Hannah POV
Napahawak ako sa ulo ko ng magising ako. Kanino kwarto 'to?
Ano bang nanyare?
Pumikit ako at sinubukang alalahanin ang nanyare kahit na sobrang sakit ng ulo ko.
"Aaahhhh" natili ako sa sakit sabay hawak sa ulo ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil nga masakit talaga.
"Hannah Babe. Gising ka na. Okay ka na ba?" Napatingin ako kay Fred na nakaupo na ngayon sa tabi ko ng paharap sa akin. Hawak niya ang likod ko at ang isanh kamay naman niya ay na sa kamay ko.
Alalang alala siya at mahahalata mo iyon sa mga mata niya. Niyakap ko siya at duon ay umiyak ako. Hindi ko kase kaya, hindi ko alam pero parang ang sakit pa rin kase, kahapon ko pa naiisip yon e, ayaw ko lang tanggapin dahil hindi ko kaya.
Hindi ko kayang tanggapin na affected pa rin ako kay Jaybee. Na hanggang ngayon may konting pagtingin pa ako sa kanya. At sa ganoon, feeling ko niloloko ko si Fred. Feeling ko I'm cheating on him. Ang sama ko.
"Hannah.. ano ba ang masakit sayo? Dalhin na ba kita sa hospital? Ano ba kase pinanggagawa mo habang wala ako ah" hinahaplos haplos niya lang ang likod ko.
"Fred. Kain na daw ng makauwe na kayo" nabigla kame sa biglang pumasok sa kwarto. Nagkasalubong ulit ang tingin namin at nakatingin lang siya sa akin. Tingin na parang nagmama-kaawa. Hindi ko alam pero hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Napawi lang iyon ng magsalita si Fred.
"Susunod kame" sabi nito. Tumingin ako kay Fred at ganoon din siya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. Hinalikan niya ako sa noo. "Kain na tayo tapos---"
"Fred. Uwe nalang tayo" sabi ko at nagpuppy eyes.
"Pero hindi ka pa kumakain"
"Sa labas nalang tayo kumain please." Huminga siya ng malalim at tumango.
"Sige. Magpaalam nalang tayo kay Granny" sabi niya at tumayo sa kama. Inalalayan niya akong tumayo. Nakaalalay ang kamay niya sa likod ko. "Granny" sabi nito at nagmano, ganoon din ako.
"Ok ka na ba apo?" Sabi nito at hinawakan ang leeg at noo ko. Tumango ako at ngumiti.
"Opo okay na po ako. Salamat po"
"Kumain na ba kayo? May pagkain sa baba. Kain na muna kayo"
"Hindi na po Granny. Baka hinahanap na din po kase si Hannah ng lola niya. Sa labas nalang po kame kakain"
"Ah ganoon ba? O sige mag-iingat kayo. Alagaan mo ang magandang dalaga na ito. Balik ka dito Hannah apo ah" tumango ako kasabay nun ang paghatak niya sa akin at niyakap ako.
"Opo" sambit ko.
"Sige na Granny alis na kame" nagmano kame ulit bago lumabas ng kwarto niya. Nagpaalam na din kame sa mga tito at tita niya pati na rin sa pinsan niya.
Ramdam na ramdam ko naman ang mga titig ni Jaybee sa akin.
Umalis na kame at habang nasa expressway kame at nag-stop-over muna kame sa fast food at since may pagka-galante yata ang boyfriend ko ngayon ay kumain kame sa Fortune's. Magdedate daw kame ana.
So yun ang aga aga T-bone steak ang kinain namin. Hindi lang iyon may pacake pa siya. Mga dalawang oras na din kame nandito at saka palang kame umuwe. Dadaan muna daw kame sa bahay nila dahil may kukuhanin daw siya.
YOU ARE READING
It's Just RPW
JugendliteraturFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed