RPW - SCOULDED BY HER

1.7K 50 6
                                    

TRIXIE POV

Gumising ako at gabi na. Nakatulog pala ako dito sa kwarto ni Kuya Matt. Lumabas ako sa kwarto at pumunta kaagad sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at may 22 missed calls galing kay Ken at 30 na text. Hala patay. Tinawagan ko siya pero cannot be reach siya. Ano ba yan bakit kase hindi ko napansin na nagcall na pala siya.

May kumatok sa kwarto ko.

"Dad?"

"Trix.. Your suitor is here." Sabi nito at umalis kaagad. Hala bakit siya nandito? 10:00 na tapos nambubulabog pa. Bumaba ako at nandoon nga siya. Nakabihis pa siyang pang school.

"Ken? Bakit andi---"

"Trix! Akala ko kung napano ka na" Niyakap niya ako na kinabigla ko. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya na akala mo anytime mapipisa na ako.

"OA mo naman Ken." Pabiro kong sabi pero sinamaan lang niya ako ng tingin. "Joke. Atleast alam mong okay na ako. You can go home na."

"Okay.. Good night my princess.." sabi nito at hinalikan ang forehead ko.

"Good night Ken! Ingat ka ah!" Hindi ko na siya hinatid sa labas kase baka makita ako ng rumoronda na security dito. Ma curfew pa ako. Maglalakad lang siya tutal hindi na siya kasama sa curfew at hindi naman niya dala sasakyan niya.

Kumain muna ako at matutulog sana ulit. Naisip ko yung sinabi ni Kuya Matt. What if? Umiling ako.. kaso mali eh. Maling mali.

Nagol ako at nakita ko na ol siya. Ang dami niyang message sa akin kadalasan puro screenshot kung paano kame kasweet dateh. Napangiti tuloy ako at hindi ko matago na may kilig factor akong nararamdaman. Hindi niya pa pala dinidelete mga convos namin.

Kim Jong Dae
Active Now

Kim: Bakit gising ka pa Jagiya? Late na ah.

Yannie: Wala lang. Paki mo?

Kim: Tulog ka na Jagiya. May pasok ka pa bukas

Yannie: Ayaw ko

Kim: Jagiya naman. Magkaka pimples ka niyan. Diba ayaw mong nagkakaganun

Yannie: Pssh. Fine. Tulog na ako. Matulog ka na din

Kim: Sure. Tabi ba tayo Jagiya?

Yannie: In your face! Bye na.

Kim: Bye Jagiya. I Love you sweetdreams. Dream of me

Nakakamiss din pala siya kahit paano. Aksidente kong  napindot yung like tapos nagulat ako dahil hindi pala siya like. Emoji pala siya na nakaheart yung mata. Ah? So kaya pala nagflood siya. Letse bakit hindi ko napansin. Nagulat nalang ako ng nagsend siya ng message ulit.

Kim: kinikilig ka ba? Haha

Yannie: pssh

Nagoffline ako at pinilit kong matulog pero napapangiti at mapapangiti pa din ako. Bwiset mukha na akong timang dito ah. Tsaka bakit ba ako ngumingiti? Akala ko ba galit ako sakanya? Hayst nako Trixie. Minsan hindi talaga kita maintindihan.

~~

Sabay kame ni Kuya Matt na pumasok hindi daw kase ako masusundo ni Ken so pinasabay niya muna ako kay Kuya Matt. Tinignan ko si Kuya Matt at ang laki ng ngiti niya.

"Ngiting tagumpay ah? Anong meron?"

"Wala lang. Kinikilig kase ako"

Napatawa ako ng kaunti. Ang cute palang kiligin ni kuya. Hindi na ako nagtanong kung saan dahil hindi naman niya sasabihin kung kanino at bakit kaya nag 'ahh'nalang ako.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now