Kabanata 17

23 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Tik tik tik tik tik tik

Lumikha ng tunog ang kulay itim kong sapatos na may dalawang pulgadang takong nang baybayin ko ang daan patungo sa opisina ni Mr. Saavedra.

Tik tik tik tik tik tik

Itinigil ko na ang paglalakad pero patuloy ko pa ring naririnig ang tunog. Saan kaya nanggagaling yun?

Tila tunog na likha ng isang butiki.

Napagtanto kong sa likuran ko nanggaling ang kakaibang tunog kaya nilingon ko ito.

"Good afternoon, Ms. Ramirez!" bati ni Ms. Minchin este sekretarya ni Mr. Saavedra.

"Good afternoon rin, Ma'am!" masaya ko namang bati. "Pinaglihi po ba kayo sa butiki o sa tiktik?" dagdag ko pa.

"Bakit?!" pasungit niyang tanong habang nakataas ang kilay.

"Ah.. wala.. wala!" pag-iiba ko naman ng usapan na lalong nagpangiwi sa mukha niya.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko nang mga oras na iyon. May hinahanap ang aking mga mata. Sino? Ano?

"Good afternoon, Ms. Ramirez! Handa ka na bang malosyang simula sa araw na ito?" boses yun ni Mr. Saavedra kaya napalingon ako sa gawi niya.

Nakangiti siya at may kakaiba sa awra niya. Bagay sa kanya ang kulay puting long sleeves at pulang kurbata. Pero.. pero.. Hindi ko pa rin siya type noh!

Nginitian ko rin siya, "Good afternoon din, Mr. Saavedra!"

Hindi pa rin matinag ang pagkakatitig niya sakin. May dumi kaya ako sa mukha?

"Janeth, ihatid mo na si Ms. Ramirez sa restaurant." utos naman niya sa kanyang sekretarya na kanina pa naglalaway sa kanya.

Gwapong-gwapo ang pagkakatitig ng malanding sekretarya. Hindi ko makita kung ano bang nagustuhan nito sa boss namin.

"Okay po." sagot maman niya habang tatango-tango ang ulo.

Iba kasi ang opisina ni Mr. Saavedra sa mismong resto. Bale nasa katabing establishment lang naman ito.

Chef Andrew

Hindi ko naiwasang hindi makita ang napakalaki at kapansin-pansing pangalan sa bandang taas. Kulay pula ang font color nito at may disenyong kutsara't tinidor sa magkabilang gilid.

"Ms. Ramirez?" agad akong nahimasmasan sa pagtawag sakin ni Ms. Minchin este ni Ms. Janeth.

Agad naman siyang pumasok sa loob at muling tumingin sa maganda kong mukha na nangangahulugang sumunod na ako sa kanya.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ramdam ko na hindi pala ito fastfood resto lang dahil sobrang sosyal at naglalakiha ang mga chandelier dito mas malaki pa ata sa tao. Kung mayaman ako, hindi ako kakain dito. Hello? Baka mabagsakan ako ayoko pang matsugi. Thank God at hindi ako mayaman.

Tinignan ko ang mga taong nakaupo sa mala-tronong mga upuan. Mas mahal pa ata ang isang upuan kaysa sa pagkatao ko. Hindi lang basta-basta tao ang mga nakita ko kasi yung iba hindi mo aakalaing tao sa dami ng alahas sa katawan. Nagmistulang nagpatayo na ng mala-gintong monumento, e hindi pa nga natsutsugi. Ganoon ba talaga pag mayaman?

Sinenyasan ako ni Ms. Minchin na sumunod sa kanya, pagbabalatin na ata ako ng patatas! Yayy!

"Ipapakilala kita sa mga makakatrabaho mo." anya habang ngingiti-ngiting masasabi mong may ibang kahulugan.

Agad na sumalubong sa amin ang isang babaeng hindi naman mukhang barbie pero masasabi mong plastic. Ang taray ng awra nito nang titigan ako pero bigla rin namang ngumiti nang batiin si Ms. Minchin.

Sipsip.

"Good afternoon, Ms. Janeth!" nakangiting bati niya kay Ms. Minchin. Mukha siyang kontrabida sa mga palabas. Kontrabidang mukhang inggitera na sisiraan ka sa magiging boss mo. Paulit-ulit na lang kasi mga teleserye natin dito. Diba?

"Magandang hapon sa inyong lahat! Siya si Steph, ang bagong makakasama ninyo rito. Kayo na ang bahala sa kanya." ngingisi-ngising sabi ni Ms. Minchin.

Bigla akong kinabahan sa talas ng kanilang pagtitig mula sa aking ulo hanggang sa paa. Nang bigla na lang nagliwanag ang kanilang mukha. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita nila sa likod ko. Maging ang ekspresyon ni Ms. Minchin ay gulat na gulat rin.

"Good afternoon everyone! Dito na rin ako magttrabaho!" anya ng tinig sa likuran ko.

"Luke????" Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko.

Ang hot talaga niya kahit naka-simpleng white tshirt at ragged pants lang siya!

"Good afternoon, Mr. Buenavidez!" masiglang bati sa kanya ng mga crew at ni Ms. Janeth.

Halos tumulo na ang laway ni Ursula, ang atribidang crew.

Lumapit sa akin si Luke at hinawakan ang kaliwang balikat ko.

"Hi Steph!" nakangiti siya habang nakatitig sa akin. "Sasamahan na kita simula sa araw na ito!" dagdag pa niya.

What?? Sasamahan daw niya ako sa hirap at ginhawa? Hahahahaha!

Mas lalong dumilim ang tingin ng mga babaeng crew sa akin lalo na si Ursula. Parang anytime lalabas na ang mga galamay niya at gagawin ko na siyang calamares.

"P-pero b-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya.

Binigyan niya na naman ako ng isang pamatay na ngiti.

"Kasi ayoko nang mawala ka pa sa paningin ko." maikli niyang sagot.

Nalaglag naman ang panty ko sa mga narinig ko. Papalitan ko na lang 'to ng garter pagdating ko sa bahay! Maluwag na e! Hahahahaha!

Napansin ko ang isang presensya ng lalaki sa bandang gilid ko. Nakita kong seryosong-seryoso ang mukha ni Mr. Saavedra.

Bakit na naman ba?

-----------------------------------------------------------

Ano na naman kaya ang nasa isipan ni Mr. Saavedra? Hmmmmmm!

Maraming salamat sa pagbabasa!

Guys, keep on voting! labyu!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon