Kabanata 8

45 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Naghihintay ako ngayon ng jeep sa may bandang kanto namin nang makaamoy ako ng..

"Isaw!" sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata kasabay ng pagkalam ng sikmura.

Madalas akong pagtawanan ng mga kaibigan ko. Hindi kasi ako kumakain ng pwet ng manok kasi labasan ng poopoo pero mahilig ako sa isaw na imbakan din naman ng *toot*

"Pagbilan ng dalawa, Manong." sabay abot ng bayad ko.

"Pumili ka na lang diyan ng sawsawan. Bukod sa suka e may cheese, sour cream at barbecue flavor 'jan." nakangiting sabi ni Manong.

Shuta may mga saltik talaga 'tong mga kapitbahay ko. Pero kung may nagbabasa nga dito na mga negosyante, pwede kayong kumuha ng mga business ideas sa istoryang ito e kung may saltik lang din naman kayo.

"Baka may strawberry flavor din kayong sawsawan, manong? tutal nasa tapat lang din naman kayo ng Jollibee at may bago silang inilabas na strawberry fries." pang-aasar ko naman.

Sinawsaw ko na lamang sa suka at kinain habang nag-aantay ng masasakyan.

"Puno lahat ng dumadaan na jeep. Yung isang jeep umaandar ng walang driver. Paano kaya yun?" pagtataka ko naman.

Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin ng mga tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng naka-dress na kumakain ng isaw. Duh?!

Hindi naman ako yung tipong maarte sa pagkain. Maarte lang ako sa pag-toothbrush dahil mineral water ang gamit ko. Hihihihi.

"Bayad po." pabebe kong sabi sabay abot ng barya sa katabi ko.

Hindi man lang nilingon.

"Kyah eto barya kyah" pangungulit ko sa bwisit na 'to.

Inabot niya naman ang bayad ko pero naramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang palad ko.

Malandi.

Wala ako sa mood makipaglandian sayo. Ang chaka mo, kyah.

Nginitian niya ako. Shuta! Walang ngipin pero may tartar. What? Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin sa bintana na tila gumagawa ng isang music video kasama ng chaka na 'to.

'Pag kasama ko si Kokey ~

Music video pala kasama si Kokey e noh? Nag-para na ako nang makita ang clinic.

Nagbbye pa si Kokey. Bumalik ka na lang sa planetang yekok at kumain ng eggyolk. Break it down! Yow!

Pinihit ko na ang mala-gintong doorknob at hinakbang ang kanang paa ko sa makintab na sahig. Kulay puti ito at napakalinis. Mabuti na lamang at madumi ang sandals ko para buena mano.

"Goodmorning, Ma'am!" bati ng sekretarya ni Doc.

"Goodmorning din! Nasaan si Doc? este.. okay na ba ang results ko?" pagtatanong ko naman.

Napatawa naman siya sa pagse-segway ko.

"Nandun si Doc este ang results mo." pang-aasar naman niya.

"I like you na" nakangiti kong sagot pagkatapos ay nagtungo na sa kwarto ni Doc.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto niya habang inaayos ang medyo nagulong buhok dahil sa lakas ng hangin sa jeep kanina. Hinaluan pa ng hininga ni Kokey kaya medyo nag-dry.

"Hi doc!" masigla kong bati.

"Hello, Ms. Ramirez!" nakangiti naman niyang sagot.

Ang pogi talaga ni Doc! Yayks!

"Eto na ang medical certificate mo. Nanjan na lahat ng kailangan mong requirements." dagdag pa niya.

Nagkatagpo ang aming mga mata. Matagal-tagal niya rin akong tinitigan bago niya iniwas ang kanyang paningin.

Sayang! Akala ko masusundan ang nangyari kahapon pero.. pakiramdam ko parang iniiwasan niya naman ako ngayon?

"Doc, kunin ko number mo." kinapalan ko na pempem ko este mukha para masundan pa ang pagkikita namin.

Binigyan niya naman akong nakakaloko at pamatay na ngiti pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang kanyang calling card.

"Mukhang makaka-score na ako." bulong ko sa sarili ko habang papalabas ng pinto.

Nang lingunin ko si Dr. Andrei.. mukhang hindi siya mapakali at iiling-iling. Bakit kaya?

-----------------------------------------------------------

Sorry kung medyo nabitin kayo sa chapter na 'to. Wala masyadong ganap HAHAHAHA!

Keep on voting, guys! Tumataas ang ranking natin sa humor! HAHAHA!

Maraming Salamat!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon