Hannah POV
Sumilip ako sa bintana ko ng kaunti. Bakit wala pa kaya siya? Tss sabi na nga ba paasa lang yung lalake na 'yon eh.
Padabog kong kinuha ko yung bag ko. Kainis naman, ng dahil sa kanya baka malate pa ko tss. Dapat talaga hindi ko nalang siya hinintay kainis. Napadaan ako sa salamin ko at bumalik din kaagad doon at tinignan ang sarili ko.
Ang ganda ko talaga...
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba.
"Ma! Alis na ako ah!" Sigaw ko at lumabas kaagad. Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng magring ang phone ko.
Inis ko itong sinagot ng makita ko ang pangalan niya.
[Hi Hannah! Sorry hindi kita nasundo. Nandito ako sa school punta ka nalang sa gym]
"Tinatanong ko ba kung asan ka?" Pagsusungit ko.
[Ito naman. Ang aga aga nagsusungit ka na naman. Papangit ka niyan. Sige na please punta ka dito sa gym]
"Fine" sabi ko at pinatay na ang cellphone. Kainis talaga siya. Utusan ba naman ako?
Naglalakad na ako papunta ng gym. Wala naman daw si Sir sabi ni Trix. Dapat yata hindi na muna ako naniwala baka mamaya trip lang ako ni Trix.
Hindi ko maintindihan kung bakit botong boto sila Trix at Flo kay Fred eh ang yabang yabang naman.
"Hannah!" Ay palaka! Napatingin ako sa biglang sumulpot. Tinignan ko ito ng masama. May inabot siya sa akin na kaagad namang nagpabago ng mood ko. Isang bouquet of flowers at heart shape na box ng ferrero.
Ewan ko pero bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero gusto ko ba talaga siya o baka kaya ganito nalang ang nararamdaman ko sa kanya dahil kamukha niya si Jaybee(Warren). Lumunok ako at tinaasan siya ng kilay.
"Ano na naman ba 'to?" Ngumiti siya tapos may binigay pang teddy bears.
"Ilang buwan, at taon na ang nakalipas Hannah at nandito pa rin ako. Hannah please... Give me a chance to love you more. Mahal na mahal na talaga kita.. Hannah Pangilinan will you be my girlfriend"
Napatitig ako sa kanya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako dito.
"Makakaasa kang hinding hindi kita sasaktan... Hindi hindi ka iiyak. I will treat you like a princess. My princess my queen. Ikaw ang mundo ko Hannah and I can't live without you. I love you.. I love --"
"Oo"
Napatigil siya sa pagsasalita. Meski ako napatigil sa pagsasalita. Balak ko naman talagang sagutin siya ngayon eh. Hindi ko lang alam bakit napapaisip pa ako. Siya yung nandito at dapat hinding hindi ko siya kinukumpara kay Warren.
"Anong sinabi mo?" Parang hindi niya makapaniwalang sabi. Unti unti siyang lumapit sa akin. Matangkad si Fred pero para sa akin sakto lang dahil .3 inches lang naman ang tangkad niya sa akin.
"Bingi ka ba? Gusto mo bawi---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng yakapin niya ako.
"Finally! Yes! Sinagot niya na ako! Yes!" Ang higpit ng yakap niya sa akin at sigaw siya ng sigaw. Hinayaan ko nalang siya dahil ayaw ko naman na magsungit sa araw na naging kame.
Today is September 15 the day na naging kame.
Sinara ko ang journal ko matapos kong isulat ang nanyare kaninang umaga. Napangiti ako, hindi ko matago ang kakiligan ko. Mamaya maya pupunta dito si Fred para ipaalam kila Mama at Papa na kame na. Malamang at sa malamang matutuwa ang mga yon.
YOU ARE READING
It's Just RPW
Teen FictionFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed