Written by WildestRebel
Umikot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Nasa National Museum ata ako sa dami ng paintings na nakasabit. May hinahanap yung nga mata ko. Baka may nakahubong lalaki sa painting pero wala. Sayang.
Ang kwarto ay mistulang hinalikan ng buhangin sa kulay nito na hinaluan ng kulay gintong pintura sa gilid.
"Ahem"
Nagbalik lamang ako sa ulirat nang marinig ang isang lalaking tinuyuan ng plema sa lalamunan.
"Goodmorning, Ms. Ramirez. Please have a seat." anya ng lalaking nakasalamin at pulang polo.
"Goodmorning, sir!" masigla kong bati.
Ang simple naman ng itsura nito. Siya na ba ang magiging boss ko? Mukha siyang matalino at mayaman pero he's not my type. Gusto ko kasi sa lalaki yung mukhang bad boy. Yung mukhang mananapak. Pero last time, mananapak gamit ang hininga ung nakita ko kaya nakipagbreak ako. Ilang beses kasi akong hinimatay nung nag-ano kami, di tuloy niya naipasok! Daks pa naman haaay!
"Ms. Ramirez? Baka matunaw ako sa titig mo. Pwede na ba tayong magsimula?" muli siyang tumikhim.
Ang simple ng buhok nya. Pang good boy na 2 x 3 ang gupit pero ang kinis niya. Tisoy naman dis boy!
"Pasensya na, sir! Aheheheh!" Nahihiya kong sinabi.
"Pasensya na rin dahil inantala ko ang malalim mong iniisip." sarkastiko niyang tugon.
Aba may attitude din pala kaya don't judge the book by its cover!
"I'm Andrew Saavedra, may-ari ng restaurant na ito and I'll be conducting your final interview." pakilala niya sa kanyang sarili habang titig na titig sa akin.
Binigyan ko siya ng matipid at plastic na ngiti.
"Tell me about yourself." dugtong pa niya.
Hindi ako makapag-isip nang maayos. Ihing-ihi na kasi ako! Pakiramdam ko tatlo na yung pumatak sa panty ko. Oo, nakapanty nga ako.
"I'm Stephanie Ramirez. May I go out?" wala ko sa sariling sinabi.
"What did you say?" halatang pinipigilan niya ang kanyang paghalakhak.
"Naiihi na kasi ako.. este.." Jusko naman Steph! Nakakahiya ka!
"I'm Stephanie Ramirez. I'm currently in my 4th year taking up Bachelor of Science in Business Administration at Andres Bonifacio University."
"Why did you choose to apply here?"
Paulit-ulit na umikot sa utak ko ung tanong. Wala naman kasi akong magandang isasagot. Pwede bang isagot na, trip ko lang. Bakit ba? Pakialam mo? HAHAHAHA!
"Because... "
Binuksan ko ung isang butones ng blouse ko. Gagamitin ko na ang kamandag ko para matanggap na ako!
"Ms. Ramirez, di mo ako madadaan sa ganyan. Alam kong maganda ka at sexy pero sorry.. you're not my type." dire-diretso niyang sinabi.Para akong binuhusan ng yelo. Nanigas ako sa pagkakaupo.
"Mainit kasi, Sir. Sira ata yung aircon niyo!" Naiinis kong tugon.
"Ms. Ramirez, wala akong oras para makipagbiruan. Itutuloy pa ba natin ang interview na ito?" nakangiti niyang reaksyon.
"Sir, nag-apply lang ako dito kasi trip ko. Joke! Gusto kong maexperience ang magtrabaho sa ganitong klase na resto at para pantulong na rin sa pag-aaral ko." napabuntong hininga ako sa sinabi ko.
"Ulila na kasi ako. Ako na lang ang tumutulong sa sarili ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral." pagpapatuloy ko habang pinupunasan ang ilang patak na luha sa aking pisngi.
Panay ang silip ko sa reaksyon niya habang nagpupunas ng luhang patuloy pa din sa pagpatak. Sana pala sa ABS-CBN o GMA na lang ako nag-apply. Okay lang sakin kung makakapartner ko si Xander Ford at Jake Xyrus basta ba ilalagay ako sa kasaysayan ng Pilipinas. Chos!
-----------------------------------------------------------
Yow yow yow! I hope nag-eenjoy kayo sa pagbabasa. HAHAHAHA! Open ako for comments and suggestions.
Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...