Trixie POV
Masaya ako dahil naba-balance ko na yung time ko. Hindi na ako adik sa rpw
At ngayon andito ako, kasama si mommy tita. Malaki na kase ang tiyan niya eh at 2 months after niyang ipanganak ang baby ikakasal na sila. Isasabay saw sa binyag ni Baby Kristei Matt.Ano sa tingin niyo ang gender niya? Boy or Girl? Its a...
..
.
GIRL!!!
Yes its a girl. Haha.. Kahit na gusto ko ng baby boy its okay. Atleast may kapatid na ako.
Nagbake kame ni mommy tita ng cake, cookies at nagluto si mommy tita ng Carbonara.
Ngayon daw kase ang dating ni GabGab. Im so excited kase magkaka-ate na ako! Hihi.
*ding dong*
Nagkatinginan kame ni Mommy tita at nginitian ko siya.
"Ako na(po)" Sabay naming sabi ni mommy tita
"Ako na po" Sabi ko at binuksan ang pintuan. Ewan ko pero parang kinuryente ang buong katawan ko at nastock ang tingin ko sa kanya. Hindi ko magalaw ang mga paa ko.
Nakikita kong bumubuka ang bibig niya pero wala akong marinig.
Anong nanyare sa akin.
Bakit...
Bakit parang...
Bakit parang hindi niya ako kilala?
Bumalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni mommy tita at lagpasan niya ako. Pumasok siya sa bahay at ako ay nanatili sa pwesto ko.
"Trix" Tinap ni mommy tita ang braso ko kaya napaharap ako sa kanila.
"Si Gabgab nga pala" sabi ni mommy tita... Siya si gabgab? Pero...
Pero...
Pero akala ko ba babae si gabgab?
"Hi. Matt nalang itawag mo sa akin"
Yung mga mata niya. Tae bakit parang hindi man lang niya ako kilala. Totoo kaya? Baka poser lang niya ang naging ka rs ko...
Sabi kase ni mommy tita sikat si Gabgab.. so.... possibleng...
Possibleng poser lang si Kim Jong Dae na akala ko si Matthew..
"Baby.. hey" Nagsnap si mommy tita sa tapat ng mukha ko "Kinakausap ka ni Gabgab"
"Ah. HELLO... ahmm.. mommy tita.. Taas lang ako saglit" Paalam ko at nagmadaling umakyat sa taas. Yung puso ko..
Yung puso ko...
Yung puso ko ang bilis ng pintig... Hinabol ko ang hininga ko at tila ang pagod na pagod ako..
Bakit... Parang ang sakit...
Akala ko ba wala na? Napahawak ako sa puso ko dahil taeeeee seryoso parang hindi talaga ako makahinga. Naninikip ang mga dibdib ko...
Naiyak ako.. Bakit ganun? Akala ko ba ayos na ako? Dali dali akong nagbihis at nagpaalam kay mommy tita na pupunta ako kila Hannah para maki sleep over. Hindi ko kaya na makasama siya sa bahay.
Sabihin na natin na hindi talaga siya yung naka rs ko... nakaka awkward pa din kase yung mukha niya... yung alam kong pagkatao niya... minahal ko at mahal ko pa rin..
Pero paano? Paano ko malalagpasan yung awkwardness na 'to. Hanggang kailan?
"Hannah" Katok ko sa bahay nila pinagbuksan ako ng pinto no Tita Mercy at nagmano ako sa kanya "Hi po Tita. Si Hannah po?"
"Nako ayun nasa taas. Buong araw na dun."
"Ay ganun po ba. Puntahan ko po siya ah"
"Sige. Dito ka ba matutulog?"
"Opo sana tita. Marami po kameng paguusapan ni Hannah eh"
"Ah ganun ba? O sige, pasok ka na nak"
"Sige po salamat po" Sabi ko. Umakyat ako at nagpunta sa kwarto ni Hannah. Walang katok katok at pumasok nalang ako kaagad sa kwarto niya. Humiga ako sa kama napatingin naman siya sa akin.
Ok lang naman dahil sanay na siyang trespassing ako sa kwarto niya.
"Kachat mo siya?" Tanong ko at nagsalukbaba habang nakabaliktad na higa
"Huh? Sino?"
"Nako Hannah a.k.a. Piper to Hailey rp. Wag mo akong masino sino diyan. Don't me"
"Hayst oo na!" Sabi nito at tinapat sa akin ang cellphone niya. Natawa ako dahil nagblush ang chubby cheeks niya "Kain na daw ako" Sabi nito at nagpout
Kinuha ko yung unan niya at nagsabing
"Edi kayo ng sweet"
"Wow ah. Anong sweet dito?"
Tinignan ko siyang mabuti at kitang kita ko na nagti-twinkle ang mga mata niya. Ang saya niya.
"Ewan basta sweet"
"What? Ano na naman problema mo? Si Matthew na naman ba?"
Lumuha ako at kasabay nun ang pagupo ko.
"O bat umiiyak ka?"
"Bumalik na siya. Nasa bahay siya"
"O ano ngayon kung......
....
.....
....
Teka wait? Sinabi mo bang nasa bahay? NIYO?"
Tumango ako. Hindi ko mapigilan ang maiyak.
"Siya yung anak ni mommy tita"
"Mag kapatid kayo"
"By blood No.. By law? Soon"
"Shet. I can't.. Paano niyan?"
Nagkibit balikat ako
"Ewan ko din"
Hindi ko naman kase talaga alam ang gagawin
"Nako hindi naman pwedeng forever kang makikitulog dito noh"
"Mag dorm nalang kaya ako?"
"Sira ka ba. 15 ka palang tapos dorm?"
"Bakit? Pwede naman ah."
"Wala akong masabi kase.. hindi ko naman expect na babalik I mean may possibility pero hindi naman yung to the point na titira kayo sa isang bahay"
Napabusangot ako sa kadahilanang sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko alam ang gagawin.... Mahirap...
Yung akala mong okay ka na... Akala mo na wala na sayo..
Pero... Masakit pa rin pala...
--------
Very short update.
Have a bless and safe day.. today and tomorrow..

YOU ARE READING
It's Just RPW
Novela JuvenilFor Rp only Teen Fiction - Drama First Chapter: September 10, 2017 Last chapter: March 26, 2018 Completed