Kabanata 23

33 5 0
                                    

Written by WildestRebel

Hindi pa rin ako mapakali. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa aking katawan. Pero matinding galit ang nananaig sa'kin. Bumalik sila... imposible namang dahil sa'kin...

Kung ganoon man ang dahilan..

Hindi pa ako handa na muli silang makita.

Napabuntong-hininga ako sa bigat ng aking nararamdaman. Unti-unting pumapatak ang mga luhang kanina pa nais kumawala.

"Steph?" nag-aalala ang tono ng boses niya. "Anong nangyari?" agad kong hinarap ang nahihiwagaang si Luke.

Nanginig ang ekspresyon ng mukha niya nang makita akong umiiyak. Agad niya akong niyakap...

"Ayos lang ako, Luke." pinilit kong ngumiti para mabawasan ang tensyon sa aming dalawa.

"Ganyan naman kayong mga babae, sinasabi ninyong ayos lang kayo kahit hindi naman talaga." tama nga si Luke. Sinasabi lang talaga namin yun para hindi na humaba pa ang drama.

Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya.. "Huwag ka nang mag-alala pa, Luke." agad ko siyang binigyan ng matipid na ngiti.

Nag-aalangang ngumiti si Luke. Maya-maya ay tumalikod ito. "Anong ginawa sayo ni Andrew?" nakakuyom ang dalawang kamao nito.

"Ah.. wala! Hindi siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak.." pagkontra ko naman sa paghihinala niya.

Muli niya akong hinarap. "Anong dahilan, Steph?" puno pa rin ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Nadulas ako sa labas. Ang sakit nga ng pwet ko, Luke. Tignan mo nga kung may sugat." hindi kapani-paniwalang dahilan ko naman.

Napabuntong-hininga na lamang si Luke. Hindi pa rin siya kumbinsido pero agad naman niyang sinakyan ang trip ko. Siguro alam niya na ayaw ko talagang sabihin ang dahilan.

"Anong gusto mo? I'll cook anything for you.. just to make you feel better." nakangiti niyang tanong.

Ayaw niya talagang tignan ang pwet ko. Di bale na nga! Hahahahaha!

"Sisig." maikli ko namang sagot.

Agad naman siyang natawa. Napansin kong may mga dumating na customers kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at dali-daling humarap sa mga ito.

"Hi miss! Bago ka lang ba dito? May dahilan na pala para lagi kaming kumain dito." tanong ng isang lalaking mukha namang kasing-edad ko lang pero mababakas mo dito na laki ito sa luho.

Natawa naman ang dalawa niyang kasama at nag-apir pa silang tatlo. "Ang cute mo." dagdag pa ng isa.

Kinindatan ko naman si kuyang nagtanong sa'kin kanina. "Yup! Bago lang ako dito." sagot ko naman.

Dapat dagdagan ni Mr. Saavedra ang sahod ko tutal dahil sa'kin kaya babalik ang mga kumakain dito. Ahihihihi!

Hindi pa rin nila maalis ang pagkakatitig nila sa'kin. Agad naman akong ngumiti. "So.. ano pong order ninyo?"

"Pwede bang ikaw na lang?" natatawang sabi naman nung isang medyo bad boy. May hikaw ito sa kanang tainga at tattoo ng dragon naman sa kaliwang braso.

Agad naman akong natawa sa request nito.

"Umayos nga kayo!" Sabat naman nung unang nagtanong sa'kin. "Naaabala natin si Miss.." agad niyang binasa ang nameplate ko.. "Ms. Steph." dagdag pa niya.

Nagbigay na sila ng kani-kanilang mga orders at pagkatapos ay nagtungo na ako sa kitchen.

"Steph, kumain ka na." nakangiti naman si Luke habang hinahanda ang sisig ko.

"Wow!" nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita. "Salamat, Luke!" dagdag ko pa. Dali-dali kong ninakawan ng halik si Luke sa magkabilang pisngi nito.

Ang landi ko? Ikr!

Napangiti agad ito sa ginawa ko. "Luke, eto yung mga orders." abot ko sa kanya ng isang maliit na papel.

"Alright!" tugon naman niya pagkatapos ay dali-dali nang sinimulan ang pagluluto.

Halos mabulunan na ako. Parang isang linggo akong hindi pinakain. Shutaness. Naubos ko naman agad ang pagkain na ikinagulat ni Luke. "Babae ka ba talaga?" tanong pa niya habang natatawa. Maghuhubad na sana ako para patunayan sa kanya pero agad niya akong pinigilan. "Steph!" sambit pa niya na agad nagpahalakhak sa'kin.

Napalingon ako sa mga customers na pumasok sa restaurant..

Tama nga ang hinala ko na sa kanila yung nakita kong sasakyan kanina..

Masaya na ako na wala kayo.. bakit kailangan niyo pang bumalik dito sa Pilipinas...? Business?

"Imposible naman na dahil sa'kin." may halong pait ang tawa ko sa mga naiisip ko. Napailing ako habang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko na baka nga dahil sa'kin?

Nanginig naman ang kalamnan ko habang tinititigan sila na naglalakad papunta sa isang table..

Gusto ko silang puntahan pero hindi ko man lang maihakbang ang mga paa ko. Nanigas na ako sa kinatatayuan. Marahil ang pagsusumamo kong mayakap sila ay pinipigilan ng matinding galit.

"Mama.. Papa.." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa direksyon nila.

-----------------------------------------------------------

Hi guys! Pasensya na kung wala masyadong kalog moments sa chapter na 'to. Drama daw muna HAHAHA!

Ano na kayang gagawin ni Steph? Bakit ba matindi na lamang ang galit niya sa kanyang mga magulang? Abangaaaaaaaaan~

Salamat sa pagbabasa! Keep on voting! Mwaaaa!

♡♡♡♡♡

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon