MARIA ELEONOR's POV
Pinauwi na ako ni Peter pagkatapos namin mag usap para daw makapagpahinga ako.
Bumalik ako sa bahay na kung saan iniwan ko sila Jill, pagdating ko doon, nadatnan kong nagtatawanan si Doctora at si Jill.
Kahit papaano makikita mo na nag iimprove na siya.
"Hello ate!" ngiti na sabi sakin ni Jill nang makita ako.
"Hello, mukhang nagkakasiyahan kayon ni Doctora ah" sabi ko, habang palapit sakanya.
"Opo, tinuturuan niya po ako magkulay tapos nagkukuwento po siya" sabi ni Jill
"ganoon ba? patingin nga" sabi ko, inabot naman sakin ni Jill ang Color book na kinukulayan niya.
"wow, ang galing mo ah, parang totoo" sabi ko,
Nakikitaan ko si Jill ng talento sa pagdrawing, ilang beses ko na din siya nakita magdrawing at masasabi kong magaganda iyon.
Pero may drawing siya na ayaw niyang ipakita sa akin.
"Teka maiwan ko muna kayo dito magbibihis lang ako" sabi ko, tumango naman silang dalawa.
Dali dali akong pumanhik sa kuwarto pero hindi sa kuwarto ko kundi sa kuwarto ni Jill, hinanap ko ang notebook na kung saan may mga drawing siyang ayaw niya ipakita.
"Ito na nga iyon" sabi ko sa sarili ko nang makita ang notebook.
Nanginginig akong binuksan ito, nagulat na lang ako nang makita ang mga nilalaman nun.
Ginuguhit niya ang mga nakikita o nangyayari sakanya sa loob ng lumang bahay na iyon.
Mula sa labas ng bahay, sa kuwarto na nakaupo siya sa gitna ng kama habang umiiyak.
May isang drawing na mas nakakuha ng atensyon ko, sa isang butas, may mga kalansay at sa gitna nito ay isang batang lalaki na walang malay, hindi kaya ito ang sinasabi niyang tapunan ng mga biktima nila Peter.
Napakuyom nanaman ang aking kamao, ramdam na ramdam ko ang hirap ni Jill kahit sa drawing niya lang. Makikita mo ang hirap na dinanas niya.
Ngayon napapaisip ako, totoo ba kaya ang nakikita kong masaya siya o sa loob loob niya ay nahihirapan parin siya.
"M.E?"
Nagulat na lang ako sa pagtawag sakin ni Doctora.
"Ok ka lang?" sabi niya
"Oo doc" sabi ko saka ibinalik sa pinagkuhanan ko ang notebook.
"Sigurado ka?" sabi niya ulit
"Opo, nasan si Jill?"
"Iniwan ko sa sala" sabi ko
"Doctora, hihingi pa sana ako ng pabor sainyo, puwede mo ba bantayan si Jill dito hanggang mamayang gabi, hanggang hindi pa ako nakakabalik?"sabi ko
"Bakit? Saan ka pupunta?"
"Inanyayahan kasi ako ni Peter, may papakilala daw siya sakin" sabi ko
"Pupunta ka? Hindi kaya mapahamak ka?"
"Hindi Doctora, basta sisiguraduhin ko na magbabayad ang mga yan sa ginawa nila ni Jill" sabi ko, nanginginig na ako sa galit
"M.E. hindi mo kailangang-"
"Doc, nakapag desisyon na ako, ngayong gabi ko na sila sisingilin sa lahat ng kahayupan nila" sabi nito
"Kung hindi na kita mapipigilan, sana mag ingat ka" sabi ni Doctora saka ako niyakap
BINABASA MO ANG
Maria Eleonor: The Sweet Revenge Written by Kirby (FINISHED)
ActionRATED SPG PLEASE sa mga 19 pababa ang edad huwag niyo na po basahin, ang kwentong ito ay RATED SPG dahil sa maseselan na salita at pangyayari! Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manun...