Written by WildestRebel
Kagagaling ko lang ng banyo pero naiihi na naman ako. May sakit na yata ako sa pantog. Di bale na nga, pupunta na lang ako sa clinic ni Dr. Higop para magpacheck-up. Oo, para lang magpacheck-up. Wag kayong ano. Hahahahaha!
Nilakihan ko pa ang aking mga hakbang patungo sa opisina ni Mr. Saavedra. Mukha tuloy akong tanga pero kiber. Maganda naman. Ang pumalag hahampasin ko ng kaldero. Go!
*tok tok tok*
Lumikha ng ingay ang sunod-sunod na pagdikit ng kamao ko sa pintuan ng opisina niya.
"Come in." pag-anyaya pa. Agad naman akong pumasok sa loob at nakita ko si Verna na ngingisi-ngisi. Punyetang Ursula 'to. Paglabas natin, kawali ayy hindi! Stove naman ang ihahampas ko sayo! Arrrrgh!
"Ano ho yun?" nakayuko kong tanong kay Mr. Saavedra na napatayo naman sa kanyang kinauupuan.
Seryoso itong nakatingin sa'kin. "Humingi ka ng sorry kay Verna. Ayoko ng may di pagkakaunawaan sa mga empleyado ko. Nakita mo naman yung ginawa mo? Halos pumutok na ang nguso niya sa kalderong hinampas mo!" bulyaw niya at agad napatingin sa kaawa-awang sitwasyon ni Verna.
Napangisi naman ito nang tinanggal ni Mr. Saavedra ang pagkakatitig dito.
Napaismid naman ako. "Ganyan na talaga ang nguso niyan, noh?!" pang-aasar ko naman na agad nagpakunot sa noo ni Mr. Saavedra.
"Ah.. eh.. Sorry Verna. Hindi ko naman sinasadyang ihampas sayo ang kaldero." dagdag ko pa habang nakanguso.
"Anong hindi sinasadya?!" napatayo na lamang ang gaga sa sobrang inis. "Nakikita mo 'tong labi ko? Paano na ako makakapaglipstick nito?" tanong pa niya habang nakapameywang.
Napabuntong hininga naman ako at humugot ng mga salitang kailangan niyang marinig. "Kung sinadya ko 'yan, baka wala tayo rito! Baka sa ospital tayo nag-uusap ngayon!" sigaw ko naman na agad nagpangiwi kay Mr. Saavedra.
"Steph! Verna!" Sigaw niya. "Nandito kayo ngayon para magkaayos!" utos pa niya.
Shuta naman daming drama. Nakakainis naman si Author! Dumarami ang eksena ni Verna, kaurat baka mawalan tayo ng readers niyan!
"Sir?!" nanlaki ang mga mata ko habang winawagayway ang buhok ko. "Sinabunutan niya ako! Nabawasan ng 20 na hibla ang buhok ko!" sumimangot ako na parang batang inagawan ng kendi. "Kailangan ko siyang kalbuhin para magkaayos kami." huling hirit ko pa habang nakapameywang na rin.
Agad na napaatras si Verna at pumagitna naman sa'min si Mr. Saavedra.
"Joke lang!" natatawa ko namang sigaw habang nakahawak sa aking tiyan.
"Ha-ha-ha-ha!" pekeng tawa naman ni Verna na halatang natatakot. "Sige na nga sir, bati na kami." napilitan na lang siya. Siguro ayaw niyang makalbo. Hindi na niya magiging kamukha si Ursula pag nagkataon! Squidward na siya mga bes.
"Oh. Sir? Bati na raw kami." sabi ko naman kay Mr. Saavedra habang nakangiti.
Napahinto naman ang kanyang tingin sa aking mga labi. Nagandahan ata sa ngiti ko.
"Bakit ka nga pala may kaldero, Ms. Ramirez? Rice cooker na ang gamit natin." nagtataka siya habang hawak-hawak ang kalderong pinanghampas ko kay Ursula.
"Sayang naman po kasi kung yung rice cooker ang ipanghahampas ko sa mukha niya." magalang ko namang sagot pagkatapos ay kinuha sa kanyang kamay ang kaldero. "Galing 'to sa bahay, Sir. Akin yan." dagdag ko pa.
Napabuntong-hininga naman si Mr. Saavedra. "Sige, Steph.."
"Bumalik ka na sa trabaho!" ako na ang nagtuloy dahil alam ko naman na ang sasabihin niya.
Agad naman siyang natawa. Parang hindi siya ang boss ko kapag tumatawa siya. Ngumingiti rin ang kanyang mga mata, napakatotoo ng kanyang reaksyon. Ang sarap niyang titigan.
"Steph?" tawag naman niya na agad nagpabalik sa'kin sa ulirat. "Wag ka ngang matulala sa'kin, type mo ba ako?" pagbibiro pa niya.
"Hindi kita type noh!" sigaw ko pa pero maya-maya ay natawa na rin. Kumaway na ako sa kanila para magpaalam. Hindi man lang ako pinansin ni Verna. Akala ko ba bati na kami? Plastic. Lagi ko na lang dadalhin 'tong kaldero para lagi akong handa. Ako ang pinakamagandang girl scout noon. Duh?!
Tinatahak ko na ngayon ang kahabaan ng hallway nang biglang..
*poof*
Napuno ng usok ang paligid.
Bigla na namang sumulpot si Ms. Minchin. Marunong yata ito sa dark magic kaya pati kili-kili niya dark. Oops.
Kaya pala may usok e may dala-dala siyang sizzling plate na may lamang sisig. Gutom na si Author kaya naisingit pa.
"Ms. Ramirez, tara kain." nakangiti niyang pag-anyaya.
Kumalam ang sikmura ni Author este sikmura ko. Palibhasa puro leche flan lang ang kinain ko kanina!
"Salamat na lang, Ms. Janeth!" tugon ko kasabay ng pagsulyap sa masarap na sisig.
Kailangan ko nang bumalik sa restaurant, tiyak na marami na ang customers ngayon atsaka miss ko na rin si Luke e. Siya na lang kakainin ko! Ahihihi!
Napahinto ako sa gilid ng daan nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan..
Kulay pula ito at mukhang mamahalin..
Hindi pwede 'to..
Agad na umandar ang kotse. Hindi ako napansin ng nasa loob nito.
"Mabuti naman at umalis na." bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.
-----------------------------------------------------------
Uyyyyy! May malaking utang ba 'to si Steph at may mga taong ayaw siyang makita o ex niya yun na kanyang pinagtataguan? Sino kaya 'yun?
Abangaaaaaan! Yayyy!
Guys! Salamat sa inyong pagbabasa!
Mwaaaa!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...