TRIXIE POV
*3 days before the birthday*
"Hannah. Lets talk" sabi ko at umupo sa tabi niya. Seryoso siyang nagbabasa sa pocket book niya. "I know that I'm stupid but please tanggapin mo na sorry ko. Ginawa ko na yung gusto mo. Inamin ko na kay Nana ang lahat. At sinabi ko na din kay Chen na wag na namin ituloy ang pagpapanggap. Hindi ko na hinintay ang reply ni Chen at nagdeact na ako... Sorry talaga Hannah" Kahit kailan talaga iyakin ako. Ito ako ngayon iyak ng iyak sa harapan niya. Tinignan niya ako.
"Tapos ka na ba sa sinasabi mo?" Nagulat ako ng ganun ang sabihin niya. Diba dapat hindi na siya galit?
"Ano pa bang dapat kong gawin para---"
"Hindi mo dapat ginawa yun para hindi na ako magalit sayo. Dapat ginawa mo ang bagay na iyon dahil alam mong mali ka sa pagpasok doon" seryoso niyang sabi. Alam ko naman na mali talaga ako. Ay oo din ginaw ako yon dahil ayaw ko ng nagagalit sa akin si Hannah. Yumuko ako.
"I'm sorry.. Pero Hannah trust me... Umalis ako dahil alam kong mali ako... And gusto ko na din ng space sa paga-rp ko. Ayaw kong lamunin ulit ng sistema ng rp ang sarili ko. Ayaw kong makulong sa rp" umiiyak kong sabi. Dapat nuon palang lumayo na ako sa rp... Kaso hindi ko alam bakit pabalik balik ako doon. Kaya kailangan kong pigilan ang sarili ko sa pagbalik doon. Binigay ko sakanya yung invitation card para sa birthday ko.
"Sana makapunta ka... Aasahan kita duon. Tsaka isa ka sa 16 candles... sorry ulit" yun nalang ang nasabi ko at umalis na. Kapag kausap ko siya, kapag gusto ko magexplain. Nakakalimutan ko lahat ng gusto kong sabihin.
"Trixie sandali" humarap ako sa kanya. Nginitian niya ako at lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako tapos hinarap niya ako.
"Syempre pupunta ako. Papalagpasin ko ba ang birthday ng best friend ko?" Sa sobrang tuwa ako napayakap ako sa kanya at umiyak. Kaya nga love na love ko 'tong si Hannah eh. Kiniss ko siya sa cheeks at siya naman mukhang diring diri..
"Thanks Hannah." Masaya kong sabi.
"Wow bati na sila! Sama naman ako diyan!" Biglang singit ni Florence at nakiyakap sa amin. "It's wednesdate mga bebi! Labas tayo!" Oo nga pala, Wednesday ngayon. Namiss ko na yung dati.
"Call ako diyan. Ikaw Hannah call ka ba?"
"Ofcourse! Call na call!" Sabi niya. Kinuha namin ang bag namin at sabay sabay kameng lumabas. Pagkalabas namin nakita namin kaagad si Ken.
"Ken!" Tawag ko sakanya at nilapitan siya. "Lalabas muna kame ah. Un--"
"Isama na natin siya Trix. Para na rin naman namin siyang kuya" nabibigla nalang ako sa mga sinasabi ni Hannah. Ngumiti lang ako kay Ken at kinuha niya ang bag ko.
"Ngayon ko lang nalaman na totoo pa lang may himala" bulong sa akin ni Ken. Napatawa ako ng kaunti at siniko siya.
"Sabi naman kase sayo. Mabait siya kahit pa paano" bulong ko din na ikinatawa niya din ng kaunti.
"Si Fredric oh!" Sabi ni Flo. Naharap kame sa rightside namin. Nilapitan kame ni Fredric at inabot niya kay Hannah yung malaking paper bag. Mukhang teddy bear pa yata ang laman. Ngumiti ito at nagwave ng good bye sa amin.
Binangga ni Florence si Hannah gamit ang balakang niya.
"So Kailan mo balak sagutin ah?"
Tanong namin ni Flo. Ngumiti siya."Sa September 15"
Nagkatinginan kame ni Flo at tumili.
"Kyaaahhh next month na yun ah!"
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed