Written by WildestRebel
Verna's POV
Dalawang taon na ang nakaraan nang magkrus ang landas naming dalawa ni Luke. Dito rin sa restaurant na ito nang una kong masilayan ang nakakabighani niyang mga ngiti. Nagkakasiyahan sila nang mamataan ko siya.. birthday noon ni Mr. Saavedra. Invited lahat ng mga taong malalapit sa kanya. 'Dun ko napagtanto na kaya pa palang tumibok ulit ng puso ko.. pero sa pagkakataong ito.. sa lalaking parang bituwin na imposible ko namang maabot kahit na siguro maging astronaut pa ako.
Maganda naman ako, ayan ang sabi ng nanay ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang mapansin 'yun ni Luke. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa nang malaman kong dito na rin siya magtatrabaho pero halos pagbagsakan din ako ng langit at lupa na ang dahilan pala ay isang babae.. isang babaeng malandi.. hindi mapagkakatiwalaan at feeling maganda! Gusto ko siyang ilayo sa babaeng 'yun kaso sa tuwing binubulyawan ko si Steph, natutunaw ako sa mga titig ni Luke na tila ba ay galit na galit sa'kin. Hindi man niya sabihin pero nararamdaman ko 'to at nasasaktan ako dahil dito.
"Ang baho! Nandito pa rin yung amoy!" bulong ko sa sarili ko habang palakad-lakad sa harap ng Chef Andrew. Hindi ko talaga gusto ang babaeng 'yun! Lahat na lang sa kanya mabaho. Mabaho ang pagkatao niya pati na rin 'tong utot niya!
Agad akong nagtungo sa kitchen at waaaaaaait! Totoo ba itong nakikita ko? Halos hindi na siya pansinin ni Luke. Bakit? Naututan din ba niya 'to? Sana nga.
Pasimple pa akong sumilip sa nangyayari sa loob ng kitchen. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking labi. "Buti nga sayo, Steph!" bulong ko pa. Halos hindi na maipinta ang mukha niya.. siguro nagtataka siya kung bakit ganyan ang pagtrato sa kanya ni Luke.
"Verna!" agad akong napalingon sa aking likuran. "Bakit mo sinisilip sina Steph at Luke?" nakapameywang pa si Manang Becca. Manang kasi lagi siyang haggard. Ang chaka niya at isip bata kaya wala siyang makasundo dito.
Taas-noo ko naman siyang hinarap. "Bakit? Tinanong ba kita kung bakit ka nakalipstick ngayon?" tanong ko naman habang nakangisi dahilan upang mapayuko siya at gamit ang kanyang mga daliri ay marahan niyang kinapa ang kanyang labi. "Hindi bagay sayo! Manang ka pa rin!" natatawa ako habang binubulyawan siya.
Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin. "Mas naniniwala ako kay Steph, kasi di hamak na mas maganda naman siya.." huminto siya pagkatapos ay tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Aba! Dumikit lang kay Steph, natuto na rin magmaldita! Nang akmang sasabunutan ko na si Becca ay bigla na lang may humila sa damit ko dahilan upang mapatingin ako sa likod. "Steph?" kitang-kita ko ang galit sa talim ng kanyang mga titig.
"Punyeta ka! Huwag mong sasaktan si Becca!" pagbabanta pa niya. Agad na nagtatalon si Becca sa tuwa, pakiramdam niya niligtas siya ng kanyang superhero.
"Go Steph! Go! Go! Go!" sigaw niya habang sumusuntok sa hangin.
Nagulat ako nang biglang umatras si Steph at nagtungo kay Becca. Hindi ba niya ako hahampasin ng kaldero ngayon? Kanina ko pa napapansin na wala siyang kagana-ganang makipag-away ngayong araw.
Muli niya akong nilingon pagkatapos ay ngumisi siya na parang sinasabing oh-ano-ka-ngayon.. bago sila umalis. May araw ka rin sa'kin! Sa ngayon, mag-iisip na ako ng paraan para mapaibig si Luke ngayong nagkakalabuan na sila...
Asa ka naman, girl!
*-*-*
Steph's POV
Pinaglihi yata sa sama ng loob si Verna, halata naman sa mukha niyang sobrang sama. Wala nang ginawa kundi makipag-away. Siguro pati mga ipis at daga sa bahay nila, hindi nakakaligtas sa kanya.
Napatingin ako kay Becca na kanina pa nakatulala. Kinaway ko ang kaliwa kong kamay sa direksyon na kanina pa niya tinitignan. "Becca?" ngumiti naman siya nang agad bumalik sa kanyang ulirat.
"Pangit ba ako?" tanong niya habang nangingilid na ang mga luha.
Marahan kong tinapik ang kanang balikat niya. "Oo." maikli ko namang sagot na agad nagpahagulgol sa kanya.
"Magagawan naman natin yan ng paraan." kinindatan ko siya dahilan ng pagkabigla niya.
"Talaga, Steph?" tanong niya habang tinitignan ang kabuuan ng kanyang mukha sa hawak-hawak niyang maliit na salamin.
Napabuntong-hininga naman ako.. "Oo." tugon ko habang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang basahan na ginagamit sa pagpunas ng lamesa. "Magdasal ka. Kailangan mo ng milagro." dagdag ko pa pagkatapos ay nagpaalam na ako dahil may aasikasuhin pa akong mga customers.
Nilingon ko si Becca dahilan upang ako ay mapailing. Nakita ko itong nakaluhod at magkadikit ang dalawang palad. Nag-uumpisa na atang humingi ng milagro.
Papunta na ako sa isang table nang mapahinto ako.. namumukhaan ko sila! Sila ang mga magulang ni Luke. This time, nagulat ako dahil kasama nilang nakaupo si Mr. Saavedra at dalawa pang kapwa naka-business attire. Pansin kong ang talim tumingin ng babaeng kasama ni Sir. Medyo may edad na ito at di alintana ang katandaan dahil sa ganda pa rin ng kanyang kutis. Mestisa at mukhang matapobre. Ang sarap hampasim ng kaldero. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Andrew, bago lang ba iyan dito?" pakiramdam ko close sila sa paraan ng pagtawag niya rito. "Yes, Mom." tugon naman ni Mr. Saavedra. Hindi pa rin maalis ang titig nila sa'kin. Pakiramdam ko nanliliit ako. Gusto ko nang umalis dito.. pero paano?
Tumikhim ang babaeng matapobre. "Ija, ayoko ng tatanga-tanga sa restaurant ng anak ko!" bulyaw pa niya. "Kanina ka pa nakatulala diyan, hindi ka ba tinuruan ng proper etiquette pag pupunta sa mga customers?" dagdag pa niya habang iiling-iling.
"Mom.." pagpigil naman ni Mr. Saavedra.
Napabuntong-hininga ang bwisit na matanda. "No, Andrew! masyado ka kasing malambot pagdating sa mga empleyado mo!" sigaw pa niya na agad kumuha sa atensyon ng lahat ng kumakain.
Hindi ko mapigilang mainis pero hindi ko na lang pinapahalata, ayokong matanggalan ng trabaho. "Pasensya na po. Bago lang kasi ako dito." binigyan ko siya ng matamis na ngiti pati na rin ang mga kasama niya.
"What's happening here?" hingal na hingal si Luke. Saan ba 'to galing. "Ako na bahala dito Steph, bumalik ka na sa kusina." dagdag pa niya.
Agad akong nagtungo sa kitchen. Nanlalambot ako. Shuta! Gusto ko nang sapakin ang hinayupak na matapobreng 'yun! Nilingon ko sila at patuloy pa rin sila sa pag-uusap.. kasama si Luke. Tila ba ay may pinagtatalunan sila.
"Kaya mo yan, Steph." bulong ko sa sarili ko habang nakakuyom ang mga kamao. "Marami talagang tao na katulad nila kaya dapat ay marami kang pasensya." dagdag ko pa.
Nakita kong pabalik na ulit si Luke kaya agad kong binaling ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi niya mahalata na naaapektuhan ako. Haaaaaays!
-----------------------------------------------------------
Kagigil ang matandang matapobre at nanay pa talaga ito ni Mr. Saavedra. Haaaays!
Salamat sa patuloy na pagsuporta sa HNMT! Vote and comment na lang hihihi!
Mwaaaaaa!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
فكاهةHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...