Nakasaluk baba lang ako at naghihintay ng himala. Wala akong magawa. Hanggang ngayon nakaka-bother pa din ang nanyare sa amin ni Ken, parang wala pa man binasted ko na siya. Tapos isama mo pa yung kay Hannah. Hindi ko man lang siya na-comfort. Pero kapag ako... Lagi siyang nandoon para icomfort ako.
Kainis naman kase. Bakit hindi ako sanay na nakikita or naririnig siyang umiiyak o nasasaktan. Parang may kumikirot sa puso ko.
"Trix!"
Nagulat ako kaya medyo nahulog yung siko ko sa upuan. Parang naground tuloy ako. Inis akong humarap sa kung sino ang nanggulat sa akin. Si Hannah. Hindi ko siya pinansin at nagsalukbaba ulit, nahihiya pa din ako sa kanya. Ginawa ko ang best ko para hindi magtama ang mata namin baka umiyak lang ako.
"Ka-salukbaba mo? Problema bilis makikinig ako"
"Wala. Miss ko lang si Kuya Oppa"
"Kuya Oppa? Sus ang tagal ng nawala nun. Naaalala mo pa din. Trix. Kung talagang tinuring ka din na real saeng ng kuya oppa na yan hanggang real life. D sana matagal ka na niyant tinext or chinat man lang. Who knows? Baka crp lang siya"
Dapat yata hindi nalang si Kuya Oppa ang ginamit kong alibay. Mas nasaktan lang tuloy ako. Naaalala ko talaga siya. Namimiss ko na siya. Naluha ako.
Ayoko siyang i-judge. Nareport lang siya kaya hindi dapat ako nagtatanim ng sama ng loob. Hindi naman niya kasalanan na mareport siya.
"I know Hannah. But I still... Trust him.. and miss him... It's wrong that we make judgement to him. Hindi naman niya kasalanan na mareport siya"
"Trix. You know rp. Kapag gusto nilang mawala yung acc nila or kung marami ng gumugulo sa rp nila. Magpapareport sila. Duuhh rp is so like that"
"Hannah stop! We both know na hindi ganyan si Kuya Oppa"
"Dateh oo. Hindi ganyan ang tingin ko sa kanya. Pero habang mas nakikilala ko ang rp. Nawawalan na din ako ng tiwala sa kanya"
Pag-eexplain niya. Pinunasan ko ang luha ko. Nanahimik nalang ako dahil baka kung saan pa mapunta ang sagutan namin. Dumating na yung teacher namin. Nakinig nalang ako. Pero kahit na nakikinig ako, walang pumapasok sa utak ko. Nang matapos ang subject ay lumabas kaagad ako. Hindi muna ako sasabay sa kanila. Hindi ko naabutan sa labas si Kuya Matt. Pero si Ken andito. Hindi ko pa nakakausap si Kuya Matt simula kagabi.
Dahan dahan akong lumapit kay Ken at ngunitian siya.
"Hindi pumasok si Matthew."
Pag-uumpisa niya. Magsasalita sana ako pero nagsalita siya ulit.
"Balita ko kasama niya si Lovely."
"Lovely? Sino yun?"
Walang nababanggit na ganung pangalan sa akin si Kuya Matt. Ay! Sabagay hindi pala open sa akin si kuya Matt kapag dating sa girls.
"Lovely. Yung girl na may gusto sa kanya. Kaklase niya yata"
Nakalimutan kong sabihin na nursing ang course ni Kuya Matthew. 2nd year na. Nakakatawa nga dahil parehong pareho ng sinabi sa akin dati ng poser niya. Tapos si Ken naman Computer Engineering. 2nd year din.
"Eh bakit sila magkasama?"
"I don't know."
Nakangiti si Ken pero halatang malungkot siya. Nagcling ako sakanya.
"Sorry Ken. Nang dahil sa akin nag-away kayo ni Kuya Matt"
"It's okay. Magkakaayos din kame"
YOU ARE READING
It's Just RPW
Novela JuvenilFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed