, nagtago kami agad sa medyo madilim na parti ng bahay pero sapat na para Makita kung sino ang naglalakad.
May hawak itong latigo, lotion at saka kutsilyo.
"Peter" bulong ng lalaki na nakakuyom ang kamao, halatang galit na galit.
Pumasok ito sa kuwarto na kung saan kami galing.
"Aaaahhh! Hindi ito maaari" sigaw nito nang makitang wala ng tao sa loob.
Nagdadabog na umalis ito pabalik sa kanyang pinanggalingan, susundan sana naming siya pero bigla na lang kami nakarinig ng mga iyak sa kuwarto na nakalock.
"Iyak ng mga bata iyon ah" sabi ko at saka lumabas mula sa aming pinagkukublihan.
"Oo nga" sabi niya
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
AcciónRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...