Sabado naman ngayon at ang sakit sakit na naman ng ulo ko. Kinapa ko yung salamin ko. Nang makuha ko iyon ay sinuot ko. Umupo ako at tinignan ang sarili sa salamin. Namamaga na naman ang mga mata ko. Naghilamos ako at pagkatapos ay dumiretso sa kwarto nila mom.
Pero wala sila mom at dad duon. Tanging naabutan ko lang ay sila Baby Czarina at si Kuya Matt. Natutulog sila. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa edge ng kama. Kiniss ko yung cheeks ni Baby Czarina. Hayst. Kailan ba kita maabutan na gising?
"Hmm.." unti unti niyang minulat ang mata niya. "Trix.. gising ka na pala. Lets go. Mag breakfast tayo"
"Mauna ka na. Ako na muna dito"
"Trix. Look. I'm sorry for what I--"
"Stop it Kuya Matthew. I don't need your explanation. I know that sumobra ako sa pangingialam sayo. I know my mistakes already. So yeah. Don't worry. I will not do it again" Hinawakan niya ako. Pero tinabig ko iyon.
"It's not like that Trix"
Hindi ko siya sinagot at lumabas nalang ng kwarto. Ayaw ko muna siyang kausapin. Hindi ko siya kayang kausapin. Bumaba ako at hindi ko nakita duon sila mom at dad.
"Sila Dad po ya. Asaan?"tanong ko sa kasambahay namin
"Umalis hija.."
"Ah ganon po ba. Paki tignan nalang po si Czarina sa taas at paki sabihan si Kuya Matt na bumaba. Hindi pa po siya kumakain eh."
"Sige po" Kahit naman nagtatampo ako kay Kuya Matt, syempre hindi ko naman hahayaan na magutom siya duon. Tska hindi ko rin naman siya matiis eh. Papa-sorry nalang ako after kumain. After ng ilang minutes bumaba na si Kuya Matt. Tinignan niya ako at umupo.
Tahimik lang kameng kumakain.
"Kuya Matt..." Pag-uumpisa ko. "Sorry talaga sa mga inaakto ko. Sorry"
"It's ok. Sorry din"
Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Niyakap niya ako.
"Namiss kita Trix"
"Namiss din kita Kuya Matt" Masigla kong sabi. Masaya ako at nagkaayos na kame. At sana magkaayos na din sila ni Ken. "Kuya Matt. Ok lang ba kung itan--"
"Makikipag-ayos ako ngayon. Sama ka ba? Punta ako sa bahay nila"
"Sure. Magbibihis na ako" sabi ko at tumayo. Aakyat na sana ako ng hilain ni kuya Matt ang braso ko pabalik.
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed