RPW - IT SHOULD BE

2.7K 88 18
                                    


Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. I dont even know kung papasok ba ako or hindi. It's 3 o'clock in the midnight. Nakatulala lang ako at unti unting nalalaglag ang mga luha mula sa mata ko. RPW to op life... Kasalanan ko 'to eh. Kasalananan kong mahulog sa kanya. Dapat simula palang hanggang rp nalang dapat ang binigay ko. Kaso hindi eh, nagpatalo ako sa nararamdaman ko. Edi sana okay pa ako ngayon. Edi sana hindi ako masyadong nasasaktan ngayon.  


Tumayo ako at nagpunta sa banyo. Minarapat ko na pumasok nalang ng maaga. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok. Magang maga ang mata ko. Kinuha ko ang reading glasses ko. Minsan ko lang isuot ito, at ngayon kailangan na kailangan kong isuot.


Tinignan ko ang orasan at 5 oclock na nga. Ang bilis naman ng oras. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko nang mapakirot ako sa gulat. Nasa tapat ko kase si mommy tita.



"Mommy tita, good morning po" Nakangiti kong sabi sa kanya. At kiniss siya sa pisngi. 


"Good morning baby. Ang aga mo yata pumasok ngayon?" Napalunok ako. "Kakausapin sana kita eh." 


"Ahmm sige po. Halika po. Pasok muna po kayo" Sabi ko kay mommy tita. At pinapasok siya sa kwarto ko. Pinaupo ko siya sa kama ko dahil baka mapagod siya mahirap na at nagdadalang tao siya. "Ano pa ba ang gusto niyong sabihin?"


"Okay ka lang ba? Nakita kase kita kahapon na umiiyak habang  patakbo na umakyat sa taas" napaurong ako dahil hindi ko inasahan na yun ang itatanong niya sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako dahil hindi nila aam na rp'er ako. Nahihiya ako ng sobra. Hindi ko maiwasang hindi maluha. Tumayo si mommy tita at niyakap niya ako.  


"Ok lang naman sa akin kung hindi ka pa handang sabihin basta lagi mong tatandaan na nandito lang si mommy tita ah. Makikinig ako." Pinunasan ni mommy tita ang mga luha ko. At hinalikan ako sa forehead. "Gusto mo bang papuntahin ko dito sila Kuya Evan mo?" Umiling kaagad ako. Ayaw kong problemahin pa nila ako. 


"Okay.... Pero promise me na you'll tell your problem kapag handa ka na ah?" Tumango ako.


"Yes po mommy tita. Sige po matulog na po kayo ulit. Salamat sa pag-aalala. Pasok na po ako" Sabi ko at naunang lumabas ng kwarto ko. Baka hindi ko kayanin at humagulgul pa ako sa harap niya.


~~


Ako palang mag-isa sa room. At ang dilim dilim pa ng kaunti. Magsi-6 palang kase. Usually mga 6:30 palang nagsisi datingan ang mga kaklase ko. Nagduck na muna ako. Pero kaasar, mukha niya ang naalala ko. Tae kaseng collage na yun. Bakit kase siya gumawa ng collage ayan tuloy paulit ulit na nagrereply sa utak ko yung lahat ng kabaliwan na ginawa namin. Magsimula dunsa gapang thingy niya. tae naluluha na naman ako. Para akong tanga na kinikilig na naiiyak na nasasaktan. Ay tanga naman pala talaga ako. 

Hindi ako mapakali kaya pumunta ako sa malapit sa window at doon ako umupo. Hinarap ko ang upuan sa tapat ng window at tila tumitingin ako sa kawalan. Hindi ko maiwasan maiyak na naman. Ewan ko ba at parang nagja-jumble lahat ng mga moments namin ni Matthew, simula nung magkaibigan, hanggang sa naging kuya hanggang sa maging magka rs/bf/gf kame. Tinakpan ko ang kalahati ng mukha ko gamit ang panyo ko. Iyak lang ako ng iyak. Nabigla ako ng may tumapik sa balikat ko.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now