Kabanata 19

33 5 3
                                    

Written by WildestRebel

Andrew's POV

"Ms. Ramirez!" pagsaway ko kay Steph nang makita kong nagkakainitan na naman sila ni Verna.

Ayoko talaga na may hindi nagkakasundo sa pagitan ng aking mga empleyado. Baka maapektuhan pa ang negosyo ko sa init ng mga ulo nila. Mas magandang magtrabaho nang matiwasay, diba?

"S-sir!" mautal-utal niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to! Kailan ba ito magtitino!

"What's happening here?" sabat naman ni Luke.

Ewan ko ba bakit biglang nainis ako nang biglang sumulpot si Luke sa pagitan namin ni Ms. Ramirez.

Napabuntong-hininga ako habang iiling-iling. "Mukhang nagkakainitan na naman sila ni Verna, Bro!" sagot ko naman.

Natawa naman si Luke habang hinihimas-himas ang balikat ni Steph.

Napangiti naman siya habang nakatitig kay Luke. Bakit parang naiirita ako? Baka ayoko lang makakita ng may naglalandian sa mga empleyado ko.

"Ahem." tumikhim ako para makaramdam naman sila na may tao pa silang kasama.

Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Pasensya na po, Sir." nakangiting sabi ni Steph.

Ang ganda ng ngiti niya. Kaya siguro maraming lalaki ang naloloko nito.

Hinding-hindi ako magpapaloko sa'yo, Steph.

"Bro! Are you alright?" pagbasag naman ni Luke. Mukhang kanina pa ako nakatulala.

"Sige. Bumalik na kayo sa trabaho." seryoso ko namang utos pagkatapos ay lumabas na ng restaurant.

Pabalik na ako ng opisina. Marami pa kasi akong kailangang gawin. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako nagtagal sa resto.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Andrew?" bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang daan papunta sa opisina.

Nasira ang aking pagmumuni-muni nang marinig ko ang matinis na boses ni Janeth. "Mr. Saavedra! Tumawag po si Mrs. Donna. Kanina ka pa niya hinahanap."

Ano na naman kayang kailangan ni Mom? May irereto na naman ba siya sa'king mga anak ng business partners nila?

Ayoko pang mag-asawa.

Hindi ko pa nakikita ang "The One"

o nakita ko na siya kaso dinaanan ko lang?

o marahil ay hindi pa ipinapanganak?

o baka naman naging tomboy na sa tagal ng paghihintay?

Bigla na lamang pumasok sa isipan ko si Steph.

Hindi pwede 'to.

"Ano daw ba ang kailangan niya?" tanong ko naman.

"Sinisigurado lang niya kung naglagay ka raw ba ng bimpo sa likod baka daw magka-ubo ka." pang-aasar ni Janeth.

Mukhang wala akong makukuhang magandang sagot dito. Tatawagan ko na lang siya mamaya.

"Andrew!" pamilyar ang boses na 'yun.

Nakita kong nalaglag ang panty ni Janeth, may napkin pa ito. Kadiri.

"K-kuya??" bihira lang magpunta ang kapatid ko rito. Ano na naman bang kailangan nito?

"D-doc... A-andrei..?" mamula-mula ang mukha ng malandi kong sekretarya habang naglalaway sa aking kapatid.

Pinagnanasaan niya ang kuya ko.

"Good Afternoon sa inyo!" bati naman niya sa'min ni Janeth. "Nagugutom na ako, Andrew." dagdag pa niya.

Hindi naman 'yan madalas kumain sa restaurant ko. Bakit kaya gusto niyang pumunta ngayon?

"Tara." pagyayaya ko naman sa kanya. Hindi pa nga ako nakakaupo aba babalik na naman ako.

Napakamot na lang ako ng ulo habang binabaybay ang daan patungo sa resto.

Napalingon naman sa gawi namin sina Steph at ang mga crew.

Gulat na gulat ang mababasa sa ekspresyon ngayon ni Steph. Bakit kaya?

"Steph!" sigaw ni Kuya. "I miss you!" paglalandi pa niya.

Nagulat rin ako sa pagiging agresibo ng kapatid ko. Maging si Luke ay sumama na ang timpla.

Agad na kumaway si Steph. "Doc!" sigaw pa niya.

Agad na nilapitan ni Kuya ang nakangiting si Ms. Ramirez. Sumunod naman ako sa may bandang likod niya.

"Andrew, pwede bang si Steph na lang ang mag-asikaso sa akin dito?" sabi niya na tila nagmamakaawa ang mga mata.

Kumunot ang noo ni Luke.

"Kuya Andrei!" napalingon si Kuya sa gawi ni Luke.

"Magkakilala kayo?" tanong naman ng nahihiwagaang si Steph.

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ang kwelyo ng aking damit.

"Pinsan ko 'yan si Luke." nakangiti namang niyang tugon.

Palipat-lipat ang tingin ni Steph. Kay Kuya, kay Luke at maya-maya ay sa'kin naman.

"Kapatid ko si Dr. Andrei." maikli ko namang pahayag.

Nanlaki ang mga mata ni Steph.

Nanonood naman ang mga crew sa pangunguna ni Verna.

"Bumalik na nga kayo sa trabaho!" utos ko naman na agad nagpaalis sa kanila.

"Dito ka na rin nagttrabaho bakit kasi ayaw mo pang bumalik sa mga magulang mo?" nangingising tanong naman ni Kuya kay Luke.

Napangiti na lang si Luke pagkatapos ay napakamot ito sa ulo.

"Ayy! Hindi na lang pala si Steph ang mag-aasikaso sa 'kin. Sabay na lang kaming kakain. Pwede ba?" kitang-kita ang paglalandi niya habang titig na titig kay Ms. Ramirez.

"Bahala ka!" bulyaw ko naman.

Biglang kumunot na naman ang noo ni Luke pagkatapos ay pumunta na siya sa kusina para asikasuhin ang mga paborito ni Kuya. Kilalang-kilala niya na kasi kami ng aking kapatid. Kababata namin siya at alam niya ang mga katarantaduhang ginagawa nito.

Bakas pa rin sa mukha ni Luke ang pagkainis. Marahil ayaw niya ng may ibang lumalandi kay Steph.

'Tara, Steph." pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito at inaalalayan patungo sa isang table.

Hindi ko rin gusto ang nakikita ko. Hindi ako nagseselos ha. Wala naman talaga akong pakialam baka dahil gusto ko pag trabaho e trabaho lang.

"Andrew!" kumaway siya sa akin. "Join us!" pag-anyaya naman niya.

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko papunta sa kanila. Gutom na rin ata ako. Oo, gutom lang 'to.

Siguro mas maganda kung kami lang ni Ms. Ramirez dito ngayon.

"Shit." mahinang sabi ko naman.

"Ano 'yun, Bro?" tanong naman ni Kuya na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Ah.. wala.. wala!" nauutal ko namang sagot.

GUTOM LANG TALAGA AKO!

-----------------------------------------------------------

Yes ang haba ng chapter! Achievement para sa isang tamad na author na katulad ko. Hahahaha!

Ano kayang nangyayari kay Mr. Saavedra at nagkakaganyan siya? Hmmmmmmm baka naman?

Salamat sa pagbabasa! Vote na rin kung nagustuhan ninyo! Yayy!

Mwaaaaa!

He's Not My Type (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon