Kabanata 9

40 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Andrei's POV

Mag-iisang oras na rin simula nang magpaalam siya ngunit hindi pa rin naaalis ang halimuyak ng kanyang pabango sa loob ng silid. Amoy sariwang rosas.

Oo, maganda at sexy si Ms. Ramirez pero hindi siya yung tipo kong babae.

"Ginagawa ko lang 'to kasi.." pagbuntong-hininga ko habang tinitignan ang medical records ni Steph.

"Excuse me, Dr. Andrei. Hinahanap po kayo ng kapatid mo." pagsabat ng aking sekretarya.

"Sige. Papasukin mo." maikling utos ko naman.

Maya-maya ay narinig ko na ang pamilyar na mga yabag.

"Hi Kuya! Are you busy?" masiglang bati ng aking nakababatang kapatid.

Nakababatang kapatid pero nakakalamang sa lahat ng bagay. Nanliliit ako tuwing nakikita ko siya. Hindi naman ako galit sa kanya sadyang.. masaya lang ako pag nakukuha rin ang mga bagay na mayroon siya.

"Hi Andrew!" nakangiti ko ring bati habang inaayos ang mga papeles sa lamesa.

"Kuya, nakita ko ung magiging empleyado ko palabas ng clinic mo." nagtataka niyang sabi.

"Oo. Dito nga siya nagpa-medical. Nakita ko nga na galing yung requirements niya sa restaurant mo." sagot ko naman.

"So.. kamusta? May sakit ba 'yun? May sakit sa utak?" pagbibiro naman niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin yung makulit na Andrew na nakilala ko.

"Maganda naman ang results niya. Parang siya." matipid kong sagot.

"Ano namang masasabi mo sa kanya? Para siyang may saltik, diba?" pag-iintriga niya.

"Malambot ang labi niya." nakangiti kong sagot habang nakatitig sa kanya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ilang segundo rin bago siya bumalik sa dati. Maya-maya, isang malakas na halakhak ang narinig ko magmula sa kanya.

"Hindi ka pa rin nagbabago, kuya! Babaero ka pa rin." bulong pa niya.

"Pero ingat ka. Baka bigla ka na lang mahulog sa alam mo na ngang maling tao." dagdag pa niya.

Oo. Alam kong ang mga babaeng katulad ni Steph, ang hindi kayang magseryoso at hindi rin naman dapat seryosohin.

"Sige mag-iingat ako. Katulad ng ginagawa mo." simple ngunit mga makabuluhang salitang binitawan ko.

Kitang-kita ang pagkabigla niya sa mga sinabi ko.

"May dinner daw tayo mamaya. Mom and Dad will be there. Sana makasama ka. Doon sa restaurant ko ha." pag-iiba niya naman ng topic.

"Ayan lang ba ang ipinunta mo rito? Wala ka bang dalang pasalubong?" pagpapagaan ko naman sa usapan.

"Next time kuya, magdadala ako ng balut na kwek-kwek at strawberry fries." sigaw niya habang papalabas na ng pintuan.

"Condom na lang!" pahabol ko.

Siraulo talaga. Strawberry fries? (Gusto na kasing matikman ni Author ung bagong fries ng Jollibee. Yayy)

Hindi talaga ako nagsusuot ng condom. Mas masarap kasi 'pag wala. Diba?

Magkaiba kami ni Andrew. Babaero ako siya naman walang panahon sa mga babae. Parehas kaming habulin pero ako lang ang pumapatol kaso hindi naman nagseseryoso. Iisa lang ang pagkakaparehas namin. Ayaw namin makipagrelasyon. Ayaw namin ma-fall.. wala kaming panahon makaranas ng pag-ibig.

Trabaho. Babae. Trabaho.

Diyan lang umiikot ang mundo ko.

I'm Dr. Andrei Saavedra. Ang panganay na anak ng mag-asawang elitista. Kilala ang pamilya namin dahil pinasok na rin namin ang politika. Bukod pa 'dun ay may-ari rin kami ng hospital, school at ilang restaurants.

Nakukuha ko lahat ng gusto ko.

At alam kong makukuha ko rin siya.

"You'll be mine, Steph." bulong ko sa sarili ko habang nakakuyom ang dalawang kamao.

-----------------------------------------------------------

Shutangina Doc! Walang sayo! HAHAHA! Imberna ng very very light halika dito Doc, angkinin mo na lang din ako!

Mahuhulog kaya si Doc sa sarili niyang bitag?

Hahabaan ko na sa mga susunod na chapters.

Keep on voting guys!

Thank youuuuu!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon