Kabanata 7

44 6 0
                                    

Written by WildestRebel

Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang mga titig sa akin ni Dr. Andrei. Mas lalong hindi ko maintindihan na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.. ang mga titig naman ni Mr. Andrew ang aking nakikita.

Hindi ko maipagkakailang may pagkakatulad nga ang dalawa.

"Malandi ka kasi kaya ganun!" sermon na naman sa akin ng langyang konsenya.

Tinakpan ko ng Garfield kong unan (Favorite ni author si Garfield e, bakit ba?) ang aking magandang mukha.

"Arrrrrgh! Mawala na kayo sa isip ko!" sigaw ko habang takip-takip pa rin ng unan ang mukha.

Ilang sandali pa ay mistulang nagiging blangko na ang aking pag-iisip. Inakala kong dahil sa antok lamang ito ngunit napagtanto ko na hindi na pala ako makahinga.

"Shutanginess na unan 'to." sinabi ko na lang kasabay ng sunod-sunod na malalim na paghinga.

Mabuti na lamang at nakakuha na ako ng NBI at Police Clearance last month kaya nabawasan na ang kakailanganin kong gawin. Noong isang buwan ko pa kasi binabalak na maghanap ng trabaho, ngayon lang ulit natuloy.

"Ahm.. Sorry Steph."

Paulit-ulit na bumabalik ang mga katagang binitawan ni Dr. Higop kanina.

Bakit ba kailangan pa niyang sabihin 'yun? Eng sherep keye.

"Ayaw niya kasing ma-fall sa isang taong tulad mo. Isang tulad mo na alam niyang hindi kayang magseryoso." pagsabat na naman ng aking konsensya.

Marahil ay tama ka. Sino nga ba naman talaga ang magseseryoso sa taong hindi naman seryoso. Ang totoo niyan, hindi pa ako nakakaranas na umibig. Hindi pa ako umiiyak ng dahil sa isang lalaki. Hindi pa ako nakaranas na masaktan at lalong hindi ko pa nararanasan ang maging maligaya. Panandaliang kaligayahan, oo pero 'yung sinasabi nilang pakiramdam mo lumulutang ka kapag kasama mo siya, hindi pa.

Baka nga ang mga katulad ko ay hindi talaga siniswerte sa larangan ng pag-ibig. Baka lang.

"Mahal ang baka ngayon, teh." pagsabat na naman ng epal kong konsensya.

Oo tama ka. Mahal ang baka ngayon. Lahat na lang ng sinasabi mo tama. Mabuti pa ang konsensya ko mas matalino pa sa akin. Shutangina bakit ganun?

Muli kong pinikit ang aking mga mata. Ayoko nang dagdagan pa ang mga iniisip ko. Kaunti na lang magmumukha na akong matalino e.

tik-ti-laok! tik-ti-laok!

Infairness ang aga magising ng mga chickens. Wait. Give me five more minutes!

tik-ti-laok! tik-ba-lang!

Napabangon ako sa aking narinig. Ano daw? Tikbalang? Ibang klase din dumiskarte sa paggising ng tao ang mga manok dito.

Dumiretso ako sa banyo para magtoothbrush ngunit naalala ko na wala nga pala ako 'nun kaya naghilamos at nagmumog na lamang ako ng tubig.

Sige seryoso na. Nagtoothbrush na ako gamit ang mineral water at mint toothpaste habang sumasayaw ng Jumpshot ni Dawin.

Pagkatapos ay nag-ayos na ako. Binuksan ko ang kulay white kong wooden aparador na may kulay silver na handle.

"Wala na akong maisuot." bulong ko sa sarili ko habang namimili sa sandamukal na damit.

Inabot ng 30 minutes bago ako nakapagdesisyon. Kinuha ko ang isang pulang sleeveless dress na may disenyong bulaklak paikot sa baywang at isang simpleng tan colored na sandals na may one-inch na takong.

Nag-umpisa na rin akong maglagay ng kung anu-ano sa mukha at syempre di ko makakalimutan ang red lipstick. Duh?

"Kailangan maganda ako ngayon." nakangiti kong sabi sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Bakit nga ba?

Pupunta lang naman ako ngayon sa clinic para kunin ang results at..

Makikita ko na naman siya mamaya.

-----------------------------------------------------------

Steph! Kailan ka ba magbabago? Saksakan ka ng kati. HAHAHAHA!

Ano na naman kayang mangyayari sa muling pagkikita nila ni Dr. Higop? Hmmmm.

Salamat sa pagbabasa at pagboto!

Magcomment na din kayo for suggestions or reactions. :D

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon