Trixie POV
Bakit meron siyang litrato na ganito?
Hindi ko mapigilang mapaluha...
Nakatingin lang ako dito...
"Tr-trix"
Napatingin ako sa kanya at mukhang gulat na gulat siya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang cellphone na hawak ko. Tumingin lang ako sa baba. Hindi ko alam kung paano ko siya matitignan... Galit na galit ako sa kanya.
"Trix... Let me---"
Tumayo ako pero hinila niya ako kaya napaharap ako sa kanya. Tinignan ko siya.. Hindi ko maexplain ang mga tingin niya pero nanghihina ako sa tingin niya.
"Please.. Let me explain" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Palabas na sana ako ng kwarto niya ng...
"Jagiya! Please..." Literal akong hindi makagalaw. Mas lalo ko pang gustong umiyak... Mas lalo niyang pinatunayan ang hinala ko...
Tumakbo ako papuntang kwarto ko. Iyak lang ako ng iyak.. Bakit ganun? Bakit ang sakit? Bakit may ganito akong nararamdaman! Hindi ko maexplain pero bakit nagkakaganito ako...
Bakit nagagalit ako sa kanya. Bakit nasasaktan ako na malaman na siya si Chen... Tinignan ko ang cellphone ko at tumatawag si Kuya Matt doon.
"Aaaahhhhh!!!!!" Sigaw ko habang umiiyak ako. Ring pa rin ng ring ang phone ko. Kinuha ko ito at hinagis sa wall. Iyak pa rin ako ng iyak...
Natatawa ako... Pwede palang makaharap mo ang taong minahal mo sa rp.. Ngumisi ako.. Bakit sa lahat ng tao, akin pa nanyare ito.. Bakit sa lahat ng rp sa mundo.. Ako pa ang makakaranas nito.
Tinignan ko ang orasan at 2 o'clock na pala ng madaling araw. Kinuha ko ang jacket at bag ko. Gusto ko munang makaalis sa bahay na 'to. Naglakad lakad ako sa labas... Madilim pa pero ok lang...
Pero nagkamali ako sa paglabas ko... dapat pala nag stay nalang ako sa kwarto. Nanghihina ako at anytime parang gusto kong matumba. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Naglakad pa ako ng kaunti pero ng maramdaman kong hindi ko na talaga kayang ilakad umupo muna ako sa isang tabi...
Kaupo na kaupo ko.. Naiyak ako... Umiiyak na naman ako. Pinunasan ko ang mga luha ko pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.
Madilim pa rin at sobrang lamig. Saktong may dumaan na tricylce sa park kaya pinara ko iyon. Bumaba ako sa kanto malapit sa terminal ng mga jeep. Sumakay ako doon.
~~~
Matthew POV
"Trixie" katok ako ng katok sa kwarto niya pero walang sumasagot. Sobra na akong nag-aalala, ni hindi ko siya macontact. Tinry kong buksan ang pinto, hindi pala ito nakalock. Pumasok ako pero hindi ko siya nakita. "Trix" tawag ko. Nilibot ko ng tingin ang kwarto niya, napatingin ako sa sahig at nakita ang cellphone niya.
Pinulot ko ito at basag na basag ang screen nito.
"TRIX!" Nagmadali akong lumapit sa pinto ng cr niya at kinatok ito pero wala ding sumasagot. Binuksan ko ito at wala siya dito.
Damn! Where the fvck are you?! Tinawagan ko si Ken
[Tol! Ang aga aga! Ano ba?!]
"Andyan ba si Trix" diretso kong tanong
[si Trix? Wala.. bakit na-- wait! What?]
"Wala si Trix sa bahay Tol! And I'm worried"
[Malay mo naman ng jogging lang tol.. Itext ko siya sige]
"Ken! Nasa akin ang phone niya! And basag ito.. Ken please help me"
[Wait! What is happening? Why are you so worried. Malay mo naman andyan lang siya sa tabi]
"Ken she already know about me! Alam niya ng ako si Chen!"
[What the! Why did yo-- aish damn! If something will happen to my girlfriend! Babalikan kita!]
"Thats why I'm asking for your help!"
[I'll hang up.]
Pinatay niya ang phone. Lumabas ako ng kwarto ni Trix sakto naman na nakasalubong ko si Dad and Mom kasama si Czarina.
"Good morning Gabgab!" Sabi ni mom at kiniss ako sa cheeks
"Good morning mom! Morning dad"
"Lets have breakfast Matt. Call Trix"
"Dad.. Ahmm... Umalis lang po saglit si Trix. Magstay muna daw po siya sa kaibigan niya"
"Hanggang kailan daw? How come she didn't ask permission to me?" Nakakunot ang noo ni dad.
"She ask me to say it to you dad. I'm sorry"
"It's okay. Alam ko naman na safe siya sa pupuntahan niya. Kain na tayo"
Bumaba na sila pero pumasok muna ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit. I need to find her.
Halos natext at nachat ko na lahat ng kaklase at kaclose ni Trix pero wala daw siya roon. Nasaan ka na ba kase Trixie!
~~
"Trix" nilapitan ko siya ng makita ko siya na papasok sa classroom nila. Nagulat ako sa pagharap niya. Mugtong mugto ang mga mata niya. "Trix. Mag-usap tayo saglit" Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya
"Wala tayong pag-uusapan"
"Please Trixie.. kahit 30 mins. lang"
"Masyadong matagal ang 30 mins. At meski 5 segundo hindi ko kayang marinig ang boses mo at ayaw kong makita ang pagmumukha mo! Kaya please" sabi nito ag tumalikod
"Okay fine! But please.. let me know kung saan ka nagi-stay" hindi niya ako pinakinggan at tuluyang pumasok sa room nila. Susundan ko sana siya ng harangin ako ni Hannah.
"Hindi ko alam kung bingi ka o sadyang tanga ka! Umalis ka na. Ayaw kang makita ng bestfriend ko" pagtataray niya. Hindi ko siya pinakinggan at papasok ulit sana ng itulak ako ng boyfriend niya.
"Excuse me lang ah. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng girlfriend ko pare? Umalis ka na" Umiling ako..
"Hayaan niyo akong makausap siya"
"Umalis k--"
"Fredric. Tama na. Ako ng bahala dito. Pumasok ka na sa room niyo"
"Sure ka ba babe? Kaya mo dito? Baka ku--"
"Fred?!" Umalis ang asungot niyang boyfriend
"Simula pa lang ayaw ko na sayo at simula pa lang nahalata na kita. So tama pala ang hinala ko. Better stay away from my bestfriend. Please wag mo na siyang pahirapan"
"Okay.. paki sabi nalang sa kanya... sorry" tumalikod na ako. Nag ditch nalang ako ng klase. Mas gugustuhin ko pang uminom nalang ngayon. Tinext ko sila Justin at Kyle.. Hindi ko na tinext si Ken dahil panigurado galit sa akin iyon.
Hindi ko inexpect na manyayare ito. Hindi ko expect na malalaman niya. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Uminom lang ako ng uminom habang hinihintay sila Justin.
Gusto ko ng makausap si Trixie...
~~~~~
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed