Written by WildestRebel
Steph's POV
"Aray!" Nagising na lang ako bigla sa kirot na aking naramdaman sa may bandang pisngi ng pwet ko.
Napakunot na lang ang noo ko nang mapagtantong isang malibog na ipis ang kumagat sa makinis kong pwet. Aba! May dala pa siyang maliit na condom baka daw mabuntis ako. Attempted Rape ang ikakaso ko sa kanya kung nasasakop lang din sila ng batas! Arrrgh!
Ang sarap kasi magpanty lang sa pagtulog e. Lalo na kung butas pa para x2 ang lamig. HAHAHAHA!
8:00 A.M.
Napatingin ako sa orasan kasabay ng pag-tilaok ng mga manok. Wala talagang kwenta mga manok dito. Mas mauuna ka pang magising sa kanila baka dahil napuyat. Hindi siguro sila makatulog dahil nakikita nila yung mga paninda ni Aling Bebang sa tapat. Puro Lucky Me Chicken kasi nandun, natakot.. baka pag natulog e gawin silang instant noodles!
Napa-iling na lang ako habang nagsusuot ng pekpek shorts na.. butas rin para x4 ang lamig HAHAHAHA!
"Sa Lunes na pala ako magsisimula sa trabaho. Kailangan kong mag-asikaso ng requirements ngayon!" bulong ko sa sarili habang nag-uunat sa pagkakahiga.
Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa bakery ni Aling Tinay.
"Pabili po." magalang kong sabi.
"Ano yun?" anya ni Aling Tinay.
"May iba pa ba kayong tinda bukod sa pianono?" dagdag ko.
"Wala." matigas niyang sagot.
"Oh wala naman pala e! Edi pianono. Nagtatanong ka pa." sarkastiko kong sagot.
"Naglabas ako ng mga bagong flavors, noh!" pagmamalaki niya pa.
Nanlaki na lamang ang mga mata kong may muta pa sa nabasa ko.
"Kare-kare flavor???" halos maduwal ako sa nabasa ko.
"May adobo, afritada, sinigang, pritong pianono pa!" masayang sabi ni Aling Tinay.
"Kinginamers! Anong lasa niyan, teh?" nakangiwi kong sagot.
Napailing na lang ako sa kagaguhang sumapi kay Aling Tinay.
Napagpasyahan kong wag na lang kumain tutal magpapa-medical ako at dahil na rin umurong na ang sikmura ko sa mga pianonong aking nadiskubre.
"Ganda, akin ka na lang!"
"Hi miss!"
"Chix 'pre oh!"
Nakakapagod na rin ang maging maganda at sexy. Pero ang mga pahinante ng truck, tricycle drivers at mga construction workers hindi napapagod magpapansin! Gaaaad!
Birthday na pala ni Angelie, ang bestfriend kong malandi rin. Ano kayang regalo ang ibibigay ko? Pianono na lang kaya ni Aling Tinay HAHAHAHA!
"Happy Birthday po!" sambit ko kay manong driver nang mapansin kong lumagpas na ako sa clinic na aking pupuntahan.
Hindi ata ako narinig.
Nagtawanan ang mga pasahero. Bakit kaya?
"Ahm.. PARA PO!" nahihiya kong sabi sa driver na natatawa na rin. Lupa, lamunin mo na ako!
Kasalanan 'to ni Angelie. Bibigyan ko siya ng Adobo flavored na Pianono!
ABKD Medical Clinic and Laboratory
Pinihit ko ang kulay gintong doorknob at nakaramdam ng lamig na dumampi sa aking balat.
Ang lakas ng aircon.
"Goodmorning, Ma'am!" bati ng maliit na babaeng may makapal na lipstik.
"Goodmorning. Magpapa-medical po ako." matipid kong sagot.
"Mag-fill up ka muna ng form at pagkatapos mo ay bibigyan kita ng number." pagbibigay niya ng instruction habang nakangiti.
"Salamat po." naguguluhan kong tugon.
Bakit pa kailangan ng number? eh ako lang naman ata pasyente rito.
"Goodmorning, Doc!" bati ng sekretarya.
Napatingala naman ako sa tinutukoy niyang Duktor.
*jawdropped*
Hinubad ko ang suot kong jacket kahit sobrang lamig sa clinic. Tumambad sa harap niya ang cleavage at boobs kong nais na kumawala sa masikip na sando.
"Goodmorning, Doc!" bati ko naman sa kanya habang pupungay-pungay ang mga mata.
"Goodmorning din sa inyo!" sagot ng hot na doctor na kamukha ni RK Bagatsing.
Naka-tshirt na hapit pa lang siya nang pumunta sa clinic. Bakat na bakat ang mga monay sa katawan niya at daga sa braso niya.
"Hmmmmm.. alam na this!" Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti sa hangin.
-----------------------------------------------------------
Mukhang may maitim na binabalak ang malanding si Steph sa hot na doctor!
Nangangati na naman ang kanyang pempem! Jusko Steph! Abangan kung lalagyan niya ba 'to ng kati alis o alam na.. ano ba? Hahahaha!
Comment lang kayo guys! Vote na rin para masaya! HAHAHA!
Thank you!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type (On-Going)
HumorHighest Rank Achieved: #115 in Humor He's Not My Type (On-Going) Written by: WildestRebel "She might be built for seduction, but she was made for love." - Jonny Ox Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng mag-isa na lang itinataguyod ang sarili...