Ken POV
"BABEEEEEE" umupo siya sa tiyan ko at sinabunutan ako. Kung lalake lang siya baka nasapak ko na siya, ang sakit pa naman ng pagkasabunot niya. Ngumiti ako ng kaunti pero nakapikit pa rin. Bumangon ako ng mabilis at hinalikan siya tsaka ako humiga ulit. "Babbeee!!!" Unti unti kong binuksan ang mata ko.
"Bakit babe? Maaga pa tulog pa tayo" sabi ko at hinila siya pahiga... napahiga naman siya at magkaharap ang mukha namin. Hinawakan niya yung mukha ko sabay pout.
"Babe. Aalis ako niyan ah. Pupuntahan ko si Hannah" nakasimangot niyang sabi. Kinurot ko ang pisngi niya.
"Uy Babe! Wag kang sisimangot. Papanget ka niyan" sabi ko sabag tawa ng kaunti. Napalo tuloy ako sa braso. "Joke lang babe. Wag ka na kaseng sad. Sige samahan kita wala naman akong lakad niyan" ngumiti siya at niyakap ako.
"Awwieee Thank you" sabi na nga ba at gusto lang pahatid neto eh. Minsan hindi ko talaga alam kung boyfriend niya ba ako o driver niya eh. Joke lang, ok lang naman sa akin na maging driver niya, atleast kasama ko siya.
Sabi nga nila basta driver sweet lover.
"Be-babe?" Medyo nauutal niyang tanong. "Ah eh.. haha.. ahmm ano kase.. Ah.." hindi siya makatingin sa akin. Napapano ba si---
O shocks!
"Babe labas ka muna bilis. Bakit kase kaagad kang pumapasok sa kwarto e" Nakapikit lang siya at dahan dahan na pumasok sa cr. Pagkasara na pagkasara niya ng pinto, kumuha kaagad ako ng underware, shorts at tshirt sa drawer ko. Fvck! Buti nalang nakatakip ako ng kumot. Bakit ba kase nawala sa isip ko yon!
"Babe! Labas na dyan" Sigaw ko pagkabihis ko. Lumabas siya at pulang pula ang pisngi niya. Nag-iwas tuloy ako ng tingin, ayan tuloy pati ako nahiya. Niyakap niya ako patalikod.
"Babe" Nakiliti ang tainga ko sa pagkasabi niya ng babe, ang lambing ng boses niya, nakakapanghina. Hindi pa rin ako humarap sa kanya. Hinayaan ko lang na yakap niya ako. "Maligo ka na babe. Hintayin nalang kita sa baba. Nood muna tayo ng sine tapos puntahan natin si Hannah after." Tumango ako. Kasabay nun ang paglabas niya ng kwarto ko.
Grabe sobrang nakakahiya talaga. Napatulala ako at hinilamos ang mukha ko. Nako Ken... simula ngayon magsanay ka na ng nakadamit kapag natutulog... kausap ko sa sarili ko. Naligo na ako at nagpalit ng pang-alis. Bumaba kaagad ako at naabutan ko siyang kakahapag lang ng pagkain... Scrambled egg with onion. Umupo ako sa harap niya pero hindi ako makatingin tingin sa kanya. Tahimik lang kameng kumakain hanggang sa marinig ko ang pagbagsak niya ng kutsara at tinidor niya.
Napalunok ako. Patay... ayaw niya pala ng nanahimik ako tumingin ako ng dahan dahan sa kanya at nakakunot na ang noo niya. Padabog niyang tinulak ang upuan at tumayo. Naglakad siya papunta sa labas ng bahay pero napigilan ko siya. Nagmadali akong tumayo at hinatak ang braso niya tsaka siya niyakap. Hindi niya ako niyayakap pabalik. Hinaplos haplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya.
"Babe... sorry na.. Hindi ko naman sinasadya na manahimik" Inisnaban niya ako. Hinawakan ako ang mukha niya at pinitpit ito. Pinilit ko itong iharap sa akin. "Uy Babe... tingin ka sa akin bilis" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ang sama sama ng tingin niya. Binigyan ko siya ng smack kiss. "Sorry na babe.. please" sabi ko sabay pout.
Tinitignan niya lang ako at blanko pa rin ang expresyon niya. Niyakap ko siya tapos bigla niya akong pinalo ng malakas.
"Tara na nga. Maliligo pa ako"
Sabi nito at padabog na lumabas. Napailing ako na sumunod sa kanya.
~~~~
Ang sabi niya magsi-sine kame. Pero nauwe sa pagbili ng nga damit niya. Ayun tuloy.. ang uwe ko? Tagabitbit ng mga pinamili niya. Nakasumangot ako na sumunod sa kanya. Tinuro niya yung shop ng mga sapatos. Napasapo ako sa noo ko. Patapak na sana siya sa loob ng shop ng humarap siya sa akin.
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed