At dahil happy si Author.... a very short update para sa inyo. Sana magustuhan niyo kahit short lang.-
--
-
-TRIXIE POV
Nagkulong lang ako sa kwarto dahil nakakainis. Nakakainis talaga. Huhu. Para akong timang na nagpapadyak at nagwawala dito sa kama ko.
Hindi ko mabuksan rp acc ko! Security Check at makailang beses ko ng tinry lahat ng pwedeng gawin, like i-identify mga friends ko or ienter yung email ko ayaw pa din. Nakakaasar. Anong trip ng nagreport sa akin?
Uwaahhh hindi ko mapigilan na maiyak. 2 years kong inalagaan yung account ko na yun tapos irereport nila? Ano ba problema nila? Hindi ko naman sila pinapakialamanan ah.
Hindi muna ako gumawa ng bago dahil naisip ko din na baka sign na ito para talikuran ko muna ang rp. Panandalian lang naman. Kapag nabored na talaga ako at hindi ko na kaya, duon nalang ako babalik ulit.
Tumayo ako at naglakad ng dahan dahan pababa. Sinilip ko ang sala at kusina at yes clear. Wala siya kaya bumaba ako at maghanap ng makakain. The hell ang hirap ng ganito, kame lang dalawa sa bahay. Paano ba naman kase nagpunta ng manila sila mommy tita at daddy, matatagalan daw sila dahil baka hintayin nalang daw na manganak si mommy tita bago umuwe. So ano yun 1 month kame magkasama sa iisang bahay.
"Ay anak ng kabayo" Nagulat ako dahil nakatago lang pala siya dito sa kusina at ang sama ng tingin sa akin at naka cross arms pa. Napalunok ako at aakyat na sana sa taas ng bigla siyang tumayo at sa isang kurap ay nakakulong na ako sa mga bisig niya.
"Bakit hindi ka bumababa? Bakit ka ba umiiwas?!" Nanggigil na tanong niya. Yung mga mata niya, bakit ganun ang nakikita ko sa mga mata niya.. Bakit malungkot siya.... Naninikip na naman ang mga dibdib ko... Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong yakapin nang mahigpit...
Isang yakap..
Isang yakap na sapat para madama ko ang kalituhan. Bakit siya nagkakaganito.
"Please.. please wag mo na akong pahirapan pa. Hirap na hirap ako sa ganitong sitwasyon."
Bulong nito sa akin dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko. Pinakawalan niya ako sa yakap at dumiretso siya sa dinning table at inalis ang takip ng mga plato.
"Nagsearch ako kung paano magluto ng ganito. Sana magustuhan mo ang lasa"
Lumapit ako at tinignan kung ano ang niluto niya. Carbonara.
"Natikman mo na ba yan?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya at yumuko. Kumuha ako ng tinidor at tinikman ito.
Napapikit ako...
Dahil sa....
Sobrang alat! Ang alat!
"Nagsearch ka ba talaga? I mean sinunod mo ba yung steps and ingredients?"
Nagkibit balikat siya.
"Ano? Masarap ba?"
Kumuha ako sa tinidor at akmang isusubo sa kanya. Nang... napatitig siya sa akin unti unti kong napagtanto kung ano ang ginawa ko. Kaya...
"Tikman mo. Nang malaman mo"
Sabi ko at binigay sa kanya yung tinidor. Hinawakan naman niya ito at dahan dahan na isinubo ito. Nakita ko ang reaksyon ng mukha niya na para alat na alat din sa luto niya. Tinaasan ko siya ng kilay na waring nagtatanong kung ano sa tingin niya ang lasa ng luto niya.
"Ma... maalat"
"Sino ba kaseng nagluto niyan?"
"A.. ako"
"Bakit nauutal ka?"
"Nakakahiya kase"
"Di bale na" Sabi ko at nilagpasan siya. Bakit kinakausap ko na naman siya? Bakit ganun? Isang yakap lang niya parang comportable na ako sa kanya. Parang...
Girls are not so precious to treat like a gem
Napapikit ako ng maalala ko ang masakit na salita na kapatid ni Chen kuno.
At sa isang iglap.. Naging cold na naman ako sa kanya. Sa isang iglap hindi ko na naman siya makausap. Hindi ko na naman kaya na tignan siya.
Matapos kong magluto ay hinapag ko na sa kanya iyon. Kumain akong kasabay siya pero binilisan ko ang pagkain ko, para matapos akong kaagad. Parang nakukulob kase ako at hindi ako makahinga kapag kasama ko siya.
"Ituring mo sana ako na parang totoong kuya mo Trix. Yun lang ang hinihingi ko"
Yan ang sinabi niya ng akmang tatayo na ako. Hindi ko na kaya.. kailangan ko ng sabihin sa kanya lahat para maintindihan niya ako kung bakit ilang ako sa kanya. Padabog akong umupo at tinakpan ang mukha ko, dahil kaagad ng bumagsak ang mga luha ko.
"Ang hirap kase... ang hirap kase... sobra... kpop ka diba? So alam mo yung rp. May nakilala kase ako.. Chen ang bias niya. Minahal ko siya at mahal ko pa rin siya. It so happen na ginamit ng taong iyon ang mukha mo. Ang pagkatao mo. Kaya ito ako ngayon ilang sayo"
Sabi ko. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan siya..
"Kaya sorry kung ganito ako sayo. Sorry talaga"
"Ah.. ahmm.. Kaya pala.. Sige naiintindihan ko.. Hihintayin ko nalang na maging komportable ka sa akin"
Ngumiti ako sa kanya. Tumayo ako at niyakap siya.
"Salamat"
Tinap niya ang ulo ko.
-----
Bigyan ko na ba ng POV si Matthew?
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed